Chapter 253

Dali-dali namang pinuntahan ito ng batang si Li Xiaolong at napansin niyang tila tunay nga na isang pambihirang bagay ang nakikita niya.

Nang sa malapitan na nga ang batang si Li Xiaolong sa lugar sa mismong kinaroroonan ng nasabing kumikinang na bagay ay nakumpirma niyang isa itong pambihirang halaman. Agad naman niyang nakumpirma na isa nga ito sa gusto niyang mahanap na pambihirang bagay.

"Isang 2-thousand year old Violet Gensing. Kung hindi ako nagkakamali ay kaya nitong magbigay ng nourishment sa iyong sariling soul energies. This is really a very beneficial herb." Sambit ng batang si Li Xiaolong. Ang Violet Gensing na ito ay hindi talaga niya inaasahang matatagpuan niya rito. This kind of herb really could produce a Gensing from it's branch unlike other cultivation gensing that normally found sa kailaliman ng lupa at nagtatago doon. Violet Gensing is known for it's color that resembles a spiritual energy and could gradually cultivate energy form it's surroundings. It is impossible for it to bear a fruit sa kailaliman ng lupa dahil wala namang makikitang mga enerhiya doon liban na lamang sa sustansya ng lupa na makukuha niya rito.

Agad namang nilapitan ng batang si Li Xiaolong ang nasabing halaman kung saan ay mabilis na naramdaman niya ang pambihirang enerhiyang nakapalibot sa nasabing halaman.

"Hmmp!" Sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapansin niya ang kakaibang enerhiyang umalpas mula sa lupa.

BANGGGGG!

Mabilis na lumitaw sa ilalim ng kalupaan ang isang mahabang buntot ng isang nilalang na muntikan ng matamaan ang batang si Li Xiaolong. Kita niya kung paano sumabog ang mabatong parte na kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakaalpas sa mga ginagawang pag-atake ng nasabing halimaw kung saan ay nagawa nitong iwasan sa pamamagitan ng pagtalon paatras.

"Pew! mukhang muntikan na ako roon ah. Di ko aakalaing napaagresibo pala ng isang ito at hindi ko napansin ang presensya ng nakakubling halimaw na ito." Tanging nasabi niya na lamang matapos siyang makaiwas sa pamatay na atake ng nasabing halimaw na bigla na lamang nang-aatake sa kaniya. It is really not what he expected.

Nakalimutan niya palang nasa parteng buhanginan na pala ang nasabing halaman na Violet Gensing at sa lakas ng spiritual energy na hinihigop nito sa kapaligiran nito ay talaga namang mahihirapan ang sinuman na matukoy na may nakabantay na halimaw rito na gustong lapain ang sinumang nagbabalak na kunin nito ang bunga ng nasabing pambihirang cultivation herb na ito.

"Isang Desert Scorpion. Hindi ko aakalaing makakasagupa ko ang isa sa mabangis na halimaw na mahilig mang-angkin ng bagay na hindi naman kaniya." Nakasimangot na sambit ng batang si Li Xiaolong. Hindi niya talaga aakalaing isang desert scorpion ang makakalaban niya sa kasalukuyan. Isang palaisipan pa rin kung bakit nakarating ito sa kaniyang sariling pwesto. This is a fire type Beasts ngunit bakit napakarami ng mga ito rito. This is not only a coincidence. Sa kaniyang kaisipan ay something are just amissed and not right.

Mabilis na sinugod siya ng Desert Scorpion at mabilis na nilundagan ang kaniyang pwesto.

PAH! PAH! PAH!

Sa pangalawang pagkakataon ay mabilis na umiwas ang batang si Li Xiaolong. Hindi niya makakaya ang bigat ng scorpion na ito kung hindi iiwasan dahil baka lumubog ang katawan niya sa buhanginan. Isa pa ay mayroong kamandag ang nasabing halimaw na ito sa dulong bahagi ng buntot nito. Hindi dapat siya makampante lalo na kung ayaw niyang siya ang maging biktima nito.

Agad na inilabas ng batang si Li Xiaolong ang isang ordinaryong espadang nasa loob ng Interspatial ring na siyang nakuha niyang gantimpala mula sa hambog na prinsipeng si Yuán Feng. Hindi niya aakalaing may silbi din pala ang prinsipe sa kaniya lalo na ang pagtulong niya rito. Alam niyang walang modo rin ang prinsipeng iyon pero somehow he feels guilty about using this kind of great reward.

Agad na lumundag paitaas ang batang si Li Xiaolong at mabilis niyang nilundagan ang ulong bahagi ng nasabing halimaw at dali-daling gunamit ang dulo ng espada niya upang puntiryahin ito.

PEW!

Isang malakas na tunog ang siyang nagpa-knockout sa nasabing Desert Scorpion.

Mabilis niyang nakitang hindi gumagalaw ang nasabing halimaw kaya mabilis niyang tinalian ang mga parte ng katawan ng halimaw lalo na ang dulong bahagi ng buntot nito ganit ang Beast Rope na siyang isa sa epektibong panali sa mababangis na halimaw dahil sa labis na durability at hindi ito Basta-basta mapuputol lamang ng sinumang nilalang. Naglagay ba rin siya ng makapal na telang magsisilbing silungan niya kung sakaling tuluyan ng sisikat ang haring araw. For the second time ay nagpasalamat siya sa kaniyang kaisipan sa mga bagay na nakuha niya kay Prinsipe Yuán Feng.

Nilagyan niya sa itaas sa mismong harapan ng nasabing halimaw ang isang karne ng isang bakang dala niya noon pa. It really looks rotten pero alam niyang gusto pa rin itong kainin ng nasabing halimaw dahil na rin sa mukhang gutom na gutom ito. Alam niyang hindi kumakain ang scorpions ng mga halaman at mas lalong hindi nito kakainin ang Violet Gensing dahil siguradong magiging depektibo ang lason o kamandag na pino-produce ng katawan nito.

Tanging ang silbi lamang nito sa kaniya ay gusto niya lamang i-attract ang mga nilalang na gustong makuha ang nasabing pambihirang bunga ng Violet Gensing herb. This is really a common tactitcs ng ibang mga mababangis ng halimaw at hindi vegetarian. Matlaino ang batang si Li Xiaolong sa ganitong bagay lalo na patungkol sa mga carnivorous. Alam mong hindi kumakain ang mga ito ng mga herbs at mas gustong kumain ng mga karne upang magbigay sa kanila ng kakaibang lakas na tunay na magbebenepisyo sa kanilang sariling cultivation at mismong katawan nila.

Agad niya ng pinitas ang nasabing bulaklak ng Violet Gensing. Aminado siyang isa ito sa hinahanap-hanap niyang herb na talagang naglalaman ng soul enhancement effect. Ang soul energy ay may kakayahang magbigay ng spiritual eenrgy sa nasabing panggagamitang nilalang na ito.

Gusto kasing buhayin muli ng batang si Li Xiaolong ang nasabing magandang babaeng Spirit Artifact na nasa loob ng Scroll artifact. In the first place ay kasalanan niya naman talaga tsaka isa pa ay kailangan niya ang tulong nito upang magkaroon siya ng panibagong Soul Fragments na mahihigop dahil na rin sa pagiging Alchemist niya.