Chapter 165

Matapos ang ilang mga oras na nilisan ng batang lalaking si Li Xiaolong ang Hidden Forest akay-akay ang isang batang babaeng sugatan ay maraming mga martial artists ang pumunta sa nasabing lugar na ito kung saan nangyari ang tila malagim at nakkahilakbot na insidente kanina.

Tila naging isang maingay na lugar ito lalo na't maraming nakikiusyuso sa parte ng lugar na pinangyarihan kung saan ay bumungad sa paningin ng mga ito ang parang dinaanan ng delubyo ang buong lugar. Nangatumbahang mga malalaki at maliit na mga puno, mga nangaputol na mga sanga, mga tila ninararong mga lupa at higit sa lahat ay ang mga nakakalat na mga bangkay ng mga hayop na naliligo pa sa kanilang mga dugo. Ang mas nagpahilakbot pa sa mga martial artists na naririto ay ang mga bakas ng mga malalaking paa ng mga mababangis na mga martial beasts na pumunta rito sa nasabing kaganapan. Nakakatakot rin talaga ang makitang tila pagkawala ng mga parte ng karneng katawan ng mga Magical Beasts habang ang ilan ay tila nagkalat pa ang mga parteng buto buto ng mga ito sa paligid.

Ang mas nakakatakot at nakakahindik na pangyayari at pangunahing pagpunta ng mga martial artists na naririto ay ang tila isang kulungang gawa lamang sa matibay na kahoy na sirang-sira na talaga na tila dinaganan ng kung anumang nilalang. Pero ang punto nila rito ay ang narekober o nakitang bakas ng tila robang suot ng isang babaeng nilalang mula sa lahi ng mga taong katulad nila.

Mabuti na lamang ay may harang na nakapalibot sa buong pinangyarihan ng nasabing insidente. Sa malayo ay makikita mo ang tila saklaw ng nangyaring  masamang insidente ngunit hindi alam ng iba ay mayroong mga bigating mga nilalang na nasa loob ng kakaibang harang na hindi ng mga ito nakikita mula sa labas.

Makikita sa loob ng pinangyarihan ang isang lalaking martial artist na nakasuot ng kulay ginintuang roba na may disenyong ng kakaibang mga simbolo. Naglalabas ng kakaibang vibes at intimidating aura ang buong katawan nito. Matalim ang tingin niyang makikitang tila galit ito at mabigat ang paghinga nito. Ito ay walang iba kundi si Yì Fan, ang ama nina Yì Hua at ng batang babaeng si Yì Liqiu na siyang Yì Family.

"Yi Huizhong, ano naman to ha? Bakit mo pinabayaan ang mga anak ko?!" Galit na galit na saad ni Patriarch Yì Fan sa kapatid niyang si Yì Huizhong.

Napayuko na lamang ang matandang lalaking si Elder Yì Huizhong sa harap ng nakababatang kapatid nitong si Yì Fan na siyang kasalukuyang Family Patriarch nila.

Agad namang hinawakan ng isang babaeng maganda na nasa gilid lamang ni Patriarch Yì Fan kung saan ay makikita ang concern sa mukha nito. Ito ay wlaang iba kundi ang asawa ng mismong Patriarch na si Yì An na siyang ina nina Yì Hua at ng batang babaeng si Yì Liqiu.

"Please lang Yi Fan, wag mong sisihin ang kapatid mo. Aksidente ang lahat ng nangyari. Kahit ako ay galit man at naiinis sa kaniya ay hindi solusyon ito upang mas magalit tayo. Ang mga halang na kaluluwa na mga martial artists na iyon ang dapat nating hulihin at pagbayarin." Sambit ni Yì An sa kaniyang asawang si Patriarch Yì Fan habang tila hindi pa rin maganda ang loob nito sa biglaang pangyayaring ito.

Hindi sukat aakalain ng mag-asawang sina Patriarch Yì Fan at ang may bahay nitong si Yì An na ang bunsong anak nilang si Yì Liqiu ay masasawi sa lugar na ito.

Nakita nila kani-kanina pa ang mga sirang tela na siya mismong suot ng kanilang bunsong anak na si Yì Liqiu kanina lamang habang bakas ang masaganang bahid ng dugo rito. Nakumpirma nila na mula sa anak nilang si Yì Liqiu ang mga narekober na mga ebidensyang nagpapatunay na ito nga. Labis ang kalungkutang nararamdaman ng mag-asawang sina Patriarch Yì Fan at ng asawa nitong si Yì An maging ang iba pang mga elders ng Yì Family na pumunta rito. Naipadala na rin kasi sa kanilang mismong Yì Family ang balita maging sa karatig nilang pamilya ay naghatid na rin ng mensahe ng pakikiramay sa pagkawala ng kanilang bunsong anak na si Yì Liqiu.

Sinenyasan naman ni Yì An si Yì Huizhong na umalis na rito dahil baka ito pa ang pagbuntunan ng galit ng kaniyang asawa na si Patriarch Yì Fan at hindi magandang mangyari pa iyon ngayong parehas silang apektado at hindi nasa stable ang emosyon nila to handle this kind of tragic incident fall on her own daughter Yì Liqiu.

Agad namang tumalima ang matandang lalaking si Yì Huizhong sa naging aksyon ng asawa ng kaniyang kapatid na si Yì An.

Agad na rin niyang nilisan ang lugar na ito habang may mumunting ngiting palihim na nakapaskil sa kaniyang sariling mukha.

"Sa wakas ay wala na ang pesteng batang iyon na siyang pangunahing balakid sa lahat ng aking mga plano. Mabuti nga at namatay ka na ng maaga kaysa patuloy ka pang lumaki." Malademonyong sambit ni Elder Yì Huizhong habang nasa loob siya ng kaniyang magarang karwaheng minamaneho ng kutsero niyang si Yì Chonglin.

...

Sa loob ng Yì Family kung saan ay naroroon ang umiiyak na magandang dalagang si Yì Hua ay tila hindi ito matigil-tigil sa pag-iyak kung saan ay hindi ito makapaniwala sa buong pangyayari naganap na siyang naging sanhi ng trahedyang sinapit ng kaniyang nakababatang kapatid na si Yì Liqiu. Naniniwala siyang buhay pa ang knaiyang kapatid ngunit nang malaman niya ang ipinadalang mensahe naa galing mismo sa kaniyang sariling amang si Patriarch Yì Fan ay doon niya nakumpirma na wala na talaga ang kaniyang sariling kapatid na si Yì Liqiu. Napakabigat sa loob na ganon na lamang ang sinapit ng kaniyang sariling kapatid na si Yì Liqiu na alam niyang walang kalaban-laban mula sa kamay ng mga mababangis na Magical Beasts.

Gusto niya pa sanang pumunta roon sa pinangyarihan na siyang lugar rin kung saan nasawi ang kaniyang sariling nakababatang kapatid na si Yì Liqiu ngunit inihabilin ng kaniyang ama na higpitan ang pagbabantay sa kaniya upang hindi siya makaalis sa malawak na manor na tinitirhan nila. Bawat sulok ay halos puno ng mga nakaparadang mga bantay na mga kawal na siyang kahit isa sa mga ito ay nasa Middle Xiantian Realm Expert at nag iba ay kahit Early Xiantian Realm Expert lamang ang mga ito ay imposibleng matalo niya ang mga ito dahil mahuhusay ang mga ito sa anumang klase ng labanan o sitwasyon. Kung noon ay hindi nga siya makatakas sa loob ng manor nila ay mas lalong ngayon lalo na at nasawi ang kaniyang sariling nakababatang kapatid na si Yì Liqiu.

Masakit ang loob niya sa kaniyang sarili maging sa kaniyang naging aksyon. Kung sana ay naibalik o maibabalik niya lamang ang nagdaang mga oras o panahon edi sana ay buhay pa ang kapatid niya. Dahil sa naging desisyon niya na maglakad na lamang papunta sa hidden forest maging sa pagiging mainipin niya doon sa labas ng Jade Auction House ay hindi sana mangyayari ang trahedyang sinapit ng kaniyang kapatid at ang pagkakaipit nila sa mahirap na sitwasyon kani-kanina lamang.