Chapter 156

Nanlaki naman ang mata ng mga saksing mga martial artists na naririto kung saan ay makikita ang kanilang sariling mga mata ang labis na pagkagulat ngunit napalitan iyon ng pagkaganid sa mata ng karamihang mga mapanuring mga martial artists.

Hindi nila mapigilang mag-usap-usap o magbulung-bulungan patungkol sa biglang pagsalita ng matandang lalaking si Honorable Long. Kaya maraming mga espekulasyon ang namuo sa mga isipan ng mga naririto.

"Hmmmp! To think na gustong kunin ng matandang lalaking si Honorable Long ang bagay na iyan ay malamang ay isang pambihirang item iyan!" Sambit ng isang lalaking martial artist habang tinuturo pa nito ang nasabing item.

"Oo nga, ngayon lang ako nakakita ng pagiging decisive ni Honorable Long. Surely, this is a great treasure indeed!" Sang-ayon naman ng isang noble na lalaki habang mabilis nitong pinaypayan ang kaniyang sarili gamit ang kakaibang pamaymay.

"Sa tingin palang ng matandang lalaking si Honorable Long ay alam kong interesado siya sa bagay na iyan. Wag nating hayaan sa kaniya mapunta ang maliit na batong parisukat na iyan!" Sambit ng matabang babae na nakatirintas ang mahabang buhok nito.

Mayroon din namang hindi sang-ayon sa sinabi ng ilang mga martial artists na naririto.

"Para sa akin ay hindi naman ganoon. Alam naman nating kahit ang mismong Jade Auction House ay hindi alam ang pagkakakilanlan ng bagay na ito o kung ano ang gamit o panggagamitan nito." Bwelta naman ng magandang babaeng nasa tumpok ng mga Martial Artists na saksi sa buong pagpapasubasta rito. Halatang hindi siya sang-ayon sa mga naunang nagsalita ng kanilang sariling opinyon.

"Gusto lang siguro nitong tuklasin ang bagay na ito. It's a useless item. Alam nating lahat na malakas ang Jade Auction House sa pagsuri ng mga pambihirang bagay." Segunda naman ng may edad na martial artists na naririto. Hindi siya makapaniwala na gagastos ang sinuman para sa useless item na iyan. Jade Auction House na mismo ang nagsabi na di nga nila alam ang gamit nito tapos ang matandang lalaking si Honorable Long ay alam ang gamit nito? Ano ito siniswerte?!

"No doubt for that, siguro ay gusto Lang magmagaling ng matandang lalaking si Honorable Long sa atin ngunit ang totoo ay hindi rin nito matutuklasan ang bagay na iyan!" Dismayadong sambit ng isang Martial Artists lalo na at suportado niya si Honorable Long kanina ngunit sa katangahan nito para sa kilos na ginawa nito ay nakakadismaya talaga para sa kaniya.

"Kaya nga eh, ano pa ang dahilan kung mapapasaatin iyan eh wala namang silbi yan kung tatanungin ang Jade Auction House!" Mapaklang sambit ng isang babaeng martial artist na talagang sang-ayon sa sinabi ng nauna. Dismayado din siya sa nasabing matandang lalaking si Honorable Long.

"Sang-ayon ako sa'yo. Kahit ako ay hindi gagastos ng anumang halaga para sa useless item hahaha!" Walang pagkiming sambit ng payat na binatang lalaking martial artist habang pagak pa itong napatawa sa huli. Napaka-unreasonable kasi para sa kaniya ang ginawang ito ni Honorable Long. Halatang alam niyang wala taste sng matandang lalaking si Honorable Long sa pagpili ng pambihirang mga item.

Ang iba ay hindi na lamang nagsalita. Ayaw nilang makisawsaw pa sa usapang ito.

Sa loob naman ng ikalimang numero ng pribadong silid ay nag-uusap naman ang magandang dalagang si Yì Hua at ang Uncle nitong si Elder Yì Huizhong ng Yì Clan.

"Gusto mo bang makuha ang bagay na iyan aking pamangkin? Hehehe...!" Mapang-asar na sambit ng matandang lalaking si Yì Huizhong habang makikita ang nakapaskil na ngisi sa gilid ng mga labi nito.

Tila dumilim naman ang mukha ng magandang dalagang si Yì Hua dahil sa pangyayari na ito.

"Hmmmp! Uncle naman eh, ayoko ng item na ito. Ano ako tanga?!" Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang makikitang nagmamaktol pa ito sa kaniyang sariling tiyuhin.

"Akala ko ba tagahanga ka ng matandang lalaking nagngangalang Honorable Long aking pamangkin?! Bakit ayaw mo ng item na gusto niya. Baka mayroon kang mapapala sa item na gusto nito hehe

...?!" Sambit ni Elder Yì Huizhong sa pasarkastikong pamamaraan ng pagsasalita halatang ayaw biyang tantanan ang kaniyang sariling pamangkin.

"Grrr... Naiinis na ko sa'yo Uncle. Like seriously? Sino'ng gustong kumuha ng pesting basurang item na iyan? Sa totoo lang ay nakakahiya ang ginagawa nito." Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang makikitang hindi ito makapaniwala sa kaniyang sariling nalalaman patungkol sa katangahang ito ng matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na si Honorable Long. Sang-ayon siya na napabilib siya sa husay ng matandang lalaking ito sa bilis ng reaction time nito ngunit sa katangahan nito ay ibang usapan na iyon. Naiinis siya sa sarili niyang tiyuhin sa totoo lang ngunit wala siyang magagawa kundi pakisamahan ito.

Sa huli ay wala rin ang kumontra at ang nakakuha ng nasabing item na misteryosong parisukat na bato ay napunta sa kamay ng matandang lalaking si Honorable Long (Li Xiaolong).

Lumipas ang marami pang oras at marami pang mga naipasubasta ng Jade Auction House na talagang kinagiliwan ng mga manonood na mga martial artists na naririto. Gusto rin ng bawat isa sa kanila na may maiuwi na mga pambihirang items at hindi lang sila puro nood lang rito. Sino ba ang gustong umuwing walang dala? Malamang ay wala ngunit this items comes with a great price. Ang iba ay pinili na lamang lumugar sa gilid at manood na lamang.

Ngunit lahat ng mga bagay na ito ay napakapambihira man ngunit alam ng batang lalaking si Li Xiaolong na walang kwenta ang mga ito sa kaniya dahil walang Purple Blood na item siyang nakuha o mas mataas na realm na item. Tanging ang parisukat na bato lamang ang nakuha niya.

Hanggang sa malapit nang maghapon...

"Ang item na ito ay siyang pinakahinihintay ng lahat. Ito ay ang Blue Crystal Pill. Isang Pill na masasabing may kakayahang at maituturing na isang Middle Xiantian Realm item sapagkat ang item na ito ay isa sa gawa ng pambihirang Alchemist ng Sky Flame Kingdom!" Nakangiting sambit ni Miss Hee matapos nitong buksan ang isang maliit na lumang kahon na naka-embedded ang isang pabilog na bagay na kulay asul. Naglalabas ito ng kakaibang asul na liwanag na tila nakakaaya tingnan sa mata ng mga manonood.