Chapter 174

Sa tanong naman ni Tatang Dong kanina ay masasabi niyang ayaw niya talagang makausap ang isang Purple Blood Realm Expert o ang mga Purple Blood Warriors dahil siguradong mabubuko o malalaman ang tinatago niyang sikreto na isa siyang ganap na Xiantian Realm Expert o mas mabuting isa na siyang Middle Xiantian Realm Expert.  Kung sakaling makaharap niya ang isang Purple Blood Realm Expert lalo na ang mga talentadong mga nilalang sa boundary na ito ng cultivation ay siguradong tapos na ang nalalabing araw at pagpapanggap niya bilang isang ordinaryong batang martial artists.

Hindi siya nagsinungaling sa mga ito na galing siya sa Sky Flame Kingdom at naglalakbay siya patungo sa Dou City dahil sa mga kaangkan niyang sina Li Jianxin at Li Mo.

Hindi niya aakalaing kilala ng mga ito ang Ate Jianxin at si Ginoong Li Mo. Labis pa rin ang misteryo lalo na at paano naging kilala ang mga kaangkan niya dahil sa pagkakaalam niya ay maraming nanghahamak at nangmamaliit sa mga kaangkan niya. Isa pa ito sa gusto niyang itanong.

Mabilis na bumalik sa reyalidad ang batang lalaking si Li Xiaolong. Kung tutuusin ay gusto niyang iwasan ang tanong na ito. Iniisip niya na dapat ay hindi niya i-exaggerated ang magiging sagot niya sa kaninang tanong ng matandang lalaking Houtian Realm Expert na si Tatang Dong dahil baka magmukha siyang kahina-hinala.

"Ah eh, hindi po Tatang Dong. Malaki ang respeto ko sa mga Purple Blood Warriors lalo na po sa inyo. Sigurado akong masarap maging malakas na martial artist  di po ba?!" Masayang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang abot-langit ang pagngiti nito.

"Hahaha... Gusto  mo bang lumakas bata? Siguradong hindi mo din gugustuhin ang responsibili-----!" Sambit ng binatang lalaking si Zēng Ying ngunit mabilis na tinakpan ang bibig nito ng binatang lalaking si Zēng Yaoting.

Todo palag naman ng binatang lalaking si Zēng Ying ngunit mahigpit pa ring hawak ng binatang lalaking si Zēng Yaoting ang bibig nito.

"Wag mo ngang sinasabihan ang batang si Li Xiaolong, Ying² hay naku makakatikim ka talaga samin ng sapak." malakas na sambit ni Zēng Yaoting sa mukha ni Zēng Ying  at mabilis na humanap sa batang lalaking si Li Xiaolong sabay sabing "Batang Xiaolong wag mong pakinggan ang sinasabi nito ha. Mabuti talaga ang lumakas noh kung hindi ay palagi kang tatakutin ng malaking damulag na si Ying²." Malumanay na sambit ng binatang lalaking si Zēng Yaoting habang nakangiti ito sa musmos na batang lalaking si Li Xiaolong.

Mabilis namang nakawala sa pagkakahawak ng mahigit si Zēng Ying sa matalik na kaibigan nitong si Zēng Yaoting at mabilis na nagwika.

"Bwisit ka talaga Yaoting, nakakainis talaga ang presensya mo hmmp!" Inis na sambit ng binatang lalaking si Zēng Ying sabay padabog na umalis upang pumunta sa dulo ng sinasakyan nilang sasakyang pangkalakal.

"Tsk! Wag mong intindihin yang si Ying². Nakakairita talaga ang boses nito lalo na kung mang-asar daig pa ang mga biik kong ngumawa hahaha!" Pambabara ng binatang lalaking si Zēng Weiyuan sa kaedaran niya. Sa totoo lang ay naiirita talaga siya kay Ying² lalo na at grabe mang-asar pero kung aasarin mo naman o hindi gumana ang pang-aasar nito ay magagalit o maaasar  na lamang ng biglaan.

Dahil dito ay napunta ang kanilang usapan kay Ying² na siya namang ikinaasar at ikinayamot naman ng isa sa pinakadulo ng sasakyang pangkalakal na sinaskyan nila. Sa buong durasyon nila sa paglalakbay papunta sa Dou City ay nakisali ang batang lalaking si Li Xiaolong na aliw na aliw lalo na at marami siyang nalaman patungkol kay Zēng Ying maging ang patungkol din sa mga kaedaran nitong si Zēng Yaoting at Zēng Weiyuan na magkakaibigan pala.

Natuwa pa rin kahit papaano ang batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at kwela din ang mga matatandang mga martial artists na negosyante na game na game sa usapan pero nauuwi pa rin ang kamalasan at kapalpakang nagawa ni Zēng Ying.

Hindi na natanong pa ng batang lalaking si Li Xiaolong ang patungkol sa kaniyang gustong itsnong sana sa mga ito lalo pa at napag-isip-isip niya na hindi appropriate na itanong pa sa mga ito ang patungkol sa pagiging kilala ni Li Mo maging ng kaniyang Ate Jianxin to avoid further suspicion or even future problems lalo na at ilang oras lamang niyang nakilala ang mga ito. Tsaka ayaw niya ring maging abusado lalo pa at libre lamang siyang pinasakay sa sasakyan ng mga ito, parang sumusubra naman ata siya noh. Alam niya pa rin ang tinatawag na hiya sa sarili niya.

Natigil lamang ang pag-uusap nila nang...

"Papasok na tayo sa Dou City baka gusto niyong tumahimik na diyan?!" Mapaklang pagkakasambit ng binatang lalaking si Zēng Ying. Hindi niya pa rin magawang maging mahinahon matapos siyang gawing topiko ng mga ito sa kanilang mga usapan. At talagang pinangunahan pa talaga siya ng dalawa niyang ugok na mga kaibigan na siyang kaedaran niya rin na sina Zēng Yaoting at Zēng Weiyuan na talagang mas ikinaasar niya. Pinagmukha talagang siya yung pinaka-loser sa kanila at pinakapasaway. Wala siya sa mood upang kausapin ang mga ito sa kasalukuyan lalo na at nilaglag pa siya ng mga ito sa mapang-asar na mga matatandang mga martial artists na siguradong makakatikim naman siya sa nanay niyang bubungangaan naman siya at sasabihing hindi siya nagiging matino. Alam niyang buong araw siyang makakatanggap ng sermon mula sa nanay niya which is not a good thing para sa parte niya.

Hindi niya namalayang nakalapit na si Zēng Yaoting at Zēng Weiyuan sa puwesto ng binatang lalaking si Zēng Ying.

"Himala nagsalita kang unggoy ka hahaha!" Sambit ng binatang lalaking si Zēng Weiyuan habang nakangiting aso ito sa kaibigan niya.

"I-cheer natin ang kaibigan natin kagaya nito hahaha!" Nakangiting sambit din ng binatang lalaking si Zēng Yaoting habang nakatingin ng makahulugan sa kaibigan nitong si Zēng Weiyuan.

Huli na nang mapansin niya ang ginawa ng mga kaibigan niya sa kaniya.

"Hoy mga unggoy, bitiwan niyo ko parang di ko kayo tunay na kaibigan  eh huhu!" Naaasar na sambit ng binatang lalaking si Zēng Ying sa mga kaibigan niya.

Patay-malisya naman sina Zēng Yaoting at Zēng Weiyuan lalo na at parang wala silang narinig sa pagmamakaawa ng kaibigan nilang asar-talo sa kanila.

Humagalpak naman sa kakatawa ang lahat ng nasa loob ng karwahe maging ang batang lalaking si Li Xiaolong ay tawang-tawa sa kalokohan nina Zēng Weiyuan at Zēng Yaoting. Kawawang Zēng Ying at espesyal na araw niya talaga siguro  ito.

...