Chapter 144

Ang Elder ng Kāng Clan ay talaga namang kilala sa loob ng Jade Auction House lalo na at isa ito sa tatlong angkan na palaging makikita kapag nagkakaroon ng Auctioning o pagpapasubasta sa nasabing lugar rito.

Siya ay si Elder Kāng Da. Isa sa masugid na Elder na kilala sa pagiging metikuluso sa mga bagay-bagay llalo na at pagdating ito sa pambihirang mga bagay o kayamanan. Walang makakatakas sa talim ng mata nito lalo pa't ang mga opportunidad ay gusto niyang kunin palagi without a second thought. Takot din ang iba sa kaniya dahil sa pagiging Elder niya sa loob ng kinabibilangan nitong angkan na Kāng Clan at masasabing malaki ang nsging kontribusyon niya sa loob ng kanilang angkang kinabibilangan. Ngunit masasabi niyang matanda na siya at napaglipasan na ng panahon kagaya ng dalawa pang Elder ng Máo Clan at Cuī Clan na naririto sa loob ng bulwagang ito ng Jade Auction House.

Mabilis naman siyang tumingin sa gawi ng mga mortal niyang kaaway sa pagpapasubasta na sina Elder Máo Chao at Elder Cuī Fu habang makahulugan itong tumingin sa kanilang sariling VIP ROOMS na kinaroroonan ngayon. Naiinis na siya sa mga ito lalo pa't sa tingin palang ng mga ito sa isat-isa ay alam niyang hindi ang mga ito magpapatalo sa kaniya.

"Napaka-confident mo ata ngayon Kāng Da, baka nakakalimutan mong ako ang pinakamayaman sa ating tatlo. Dare to compete me? Stupid!" Confident na sambit ng Elder ng Cuī Clan na si Elder Cuī Fu. Halatang gusto nitong ipalasap sa Elder ng Kāng Clan na si Kāng Da na hindi ito mananalo sa kaniya kahit saang anggulo lalo na kung pag-uusapan ang kakayahan sa pagpapalabas ng mga salapi.

"Oo nga, sa ating tatlo ay alam naman nating may talento ka sa pagsuri ng kalidad ng mga bagay pero wala kang lamang sa ganito." Sambit ng matandang lalaking Elder na si Elder Máo Chao habang nagpakita pa ito ng money sign gamit ang kamay nito na halatang gusto niyang inisin si Elder Kāng Da ng Kāng Clan. Gusto niya ring makipagkaibigan kay Elder Cuī Fu na siyang napakarangya sa kanilang tatlo.

"Hmmmp! Dare to compete me?!" Sambit ng matandang lalaking Elder na Elder Kāng Da. Naiinis ba siya sa mga ito. Halos lahat na lamang ng gusto niyang makuha sa pagpapasubasta na ito ay kinakalaban siya nina Elder Máo Chao ng Máo Clan at Elder Cuī Fu ng Cuī Clan na kinaiinisan niya talaga. Ayaw niya talagang mangyari na kalabanin ang mga ito ngunit kahit isa ay wala siyang napurchase na item na tumama sa bid niya dahil nauungusan siya ng dalawang Elder na ito.

"55,000 gold coins!" Malakas na pagkakasambit ni Elder Máo Chao sa nasabing Talisman na nagngangalang Burning Sword Light Talisman.

"65,000 gold coins!" Nakangiting sambit naman ni Elder Cuī Fu habang nakatingin sa gawi ng dalawang Elder.

"Sorry nalang sa inyong dalawa dahil hindi ako magpapatalo sa kahit na sinuman sa inyo hehe!!!" Sambit muli ng matandang lalaking si Cuī Fu habang nakatingin sa dalawang kapwa niya Elder na sina Elder Máo Chao lalong-lalo na kay Elder Kāng Da.

Tila nagkaroon naman ng bulung-bulungan ang mga nasa gawi ng mga nagtutumpukang mga martial artists. Malayo naman sa kanila ang VIP rooms ng nasabing tatlong Elders, ngayon lang din nangyari na nasa pinakaduluhan ang mga ito na siyang nakikita ng mga ito na it's kinda silly as well as funny to say it out loud.

"Nag-away-away na ang tatlong huklubang Elders na ito. Alam nating wala ring kwenta ang mga bagay na ito sa kanila pero pinagpipilitan pa rin nila ang sarili nila!"

"Kaya nga nakakainis talaga ang mga ito pero mayaman naman silang tatlo eh, ano bang laban natin sa kanila lalo na at mga Elders sila ng tatlong naglalakihang angkan sa Sky Flame Kingdom."

"You get the point, alam naman natin na nagpapalakihan sila ng contribution points sa loob ng angkan nila. Kung di sila ang gagamit ng nakuha nilang bagay o items dito sa Jade Auction House ay pwede naman nilang i-exchange ito sa contribution points."

"Exactly! Wala talaga tayong laban sa mga ito sa posisyon sa angkan o sa palakihan ng kayamanan."

Ilan lamang ito sa mga narinig ng batang lalaking si Li Xiaolong sa gawi ng mga nagtutumpukang mga martial artists sa unang palapag. Given na rin naman talaga na wala silang laban sa mayayamang Elders na naririto.

Tila masasabing masyadong na-disappoint ang mga ito ngunit napangiti na lamang ng mapakla ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaloob-looban niya.

"Hmmm... Something's odd is happening right now. Siguradong hindi makakapayag ang iba pang mga martial artists sa pangalawang palapag na makuha ang bagay na pinapasubasta ko hahaha..." Nakangising sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingin sa ibang mga direksyon kung saan naroroon ang iba pang VIP rooms. Alam niyang magugustuhan ito ng iba pang mga martial artists lalo na ng mga eksperto na naririto.

...

Habang nasa mainit pa rin na tensyon sa pataasan ng bid ng mga martial artists na naririto ay masasabing hindi magpapatalo ang ibang mga nasa VIP rooms na nasa dalawampo ang okupadong silid sa kasalukuyan dahil patukoy rin sa pagdami ang pumupunta ritong mga martial artists maging ng mga ekspertong nagkainteres na pumunta rito upang saksihan kung totoo ba o hindi ang nasabing mga impormasyon na patuloy na lumalaganap katulad ng isang wildfire. Nang pumunta nga sila at nasaksihan ang mga naabutan nilang eksena kanina ay talaga namang nagulantang sila sa pangyayaring ito. Sakto namang nasa pangalawang item pa lamang sila at it turns out na isa rin pala itong item na maituturing na nasa Xiantian Realm Level na halos ikinagulat din nila. Kaya ang ending ay nakipagsabayan din sila sa tatlong maikokonsiderang mayayamang mga Elders ng Máo Clan, Kāng Clan at lalong-lalo na ang Cuī Clan.

68,000 gold coins!

70,000 ggold coins!

73,000 gold coins!

75,000 gold coins!

80, 000 gold coins!

Hanggang sa hindi na nila namalayan na nasa 105,000 gold coins na ang presyo nang nasabing item na tinatawag na Burning Sword Light Talisman na siyang malakas at pinalakas na bersyon ng isang Shining Sword Light Talisman. Alam na nila kung gaano kalakas ang orihinal na Shining Sword Light Talisman ngunit ang makita ang Burning Sword Light Talisman na mayroong malakas na area damage at isang auto-kill na item para sa malalakas na eksperto na nasa Early Xiantian Realm Expert ay talaga namang nakakamangha at nakakatakot na tingnan.