Chapter 185

Napatahimik naman ang lahat ng mga martial artists na naririto. Mula sa Pulse Condensation Realm Expert  maging ng mga Houtian Realm Expert at Xiantian Realm Expert ay napatahimik lamang lalo na at tila hindi maganda ang pagkakadinig nila sa sinasabi ng isa at kaisa-isang Purple Blood Realm Expert na kasama nila sa paglalakbay papunta sa Red Cloud Sea.

Sa totoo lang ay alam nila ang tunay na mukha sa likod ng lugar na pupuntahan nila na walang iba kundi ang Red Cloud Sea. Isa ito sa maituturing na malaparaiso ang ganda ngunit ang pagpunta at pananatili sa lugar na ito ay isang mapanganib na desisyon. Isa ang lugar na ito sa maituturing na pinamamahayan ng mga mababangis at naglalakasang mga Magical Beasts sa kadahilanang ang lugar na nakapalibot dito ay purong mga masusukal na kagubatan. Tanging ang isang malaking rutang daraanan at kasalukuyang sinusuyod nila ang tanging pwede nilang daanan. This is because this is the only safest route kung tutuusin. Ang pagpasok sa masukal na kagubatang nakapalibot dito ay para ka na ring naghain ng sarili mo para pagkaguluhang kainin ng mga mababangis na halimaw rito which is a stupid way to death. Tanging ang mga malalakas at mga may kumpiyansa sa sarili lamang ang gustong pumasok sa masusukal na parte ng kagubatang ito na pinamamahayan ng mga mababangis at dambuhalang mga Magical Beasts.

Sa  kabilang banda, sa sinabing ito ng nakamaskarang itim na kaisa-isang Purple Blood Realm Expert ay masasabing ang gusto lamang nitong ipahiwatig ay sundin siya ng mga ito. Kamatayan ang naghihintay kapag umatras sila. They must go on at tahakin ang daraanang rutang ito no matter what happens.

...

Patuloy pa rin sa pagsipsip ng Blood Essence ang mga galamy ng dambuhalang halimaw na puno na Giant Wood Pine Beasts. Kaya nga lang ay makikitang mas matagal at mabagal na itong sumipsip ng Blood Essence kumpara kanina. Given na mas marami itong napaslang sa kasalukuyan kumpara sa nauna. Karamihan sa nabiktima nito ay ang mga Houtian Realm Expert at Pulse Condensation Realm Expert na talaga namang given na talaga dahil sa lakas at taas ng agwat ng cultivation level nito sa Xiantian Realm Expert at Purple Blood Realm Expert. Isa pa ay sa kalupaan ito unang aatake kaya ang nakakalipad na mga martial artists na nasa ere ay hindi kaagad mahuhuli ng mga nagtutulisang dulo ng mga ugat ng halimaw na Giant Wood Pine Beast.

Nang makarekober ang mga martial artists na nasa mahigit limampo ang bilang nila ay mabilis na nagtawanan ang mga ito indikasyon na hindi nila siniseryoso ang sinabing ito ng lalaking nakasuot ng robang itim habang may takip ang mukha nitong isang itim na maskara.

"Nagpapatawa ka ba? There is no way na mananalo tayo sa isang halimaw na iyan. Although the movement speed ng atake ng halimaw na ito ay sobrang baba. Hindi naman nangangahulugan na mahina ito. There's no way ba mapapaslang natin ito." Tila sumusukong sambit ng isang lalaking kalbong martial artist na isang Houtian Realm Expert. Sa totoo lang ay hindi ito naniniwalang mananalo dila ss ganitong klaseng halimaw.

"Oo nga, pinaglololoko mo ba kami. Hindi kami mananalo sa isang to. Alam mo naman kami hindi ba? We are not capable enough na mapaslang ang isang yan!" Sambit ng isang babaeng Houtian Realm Expert. May maamo itong pagmumukha yet sa pustora pa lamang nito ay masasabi mong hindi ito bihasa sa pakikipaglaban. Sa paghawak pa lamang ng espadang ito ay halang baguhan pa lamang. Basi sa obserbasyon ng batang lalaking si Li Xiaolong ay she just surely change her own weapon.

"Paano nalang kaming mga Pulse Condensation Realm Expert na naririto. We barely escape from that Giant Wood Pine Beast Attack. If it attacks us again, we really that everyone of us will be dead in an instant." Sambit ng isang patpating lalaking martial artist na Pulse Condensation Realm Expert. Makikita mo sa mukha nito ang labis ma lungkot at pagkabalisa. He only use a wooden stick and he barely escape from the Giant Wood Pine Beast attack. Kung nakatuon siguro ang atake nang nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beasts ay siguradong napaslang na rin ito.

"Oo nga, we can't guarantee our safety if we continue like this. Alam mo ba na mahina pa kami yet gusto mong sugudin namin ang halimaw ng head-on pars mapaslang kami. No way!', sambit ng isang malaking lalaking mayroong isang war axe sa kamay nito habang nakasampa ang sariling sandata nito sa leeg nito. Isang Pulse Condensation Realm Expert ito ngunit alam ng batang lalaking si Li Xiaolong na ang isang ito ay may malakas na endurance sa katawan at hindi basta-bastang matatalo sa pisikal na pamamaraan ng pakikipaglaban.

Bago pa magsita ang iba pa ay mabilis na sumenyas sa ere ang kanang kamay nang nasabing kaisa-isang Purple Blood Realm na nakamaskarang kulay itim. Talagang pinigilan pa nito na magsalita ang iba knowing na ang sinasalita ng mga ito ay may halong pakikipaglaban sa salita nito.

"Ano ang silbi ng pagpunta niyo rito kung aatras kayo. Hindi ba't mas maganda ang layunin nating pumunta sa mismong lugar ng Red Cloud Sea? Nang sa ganon ay may maiuwi tayong pambihirang kayamanan hindi ba?!" Sambit ng nakamaskarang itim na kaisa-isang Purple Blood Realm Expert ng grupong ito. Mula sa isang daang bilang ng martial artists ay halos kalahati na ang nalagas. This is really a tragic one.

Halos lahat ng mga martial artists na naririto ay nakaramdam ng inis at galit. Iniiisip nila na isang baliw ang Purple Blood Realm Expert na kasama nila. Isa itong lider yet sa pag-uugaling ipinakita nito ay mas priority pa nito ang goal nitong makapunta sa mismong Red Cloud Sea na siyang nasa dulong parte ng rutang tatahakkn nila.

Makikita ang poot at inis sa mukha ng mga martial artists na kasama ng batang lalaking si Li Xiaolong. Sa totoo lamang at masasabi niyang gustong i-insist ng nakamaskarang itim na Purple Blood Realm Expert ang layunin nito sa mga martial artists na naririto.

"Pwe! Hindi kami mangmang upang sumunod sa gusto mo! Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ng grupo natin. We barely make it in the middle part ng masukal na kagubatang ito yet we are barely half of us remain!"

"Oo nga, hindi mo kami mauuto lalo na at wala na kaming maaasahan sa'yo. Nasa kalahati lamang kami ngayon at mukhang mababawasan pa kami kung magpupumilit pa kaming dumaan sa mismong lugar na kinalalagyan ng mga napaslang nating mgak asmaahan at nandoon pa sa kailaliman ng lupa ang mismong pesteng halimaw na Giant Wood Pine Beast!"