Chapter 160

Sa loob ng ikawalong numerong pribadong silid...

"Bakit mo gustong kunin ang Awakening item na iyan Liqiu? Umaasa ka pa ba?!" Mapang-asar na sambit ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong.

Sa unang tingin ay aakalain mong close ang tiyuhin ni Yì Hua na si Elder Yì Huizhong sa nakababatang kapatid nitong si Yì Liqiu ngunit sa katunayan ay maling-mali pala ang ilan. Pinakikisamahan o pinakikitunguhan lamang ni Elder Yì Huizhong ang pamangkin nitong si Yì Liqiu dahil gusto nitong makuha ang loob ng magandang dalagang si Yì Hua na hindi naman lingid sa kaalaman ng magandang dalagang ito.

"Uncle, please lang ha... Wag mong awayin ang kapatid ko." Mahinahong sambit ng magandang dalagang si Yì Hua na halatang ayaw nitong makita na inaasar nito ang kaniyang nakababatang kapatid.

"Oh wow, alam mo Yì Hua na ang kapatid mo ay napakagastos. Gusto ba nitong maglustay ng 1000 gold coins para lamang sa pesting awakening items na iyon na alam ko naman o maging ikaw na masyado naman atang nadala ang kapatid mo sa sinabi ni Miss Hee." Mapang-asar muling sambit ni Elder Yì Huizhong habang napaikot-ikot pa ito ng kaniyang sariling ulo. Alam niya kasing isang malaking pag-aksaya ito ng yaman lalo pa't siya pa rin ang magbabayad nito.

"Ibawas mo nalang iyon Uncle sa akin. Total ay maliit na halaga lamang iyon." Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang binabalewala na lamang nito ang sinabi ng kaniyang sariling Uncle. Hindi naman niya maaaring i-dismiss o awayin ang sarili niyang Uncle dahil magagalit ang ama nito sa kaniya at bubungangaan naman siya ng kaniyang sariling ina upang sermunan na naman na kesyo ganito, kesyo ganyan na siyang ayaw niyang mangyari.

Nakangiti naman sumulyap sa gawi ng magandang dalagang si Yì Hua ang tiyuhin nitong si Elder Yì Huizhong at nagwika.

"Mabuti naman kung ganon. Alam mo namang gipit ako ngayon. Salamat aking pamangkin hehe..!" Sambit ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong. Gusto niyap a sanang idagdag sa sinabi niya ang mga katagang "Mabuti naman at hindi ako gagastos sa peste mong kapatid hahaha napakabasura nito, sinong willing na gagastos para rito?!" ngunit sa huli ay sa sarili niya lamang itong isipan sinabi at hindi pinalabas sa mismong binig nito mismo. Ayaw niya rin namang mainis o mairita sa kaniya ang kaniyang pamangkin na si Yì Hua na hindi isang good choice para galitin ito. He really knows his boundary very well, wala rin siyang mapapala kung gagawa siya ng maling hakbang na ikakapahamak niya.

Sa huli ay walang nagkainteres na kunin ang nasabing item na para sa mga naririto ay walang silbi rin para sa kanila kaya nakuha ito ng batang babaeng si Yì Liqiu na nasa loob ng pangwalong pribadong silid sa pangalawang palapag ng bulwagang ito.

Dito ay natapos na nga ang nasabing Auctioning na nangyayari sa loob ng Jade Auction House.

...

"Bwisit! Hindi ko aakalaing hindi sapat ang ating salapi upang makuha ang pambihirang pill item na Blue Crystal Pill hmmp!" Sambit ng isang boses mula sa loob ng Sound Transmitting Talisman na halatang hindi ito natutuwa sa pangyayari kanina. Hindi rin siya makaalma sa mismong Jade Auction House dahil malilintikan sila kung magkataong gusto nilang manloko o gumawa ng gulo sa loob ng lugar pasubastahan na ito. Nagpipigil lamang ng inis ang nilalang na ito upang ilabas ang kaniyang sariling emosyon.

"Akala ko ba ay tayo o ikaw ang makakakuha ng Blue Crystal Pill. Mukhang pinaglololoko mo lamang ako!" Sambit ng lalaking martial artist na puro piercings ang mukha nito. Halatang dismayado ito sa naging resulta kanina lamang. Hindi pa rin siya makapaniwala na natalo sila in a huge amount of money.

"Hindi ko natantiya na hindi aabot sa mataas na halaga ang presyo na ibi-bid ng magandang dilag sa pangwalong pribadong silid." Puno ng pait na pagkakasabi ng lalaking boses na nagmumula sa loob ng Sound Transmitting Talisman na nasa loob ng ikasampong numero ng pribadong silid.

"Susuko nalang ba tayo ng ganon? Hindi ko gustong makuha lamang iyon ng pipitsuging babaeng martial artist noh!" Sambit ng lalaking martial artist na puro piercings ang mukha nito.

"Susuko? Total ay inagaw nila ang dapat na sa atin ay kailangan nilang magbayad ng malaki para sa compensation na ito. Wag kang mag-alala dahil sa atin pa rin mapupunta ang Blue Crystal Pill at ang mga dala nilang mga kayamanan hehehe...!" Masayang sambit ng boses na nagmumula sa loob ng Sound Transmitting Talisman na tila mayroong gustong ipakahulugan.

"Ano ang ibig mong sabihin Ginoo?!" Sambit ng lalaking martial artist na puro piercings sa mukha. Bakas ang pagtataka sa tono ng pananalita nito.

"Sabihin na nating pinaghandaan ko na ang bagay na ito hehehe...!" Masayang sambit ng tinig ng isang misteryosong nilalang na lalaki mula sa loob ng Sound Transmitting Talisman. Halatang mayroon itong binabalak na masama laban sa magandang dalagang nakakuha ng Blue Crystal Pill na walang iba kundi ang magandang dalagang si Yì Hua.

...

Mabilis na ring nilisan ng batang lalaking si Li Xiaolong ang nasabing lugar ng Jade Auction House. Agad siyang tumungo sa direksyon na kinaroroonan ng lugar na tinatawag na Hidden Forest.

Ang Hidden Forest ay isang malawak na kagubatan na hindi kalayuan mula sa nasabing bayan ng Sky Flame Kingdom. Isang pook ito na masasabing kabaliktaran ng Hidden Forest dahil mangilan-ngilan lamang ang pumupunta rito o kaya ay dumadaan rito dahil lubhang napakapanganib ng lugar na ito rito. Kung tutuusin ay normal na lamang na iwasan ito dahil maraming pagala-galang Magical Beasts rito na ang ilan ay masasabing malalakas lalo na kung mayroong kakaiba o misteryosong nagaganap sa loob ng pusod ng kagubatang ito. Isa din kasi itong ruta papunta sa Dou City at tanging ang mga ekspertong manlalakbay lamang at malalakas ang lebel ng Cultivation ang matapang na dumadaan rito kahit na sabihing delikado ang lugar na ito ay nasa moderate level lamang ang panganib rito. Kung dadaan lang naman ay hindi naman ganoon kadelikado pero kung sakaling may makasalubong ka sa daan ng mga malalakas na Magical Beasts ay iyon ang delikado lalo na kung minamalas ka lang talaga at tumugma sa oras ng paglalakbay mo ang pagpapakita ng alinman sa mga dambuhalang halimaw.