Chapter 182

Ngunit hindi lahat ay naaayon o sumasang-ayon sa mga ito lalo na at masasabi nilang ang kanilang mga adhikain at layunin sa pagpunta rito ay iba't-iba kaya hindi rin maiiwasang may tumuligsa o di sang-ayon sa kanila. Ang iab din dito ay gusto ding lumikha ng gulo sa bawat isa sa kanila na normal namang nangyayari sa isang grupo na naglalakbay sa delikadong lugar nang sama-sama.

"No way! Isa akong Xiantian Realm Expert at hindi ako naniniwalang isang Level 3 Magical Beast iyan! Kaya kong labanan iyan mag-isa!" Sambit ng isang maskuladong lalaki na may nakakatakot na mukha. Isang Xiantian Realm Expert ito. Balot ang mukha nito ng kaseryosohan. Sa itsura pa lamang nito ay hindi na gagawa ng mabuti. Matapang din itong sumagot at di sumang-ayon dahil mayroon siyang kakayahang ipagtanggol ang sarili niya sa mga pesteng kasamahan niya sa grupong ito.

"Oo nga! Takot ba kayo sa halimaw na iyan. Tama ang sinabi ng ginoong di sang-ayon sa sinabi niya patungkol sa halimaw na ito. Kung pagtutulungan natin ito ay siguradong magkakaroon tayo ng tsansang matalo ito!" Sang-ayon naman ng isang babaeng Houtian Realm Expert sa sinabi ng maskuladong lalaki na di sumang-ayon sa mga nagsalita kani-kanina lamang. Palihim pa itong napangisi habang nakatingin sa gawi ng maskuladong lalaki ngunit hindi ito nakatakas sa mapanuring tingin ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Mukhang hindi gagawa ng mabuti ang dalawang ito. They are here to make ruckus lalo na at gagawin nilang stepping stone at pain kami." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang. Halata niya na hindi talaga maganda ang masama sa grupo ng mga nilalang na ito. Tama nga ang sabi ng mga matatanda sa angkan nilang mga Li na lalabas ang totoong kulay ng mga nilalang sa oras na magkagipitan lalo na kung nasa peligro na ang buhay nila. Gagawin nila ang lahat upang makapanglamang at makatakas sa ibayong panganib.

Hindi nga nabigo ang maskuladong lalaki na Xiantian Realm Expert at ng babaeng Houtian Realm Expert na makumbinsi ang halos karamihan sa grupo. Kaya nagpahayag din ang mga ito ng kani-kanilang mga saloobin lalo na ang mga impulsive na mga martial artists na nasa hanay ng mga Houtian Realm Expert at Pulse Condensation Realm Expert.

"Mga duwag naman pala kayo eh. Kaya natin tong labanan ang halimaw na ito at hindi kayo makinig sa mga iyan!"

"Tama, masyado ata nila tayong tinatakot. Buong buhay ko ay marami na kong nakitang kakaibang nilalang pero ang isang yan ay isang ordinaryong Giant Wood Pine Beast lamang!"

"Tinatakot lamang tayo ng mga yan!"

"Oo nga, masyado ata tayong minamaliit at inuuto nang mga yan kaya ganon na lamang tayo kung takutin ng mga iyan."

Sunod-sunod na sambit ng mga hindi sang-ayon sa mga sinabi ng mga naunang sumang-ayon. Tila ba hindi sila mapipigilan ng halimaw na ito upang hindi nila labanan ang nasabing Magical beast. Kaya nila ito, ito ang gusto nilang mangyari. Gusto nilang labanan ang haliame na ito upang mapaslang.

Gustong tampalin ng batang lalaking si Li Xiaolong ang noo ng bawat isang hindi sumang-ayon. He didn't know na mauuto lamang sila ng dalawang nilalang na ito na gustong manggulo. Hindi niya rin maaaring labanan o magsalita laban sa mga ito dahil baka siya naman ang mapagbuntunan ng galit ng mga ito. Almost half din ang di sumang-ayon kasi.

Ngunit mabilis namang tumahimik ang lahat nang magsalita ang isang nakamaskarang itim na lalaking nag-iisang Purple Blood Realm Expert na siyang tumatayong lider sa grupo nila.

"Kung gusto niyong labanan ang halimaw na yan. Why not try it on your own capability. Sige nga pakitaan niyo ko ng mga kahambugan niyo?!" Nanghahamong sambit ng Purple Blood Realm Expert na siyang lider nila sa paglalakbay na ito. Suot ang kulay itim nitong roba at ginintuang linya ng binurdang parte ng roba nito. Ang mga sinabi nito ay tila napaka-straight forward na kahit ang batang lalaking si Li Xiaolong ay hindi mapigilang mapanganga.

Tila biglang tumahimik ang lahat. Napasinghap pa nga ang iilan sa mga martial artists na nasama sa grupong ito. Kahit nga ang maskuladong lalaki na Xiantian Realm Expert at ang magandang babaeng Houtian Realm Expert na nag+umpisang gumawa ng bagay upang tumutol ay talaga nga namang tumahimik rin.

Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang bigla na lamang naganap.

GRRROOOOAAAAWWWLLLLL!!!!

malakas na atungal ang pinakawalan ng halimaw na Giant Wood Pine Beasts. Tila ang buhay na punong halimaw na ito ay nagpakita ng galit at pagkamuhi nito sa ingay na nagmumula sa nga maliliit na mga nilalang na ilang mga metro lamang ang layo sa kaniya.

Ang nakakatakot na mga sanga ng halimaw na kayumanggi ay tila bigla na lamang naging itim na siyang totoong kulay nito. Biglang humaba ang mga sanga nito na nagpormang patulis. Isa itong indikasyon na gusto ng mang-hunting ang nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beasts ng mga bibiktimahin nito upang maging pataba nito.

Mabilis na naglaho ang nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beast nang magdrill ito sa ilalim ng lupa na siyang nagresulta ng pag-uga ng lupa.

"Masama ito, umatras na kayo!" Sambit ng lalaking Purple Blood Realm Expert na nakasuot ng itim na maskara na tumatayong lider ng grupong ito na binubuo ng isang daang martial artists. Pagkasabing-pagkasabi nito ay lumipad ito ng mataas habang nagbababala.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga nasa lupa habang mabilis na lumipad paitaas ang mga Xiantian Realm Expert habang ang mga alertong mga martial artists kasama ang batang lalaking si Li Xiaolong ay mabilis na umatras sa lupang kinaroroonan niya kanina.

Tila nanlaki naman ang mata ng lahat sa sunod nilang nasaksihan.

Ang mga huling nakakilos na mga Houtian Realm Expert lalong lalo na ang mga Pulse Condensation Realm Expert ay napaslang sa isang iglap matapos lumitaw ang tila malalaking mga tila sinulid ng mga itim na ugat na bigla na lamang umalpas sa ibabaw ng lupa.

PLAKKK! PLAKKK! PLAKKK!

Halos nasa dalawampo ang bilang ng mga hindi nakaligtas sa bagsik ng atake nang nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beast matapos nitong wlaang awang butasan ang bawat parte ng katawan ng mga martial artists na naabot ng mga atake nito. Walang awa nitong binawian ng buhay ang mga Houtian Realm Expert at karamihan ng mga Pulse Condensation Realm.

Tila parang alon ang mga hindi mabilang na mga kulay itim na mga ugat na parang buhay na buhay. Kusa nitong sinisipsip ang blood essence ng bawat biktima nitong napaslang.

Nanlaki naman ang mga mata ng lahat ng mga nakakita sa kasama nilang walang habas na pinaslang ng halimaw na Giant Wood Pine Beasts.

Meron ngang sinubukan pang panain ang mga kulay itim na malasinulid na ugat ng halimaw ngunit bigo pa rin sila na maputol man lang ito.

Nagimbal naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang nakita. He don't know why he experience it na makita kung paanong brutal na  pumaslang ang mapamuksang halimaw na ito. Walang duda na mas malakas ito ng hindi hamak sa kaniyang kasalukuyang lebel. Hindi niya aakalaing isang uri ng Evil Tree Beasts ang  unang makakasagupa niya o nila sa loob ng Dou City. This is a reality that will always stain the innocence and youth of Li Xiaolong.

"Matatalo ba namin ang halimaw na ito? Makakapunta pa kaya kami sa Red Cloud Sea ng buhay? This is really not a good journey to begin with. Worth it ba ang pagpunta ko dito?!" Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang pinag-iisipan niyang maigi ang ginawa niyang desisyon dito. Hindi mapagkakailang ang halimaw sa Dou City ay higit na nakakatakot kumpara sa ma-encounter niya noon. Sa harap ng malalakas na nilalang ay magiging insignificant at insekto lamang ang mga mahihinang nilalang.

...