Chapter 138

Agad namang napatingin ang batang lalaking si Li Xiaolong sa bagong dating na lalaking ito na si Yuán Feng o mas kilala sa katawagan nito bilang Prince Feng.

Masasabi niyang sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng totoong miyembro ng Yuán Family na siyang nakakataas na namumuno sa buong Sky Flame Kingdom. It's not that he can says that Yuán Family manages everything in all the boundaries of Sky Flame Kingdom but it is surely that they manages the whole kingdom in their own accord.

Masasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong na ang prinsipeng bagong dating na ito ay hindi nga pamilyar sa kaniya. Nagsusumigaw man sa karangyaan ang binatang lalaking nakasuot ng mamahaling damit na gawa sa pambihirang kalidad ng tela ay kaibahan naman ang kabuuang mood nito. Masasabi niyang malungkutin o nababalot ng lungkot ang pares ng mga mata nito kahit na paminsan-minsan ay nakikita niyang ngumingiti ito sa ibang mga taong naririto especially sa mga nasa itaas na bahagi ng mga silid dito for VIP's lamang para sa gagawing pagpapasubasta ngayon ng Jade Auction House through bidding which is kung sino ang pinakamalaking bid o pagpapahayag ng presyo sa mga pinapasubastang mga items ay siya rin namang magtatamo ng bagay na iyon.

Marami pang dumarating na mga personalidad na masasabing tanyag rin dito sa Auction House at palaging naririto tuwing may subastahan na mangyayari. Kabilang na rito ay ang tatlong Elders ng Cuī Clan, Máo Clan at Kāng Clan. Sa totoo lang ay nakakainis isipin na naririto ang mga ito at kilala talaga ang mga angkan na ito na masasabing nasa upper level na mga family o yung mga Aristocrats Family. They are not just simply here to watch at gumastos lang ng mga salapi o kayamanan ng kanilang mga pamilya. Kung tutuusin nga ay masasabing kilala ang tatlong elder na ito sa pagiging trio na kayang mag-obserba ng mga pambihirang mga bagay o kayamanan na nakikita ng kanilang mapanuring mga mata.

Tila nakaramdam ng agam-agam ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil rito. Mga huklubang matanda ang makakalaban niya if he goes his way in para matami man lang ang mapagkakainteresan niya rito. Yung salapi na maaari niyang gastusin ay nasa kalahati lamang ng kabubuang salapi na makukuha niya sa mabebenta niya dahil kailangan rin ng pamilya niya ng malaking halaga. Naiisip niyang unahin ang mas importante kaysa sa mga personal na gusto niyang mga materyal na bagay o kagamitan. Iniisip niya rin ang mga bagay-bagay na katulad na lamang sa mga pangahas na mga kilos ng mismong awtoridad ng Sky Flame Kingdom upang gamitin ang mga galamay o koneksyon nito laban sa Green Valley partikular na rito ang mismong Li Clan. Napagtanto niya rin na gusto ng mga nasa nakatataas na mga posisyon ng Sky Flame Kingdom na gumawa ng bagay na which is they can hit two birds in one stone (idiom). Isipin mo yun, they are searching the Blood Gem Crystal Mines sa loob ng Sky Flame Kingdom but they will first start in a very poor territory o piece of land tapos they will surely attack the Li Clan, finding it's weakness, destroys the defenses etc. Kung sino mang nakaisip ng mapangahas na plano na ito ay masasabi niyang hindi Basta-bastang nilalang lamang ito. Kahit ganon pa man ay atleast he knows atleast half of the plan of this dangerous person or group of people inside the Sky Flame Kingdom.

Napatigil sa malalim na pag-iisip ang batang lalaking si Li Xiaolong nang biglang bumukas ang malaking kurtinang nakaharang sa entablado na nagsisilbing lugar para ipresenta ang mga bagay-bagay na maaring masubasta at makamit ng sinuman maya-maya lamang. Makikita ang isang magandang dalagang babaeng may suot ng nakakaakit na kasuotan, napakaganda ng babaeng host na ito though he expect na si Master Liwei ang magho-host pero alam niyang hindi bebenta ang kaniyang sariling produktong ipepresenta kung siya lamang. Common na lamang ang ganitong klaseng taktika lalo na sa mga Auction House which is ang target nila ay mostly mga lalaking mga martial artists na kayang magbayad ng malaki para sa isang item/s.

Kasabay nito ay mabilis na napahiyaw ng malakas ang mga kalalakihang naririto. Kaya ang buong lugar na ito ay tila naging maaliwalas at buhay na buhay. Ang kaninang tila gloomy na environment at di kasiya-siyang panoorin ay masasabing maganda ang atmospera ngayon.

"Magandang araw sa inyong lahat. Ako pala si Miss Hee,  ang magiging host niyo ngayon sa gaganaping pagsusubasta sa loob ng Jade Auction House. Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa inyong pagpapaunlak upang personal na pumunta at masaksihan ang gagawing pagsususbasta ngayon. Tingin ko ay kumukupas na ang ganda ko ngayon." Sambit ng magandang dalagang habang tila nagpapacute pa ito at mayroong mapang-akit na ngiti na ubod ng tamis na nakikita ng lahat ng naririto lalo na sa mga grupo ng mga kalalakihan naririto.

"Ang ganda mo pa rin Miss Hee!"

"Akin ka nalang Miss Beautiful!"

"Walang kupas pa rin ang alindog mo Hee Myloves!"

"Tinatanong pa ba yan? Sinong nagsabi na pangit si Miss Hee ay ako mismo ang bubugbog!"

"Kalma lang Miss Hee hehe, free ka ba mamaya?!"

"Ulol, as if papatol sa'yo ang aking diyosa!"

"Oo nga, mukha kang garapata tapos aangkinin mo si Miss Hee?! Ano ka tanga?!"

"Tama ka, they want a swan eh mukha ka namang paa!"

"Akin lang si Miss Hee!"

"Ulol!"

Tila nagkaroon ng komosyon sa mga grupo ng nagtutumpukang mga martial artists sa pinakapalapag na hindi kalayuan sa nasabing Auction Stage (entablado). Tila magkakarambula pa sana ang mga ito nang magsalitang muli ang magandang dalagang babaeng si Miss Hee na siyang Host ng gaganaping pagpapasubasta sa kasalukuyan.

"Hep hep, wag kayong magkagulo kung hindi ay malulungkot talaga ako. Malay niyo baka may oras pa ako upang idate ang sinumang malaki ang magagastos sa kasalukuyang pagsusubasta. Malay natin hehe..." Mapang-akit na sambit ng magandang babaeng si Miss Hee na siyang host sa araw na ito sa gagawing pagpapasubasta. Nakangiti pa ito ng matamis hàbang gumagala ang tingin niya rito. She just act and say as if she just wants to bewitch everyone here in her own beauty and assets lalo na ang kaniyang perpektong pangangatawan.

...