Chapter 192

SPLLLAAAKKKKK!

Napatigil bigla ang nasabing papatakas na halimaw na Giant Wood Pine Beast nang makaramdam ito ng matinding kirot sa katawan at labis na panghihina.

Nakangising binunot ng nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert ang kamay nito sa mula sa likod ng nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beast. Nakuha nito ang tila tumitibok pang puso ng nasabing halimaw.

"Napaslang ding kutang pesteng halimaw ka. Sinubukan mo pang tumakas sa akin pero wala kang kawala hahaha!" Sambit ng nakamaskarang itim na Purple Blood Realm Expert kung saan ay mabilis na nagbago ang anyo nito.

Ang magandang balat ng nasabing nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert ay nagbago kung saan ay nangungulubot ito at parang naging bluish ang balat nito. Ang buhok nito sa ulo ay biglang naninigas na parang naging patulis na itim na bagay habang ang tenga nito ay mistulang humaba habang ang mga ngipin nito ay humaba ng tatlong beses kumpara sa normal na ngipin ng mga tao.

Tila naglalaway pa ito at makikita ang tila mahaba at patulis niyong dila na parang takam na takam  sa nakikita niyang bangkay ng Giant Wood Pine Beast na siyang napaslang niya.

Ang kasalukuyang anyo nito ay hindi maituturing na isang hayop at hindi rin maituturing na isang tao kundi isang nakakatakot na nilalang.

Malakas nitong kinagat at nginuya ang puso ng nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beast hanggang sa wala ng natira rito.

Walang inaksayang oras pa ang nasabing nakakatakot na anyo ng nilalang na ito at mabilis nitong kinain ang bawat parte ng katawan ng nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beast. Tila ba ang pagkain nito ay walang kapaguran at walang kabusugan. Hindi nito sinayang ang bawat parte ng halimaw na siyang naniniwala siyang magbibigay sa kaniya ng ibayong lakas at karagdagang Blood Essence na siyang pinaka-inaasam niya.

...

Mabilis ang pangyayari kung saan ay pigil hininga ang lahat sa maaaring lumitaw sa harapan nila. Nakabantay lamang ang mga ito sa maaaring lumabas mula sa daang tatahakin nila pabalik nang biglang...

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nakita nilang lumitaw ang limang mga martial artists habang magkakasunod-sunod namang lumitaw ang marami pang mga grupo ng mga martial artists kung saan ay tila nagkaroon nang malaking pagginhawa ang mga nabigong mga martial artists.

Malayo palang ay tanaw na tanaw na nila ang mga ito ngunit masyado pang malayo ang mga ito sa kanilang pwesto. Napatigil lamang sila sapagkat hindi naman maaaring puntahan agad ang mga ito.

"Akala ko talaga ay mga grupo ng mga halimaw ang mga makakasalubong natin sa ating pag-uwi hayst!" Malakas na sambit ng magandang babaeng Houtian Realm Expert habang hindi nito mapigilang mapahinga ng maluwag.

"Akala ko rin eh. Mabuti nga at mga grupo ng mga martial artists ito kung hindi ay baka kung ano pa ang maaari kong gawin upang makauwi lamang sa Sentral na lugar ng Dou City." Segunda naman ng isang matabang lalaking Pulse Condensation Realm Expert. Makikitang tila maging ito ay naging mahinahon din ang loob nito.

"Pasalamat lamang tayo at mukhang mga manlalakbay rin ang mga ito patungo sa Red Cloud Sea dahil kung hindi ay baka napasabak na tayo sa matinding labanan." Sambit ng isang lalaking Houtian Realm Expert. Makikita ang tila pagkawala ng pagkunot ng noo nito kani-kanina pa. Halatang tensyunado pa ito mula sa masusing paghihintay njya kani-kanina pa.

"Oo nga eh. Kung hindi pa tayo bumalik ay siguradong di tayo maabutan ng mga ito. Sayang lang ang ipinunta natin dito!" Sambit ng isang babaeng Pulse Condensation Realm Expert habang makikita na tila naiinggit ito sa mga paparating na manlalakbay papunta sa kanila.

"Hmmm... Kung maglalakbay sila patungo sa Red Cloud Sea ay maaari din tayong sumama sa mga ito!" Positibong sambit ng binatang lalaking isang Houtian Realm Expert. Makikitang masayahin ito at optimistic pagdating sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid niya.

"Magandang ideya iyan. Gusto kong makapunta sa Red Cloud Sea noh." Maarteng sambit naman ng magandang babaeng  sopistikada na isang ring Houtian Realm Expert.

"Mabuti pa nga. Hindi rin nasayang ang pagbalik natin dahil maaari tayong sumama sa mga ito!" Masayang sambit ng isang lalaking Early Pulse Condensation Realm Expert na gustong-gusto muli na maglakbay papunta sa Red Cloud Sea. He really anticipated it lalo na at ang paglitaw ng bagong dating na isang malaking grupo ng mga manlalakbay na martial artists papunta sa Red Cloud Sea ay baka pwede siyang sumama.

"Sigurado kang pwede tayong sumama eh wala namang nagsabi na pinahihintulutan tayo?!" Pambabara ng isang babaeng Middle Pulse Condensation Realm Expert habang makikita na hindi ito naniniwala sa expectations ng mga ito lalo na at mukhang hindi pa sigurado iyon. Paano nalang kung kapareho ng ugali ng mga ito ang naging lider nilang Purple Blood Realm Expert,edi nganga na naman sila?!

"Tama ka, Hindi pa nga natin nakakausap ang mismong lider ng isang grupong ito pero nagmamagaling na kayo!" Kontra din ng isa pang msy edad na lalaking Late Houtian Realm Expert. Makikitang tila hindi ito sang-ayon sa mga positibong sinasabi ng mga nabigong kagrupo niya.

"May punto ka sa iyong sinabi. Hindi naman kasi lahat ng Purple Blood Realm Expert ay maaari nating pakiusapan. They are cold and emotionless at baka paslangin pa tayo dahil sa kadaldalan niyo!" Pangongontra din ng isa pang lalaking Peak Houtian Realm Expert. Masyadong positibo mag-isip ang mga ito eh halos mapaslang na sila sa daang tinatahak nila  kanina tapos ganito pa ang maririnig niya. Praktikal itong mag-isip at hindi siya yung tipo ng taong madaling umasa o aasa sa ibang tao.

"Aisst, mabuti pa at hintayin na lamang natin sila rito hindi yung magconclude na lang tayo rito!" Pang-aawat naman ng isang babaeng Middle Houtian Realm Expert lalo na at napapansin niyang ngbabatuhan ang mga ito ng nagbabagang tingin sa bawat isa which is baka maglead ito sa matinding komprontasyon at pag-aawat ng mga ito. Mahirap na at baka pati sarili niya ay maging punching bag ng mga ito.

"Sang-ayon ako sa sinabi mo, talagang mahirap umasa sa wala. Kagaya ng naging lider natin sa grupo natin. He just left without saying a word. Ano bang nagawa natin to be left by him?!" Nagtatakang sambit ng isang lalaking Middle Pulse Condensation Realm Expert. Hindi nito aakalaing dahil lang dito ay nalagay sa alanganin ang buhay nila. Totoo naman na dahil sa simpleng argumento ay nangyari ito which is not a good sign.