Chapter 275

"Maraming salamat Binibining Bái Shu. Since you help me doing this small favor without hesitation. May isa pa kong maaring tanong, can we customize the price ng mga ibebenta namin?!" Sambit ng matandang si Ginoong Long habang seryosong nakatingin sa gawi nito ang magandang babaeng si Bái Shu.

Mistulang nagulat naman ang magandang babaeng si Bái Shu sa sinabing ito ni Ginoong Long. She really cannot underestimate this old man's knowledge. Ngunit napangiti na lamang siya at muling nagsalita.

"Oo naman, lalo na kung hindi ito Basta-basta lamang na nakikita at napaka-pambihira nito. Why not? Unang-una ay nagbebenta lang kami at ang mismong nagbebenta mismo ng bagay ang magde-decide ng nasabing presyo nito. Ngunit ang customize pricing ay hindi makaka-guarante na may bibili nito. mayroong isang linggo lamang ang palugit ng Golden Martial Shop dahil kung hindi maibenenta ay isasauli ito sa iyo at magpapataw kami ng standard charges sa pagdi-display nito sa shop namin. Mukhang may ibebenta ka po kung gayon Ginoong Long?!" Sambit ng magandang babaeng si Bái Shu habang makikitang tila nagkakaroon ito ng malawak at malikot na ideya sa kaniyang sariling isipan.

Natigilan naman ang si Li Xiaolong sa narinig niyang sinabi ng magandang babaeng branch manager na si Binibining Bái Shu. She really can't predict this woman's mind. Mabilis din siyang nagsalita.

"Tunay ngang karapatdapat ang posisyon mo sa iyo Binibining Bái Shu. Tama nga ang iyong sinabi. I will sell some of the things I have right now but it will depend on my price." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa matandang boses. He could really feel that this could solve his problems for the short of money for now. Patungkol naman sa additional charges ay normal lamang iyon. Wala namang libre sa lungsod na ito o sa alinmang lugar kaya given na rin ito.

POOF! POOF! POOF!

Isa isang lumitaw sa ere ang mga bagay na gustong ibenta ng batang si Li Xiaolong. Ang mga ilan sa mga ito ay galing pa sa mismong luma niyang Interspatial sack na bitbit niya papunta rito sa Dou City. Ang mga bagay na ito ay pinili niyang maigi at maaari niyang i-dispose without having regrets.

Nagulantang naman ang magandang babaeng si Bái Shu nang makita niya ang anim na bagay na nakahiwalay sa isa't-isa na nakalutang sa ere sa uluhan niya.

Una niyang napansin ang Golden Grapes na isa sa pinakapambihirang prutas na hindi niya aakalaing masisilayan niya ngayon. This Golden Grapes are not to be trifled of. One pluck of it could really help someone from Pulse Condensation Realm Expert to Purple Blood Realm Expert to breakthrough to a higher boundary. Yun lang ay sa apat na boundary ka lamang na ito makapagbreakthrough. Make sure mo lang na nasa Peak Stage ka na ng mga boundaries na ito dahil labis na kasayangan naman ito kung kakainin mo lang ito kung nasa Early, Middle o Late Stage ka pa lamang ng alinmang boundary dahil hindi gagana ito. Tinatawag nga itong Golden Clan's Fruit dahil kaya nitong gumawa ng miraculous effect sa mga Peak Stages sa loob ng angkan without limitations. That's really not something that anyone could really wish ti be trifled of. Lahat ng mga martial artists ay siguradong kakatakutan ang sinumang magkakaroon ng Golden Grapes na cultivation fruits na ito dahil kahit na maliliit ang bawat prutas nito ay naglalaman ito ng malakas at purong enerhiya to ascend you to the next boundary. This fruit us said to priceless at kahut Kailan ay ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng cultivation fruit at kinakatakutan pa ng lahat. If it will fall to the hands of a clan who have a Late Xiantian Realm Expert or Late Purple Blood Realm Expert then the clan could really stand a chance to have their glorious days longer and their enemies will lose hope to conquer them. Naiisip niya pa lamang ay kinilabutan na siya kung ano ang magiging resulta nito.

Ang pangalawa namang napansin niya ay ang sampong papel na sa palagay niya ay mga talisman ito. There are strange markings here. Pansin niyang hindi ito ordinaryo lamang. Kahit ang simbolong nakasulat rito ay hindi niya alam kung saan nanggaling. Pero in the end wala man lang siyang ideya patungkol dito. Hindi naman siya eksperto sa mga talisman at wala siyang hilig dito. Nagtataka lang siya kung bakit nasama ito sa gustong ibenta ni Ginoong Long which is really a strange matter.

Ang pangatlong napansin niya ay ang isang piraso ng medyo malaking bato. Napakunot ang noo niya rito. Why would someone wants to sell this kind of things at sa lahat ng bagay bakit bato pa?! Parang ordinayo lang naman ito at wala siyang napansin dito kundi puro gasgas at mga guhit-guhit lamang. Wala din siyang interes dito pero ibebenta ni Ginoong Long daw ito siyempre magtataka talaga siya o kung sinumang makakakita nito.

Ang pang-apat na bagay na nakalutang na nakita niya ay ang isang vile na naglalaman ng blood essence kung hindi siya nagkakamali. Ewan niya kung ano ito at wala siyang ideya kung ano ang epekto nito dahil nakaselyo pa ito. Ewan niya na kung may halaga ba ito e parang wala man lang siyang masagap na kahit konting enerhiya rito.

Ang panglimang bagay na nakita niya ay ang isang buto ata ng isang magical beast ewan niya ba rito dahil nakaselyo naman kagaya ng vile. Wala din siyang maramdamang enerhiya rito. Ano na naman kasi ito eh alam niyang wala rin naman pala siyang masagap kaya mabilis niyang inilihis ang kaniyang paningin sa huling bagay. Dito siya lubos na nagimbal. Sa anyo pa lamang nito ay masasabi niyang isang cultivation fruit ito. No one could deny that this kind of fruit is called Crystal Apple. This fruit is priceless to think na mahirap itong hanapin but something is odd about this. Basi sa narinig niya ay maliit lamang ang crystal apple at napakahirap din nitong hanapin pero bakit ganon, hindi niya mahanap ang sagot sa katanungan niya.

In the end, she just know the shallow things about it. Tanging ang Golden Grapes lamang ang alam niya at ang limang mga bagay na ito ay palaisipan pa rin sa kaniya. Sino ba naman ang mag-aakalang siya na medyo matagal na sa pagiging Branch Manager ng Golden Martial Shop ay magiging mangmang sa mga bagay na ito.