Chapter 190

"Kailangan nating magpatuloy sa paglalakbay na ito. Masyado namang hassle kung babalik tayo ng walang dala hindi ba?!" Suhestiyon ng isang magandang babaeng Xiantian Realm Expert. Para sa kaniya ay kailangan nilang mas maglakbay pa upang magpatuloy. There's no way na babalik siya knowing na naaakit siya sa mga nababalitaan niyang kayamanang nakukuha ng mga martial artists na pumunta sa baybayin ng Red Cloud Sea na maraming nakakaluha ng priceless treasures doon.

"Do you really want to go further from here papunta sa Red Cloud Sea? I must suggest that we leave right now. We can back out as long as we can lalo na at delikado ang lugar na ito kapag naabutan pa tayo ng gabi sa daan. Isa pa ay nakaahrang sa daraanan natin ang Giant Wood Pine Beasts na hindi rin natutuwa sa ating pagdaan." Kalmadong sambit ng isang binatang lalaking Xiantian Realm Expert. Sa suot nitong roba ay masasabing nabibilang ito sa isang aristocrats lalo na at maganda din ang kalidad ng tela ng robang suot-suot nito. Patungkol sa sinabi nito ay masasabi mong pinag-iisipan nitong maigi ang sasabihin nito.

Tila natahimik naman ang lahat lalo na at tama ang sinabi ng huli. Talaga ngang delikado ang lugar na ito lalo na at hindi nila alam ang kababalaghan at nangyayari kung gabi rito. Okay lang kung may Purple Blood Realm Expert silang kasama pero hindi eh. Naisip nilang dapat na ikonsidera din nila na wala sialng aasahan kung sakaling aatakehin sila. Kung bumalik man lang ang nilalang na iyon na siyang lider nila ay siguradong wala din silang aasahan rito.  Iniwan nga sila sa ere kaya hindi malabong mangyaring iwan din sila ng mga ito for the second time around. Ma-pride man silang nilalang pero hindi sila tanga upang iasa ang buhay nila sa nilalang na niloko lamang sila at pinagmukhang tanga sa lugar na ito. Imagine halos kalahating araw silang naglakbay pero hindi pa sila nakakarating sa lugar na siyang mismong pinaglalakbayan nila.

Hindi mapigilan ng lahat na mag-isip ng malalim. Tinitimbang nila ang dapat at hindi dapat. There are no way na mas importante kundi ang kaligtasan nila. Naisip nila na kung pipiliiin nilang magpatuloy sa paglalakbay na ito knowing na nanganganib ang buhay nila ay talagang isa lang ang kakahatungan nila kundi isang malagim na kamatayan. There are no way na gugustuhin nilang mangyari iyon.

Unti-unti nilang tinanggap sa sarili nila na wala na silang lider na poprotekta sa kanila kung magpapatuloy sila at isa lamang ang naiisip nila at ito ay ang umatras na lamang. Mahirap man ang desisyong ito pero isinasaalang-alang nila ang kaligtasan nila. Kapag nakasagupa sila ng malakas na Magical Beast, automatic na yun na isang karima-rimalim na kamatayan lamang ang naghihintay sa kanila. Wala silang laban sa bagsik ng lugar na tinatahak nila. Gaano man kagusto nilang magpatuloy dahil ang kayamanan na nandoon sa lugar na pupuntahan nila sa baybayin parte ng Red Cloud Sea ay hindi na nila maaabot pa ang mga ito. Gustong-gusto nilang magpatuloy kahit delikado sa totoo lang pero there are things that they have to consider lalo na at hindi lahat sa kanila ay mayroong escaping technique dahil kung meron man ay hindi naman ito makakaligtas sa kanila sa pangalawang pagkakataon kung makasagupa sila ng magkakasunod na panganib.

Ang agwat ng Bawat Cultivation Boundaries ay talaga namang malaki ang gap ng mga ito. Pulse Condensation Realm Expert cannot be compared to someone who is a Houtian Realm Expert. Houtian Realm Expert cannot be compared to someone that is already a Xiantian Realm. At mas lalong hindi maikukumpara ang Xiantian Realm Expert isang Purple Blood Realm Expert because Purple Blood Realm Expert are nore capable in fighting skills lalo na sa pagrelease ng mas mataas na uri ng mga skills. Tianwag nga silang Purple Blood Realm expert dahil maikokonsidera silang isang Purple Blood Warriors. They use essence energy successfully to launch an attack or making a martial arts skill effectively. Ang tanging magkapareho lang ng mga ito ay ang abilidad nilang makalipad na hindi naglalayo pero pagdating sa combat, they are lacking.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang set-up at kahihinatnan ng isang martial arts cultivator lalo na at meron talagang nilalang na kayang i-defy ang ganitong rules. Katulad na lamang ng mga ipinanganak na may mataas na lebel ng Martial Talent. They can bring a miraculous feat all of the sudden. They are known to be blessed by the heavens. Sino ba naman ang mag-aakalang nag-eexist ang mga ito pero totoo ang ganitong klaseng martial artist lalo na sa mga makapangyarihang mga angkan. They are known to be martial arts genius pero depende pa rin kung saan sila malakas at nakakalamang sa iba.

During the past ay laganap ang kwento patungkol sa mga martial artists na kayang baguhin ang sariling kapalaran nila at ireverse ang sana'y lagkatalo ng mga ito mapa-kompetisyon man ito o tunay na labanan. One can fight a higher boundaries at kaya nilang manalo sa mga ito. Mayroon ding nilalang na kayang labanan ng sabay-sabay ang mga kalaban nito at marami pang iba. Kahit ang iba ay hindi naniniwala sa mga kwento-kwentong ito lalo na at masasabing "to see is to believe." Alam mo naman ang mga martial artists, they don't want to feel inferior kaya ginagawa lamang nilang biro ang mga ito, nagpapayabangan at nagpapataasan ng ego.

Sa grupo nilang ito, napapaisip sila na meron kayang ganito pero wala eh. Hindi naman maaaring manghula lamang sila kung sino ang kayang magjump sa isang higher boundaries dahil malihim din ang bawat isa sa kanila.

Maya-maya pa ay...

"Sang-ayon ako sa sinabi mo. There are no way na magpapatuloy tayo sa paglalakbay na ito!"

"Ako rin. Gusto ko ng bumalik. Kung ganito lang naman ang set up natin ay hindi ako maghihintay ng sarili kong kamatayan rito!"

"Count me in!"

"Umalis na tayo rito!"

"Let's go home na!"

Ito lang ang sinabi ng ibang mga martial artists. Napatango na lamang ang karamihan tandang they already withdraw and give up this kind of one time opportunity.  Ang lugar na ito ay delikado. Without someone they can lean on, they are destined to die here.

Mabilis na umatras ang nasa mahigit na limampong mga martial artists na natirang buhay sa grupong ito. They are no longer interested sa ganitong paglalakbay kahit na magpumilit pa ang ilan sa mga ito dahil wala silang makakapitan kung sakaling magpapatuloy pa sila. Importante pa rin sa kanila ang buhay na meron sila kaysa sa kayamanang naghihintay lamang na makamit nila roon.

Hindi nga nagtagal ay nalisan na nga ng tuluyan ng mahigit sa limampong bilang ng mga martial artists ang lugar na ito upang umatras at bumalik sa lugar na pinagmulan nila. It's unknown pa kung sasama ang mga ito sa susunod na maglalakbay na grupo o hindi.

Mabilis na nilakbay ng mga bigong grupo ng mga martial artists ang daang pabalik sa kanilang pinagmulan which is ang Sentral an rehiyon ng Dou City. Bigo man sila sa paglalakbay na ito ay naniniwala silang makakahanap pa rin sila ng bagong gagawin.

Lumipas ang labinlimang minutong paglalakbay nila kung saan ay masasabi nilang ang kanilang paglalakbay na ito ay maayos naman ngunit isang pangyayari ang bigla na lamang nilang nangyari.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nakarinig sila ng tunog mula sa malayo na tila lumilipad ito ng mabilis sa ere. Parang nag-uunahan at tila mabilis ang pgkakalipad nito dahil tumutunog pa ang hangin na siyang masasabing mabilis talaga ang mga ito. Halata din na maski ang hangin sa kanila ay tila nagulo. This is a proof na may paparating talaga mula sa malayo papunta sa kanila.

Nakaramdam naman ng ibayong panganib ang mga martial artists na pabalik na sana sa sentral na rehiyon. Sa totoo lang kasi ay hindi nila aakalaing may makakasalubong pa sila.

Pinakiramdaman nilang mabuti dahil mukhang papalapit na ang mga ito sa kanila. Hindi nila alam kung mabangis na mga Magical Beasts lamang ba ito o isang grupo ng mga malalakas na Magical Beasts. Alinman sa dalawang ito ay siguradong hindi ito mabuting balita para sa kanila.

Napatigil na lamang ang grupo ng mga bigong martial artists dahil hindi sila maaaring magpakampante at magconclude na lamang ng kung ano-ano. Maaari naman silang makaligtas kung sakaling mga mababangis na nilalang ito dahil pwede silang magtago sa gilid pero kung mga masasamang nilalang ito ay siguradong mapapalaban sila ng wala sa oras.