Chapter 287

Kasalukuyang nakaupo ang batang si Li Xiaolong sa isang silyang gawa sa marmol habang kaharap niya sa kasalukuyan ang magandang babaeng branch manager na si Bái Shu. Talagang hindi maipagkakailang wala pa ring nagbago sa branch manager na ito at as usual ay ganon pa rin ito kumilos at magsalita. May galang at respeto hindi kagaya ng ibang mga niallang na puro panghahamak at masasamang mga salita lamang ang lumabas sa mga bibig nila o di kaya ay walang katuturang mga bagay ang pinagsasabi.

Wala namang naging aberya sa paglalakbay niya palabas ng Cloudy Forest liban na lamang sa mga inspections palaabs ng kagubatan kaya naging malaking tulong ang contribution badge niya upang mapabilis at makaiwas siyang ma-interrogate ng mga bantay na mga kawal rito maging ang papasok muli sa sentral na bahagi ng Dou City ay naging magaan na lamang.

Napag-alaman niyang sa pagpasok niya sa siyudad na usap-usapan noon ang patungkol sa naibenta umano ng Golden Martial Shop ang anim na items na naka-display lamang ito noon ngunit mabilis lamang naubos at walang alam ang lahat kung sino ang bumili ng mga ito. Biruin mo nga naman at bawat items liban sa mga talismans na bundle items ay isang daang milyong gold coins pero hindi rin exceptions ang mga talismans dahil bawat isang piraso sa orihinal na sampong piraso nito ay nagkakahalaga ng sampong milyong gold coins to make up for 100 million gold coins in totality. Ito ay ayon na rin sa mensahe ng branch manager na si Bái Shu sa kaniya.

Ngayon na naririto na siya ay masasabing wala na ring ganoong anumang kakaibang balita at matagal ng balik normal ang lahat. Normal na rin ang operasyo ng Golden Martial Shop kagay ng dati but they are now having some improvements dahil mayroon na ring mga items na umaabot ng 50 million gold coins ang halaga. That is really a good thing for Golden Martial Shop.

"Ginoong Long, ito pala ang lahat ng salaping nararapat na ibigay namin sa iyo. Tanggapin niyo po." Sambit ng magandang babaeng Branch Manager na si Bái Shu. Makikita ang labis na kasiyahan sa maamong mukha nito nang iniabot nito ang isang middle grade Interspatial ring.

Malugod namang tinaggap ito ng batang si Li Xiaolong ngunit labis siyang nagtaka.

"Branch Manager Shu? Bakit may kasamang Interspatial ring? Wag mong sabihing...?" Sambit matandang lalaking si Ginoong Long. Talagang nagtataka ito sa ginawang ito ng magandang babaeng si Branch Manager Shu.

"Just see it for yourself Ginoong Long hehe..." Makahulugang sambit ng magandang babaeng Branch Manager na si Bái Shu habang makikitang tila may gustong ipakahulugan rito.

Nagtataka man ang batang si Li Xiaolong sa sinabing ito ng magandang Binibining nasa harapan niya ay mabilis niyang nakuha ang pinupunto nito.

Upang malaman ang gusto nitong ipahiwatig ay mabilis niyang hinawakan ang Interspatial ring at sinuri nito ang loob ng nasabing middle grade Interspatial ring.

Nalaman niyang mahigit nga ito 500 million gold coins iyon habang maayos na nakahanay ang mga gintong mga barya na siyang currency nila sa loob ng Dou City maging ng apat na kaharian.

Talagang mapapansin mo na talagang marami talaga ito at halos tangkas-tangkas pa ito. Tatanggalin niya na sana ang kaniyang sariling consciousness nang may mapansin siyang isang bagay na talagang nagpagimbal sa kaniya.

Maya-maya pa ay bumalik na ang batang si Li Xiaolong sa reyalidad habang naririto pa rin sa harapan niya ilang dipa lamang ang layo mula sa magandang binibining siyang Branch Manager ng Golden Martial Shop Branch dito.

"Paanong? Bakit ngayon mo lamang sakin sinabi ito magandang binibini?!" Sambit ni Ginoong Long habang makikitang labis talaga ito nagulat.

"Surprise! Asahan mong tutuparin ng Golden Martial Shop ang pinangako namin. Sa totoo lang ay ikaw ang pinakamalaking benefactor ng shop namin. Without your help ay baka hanggang ngayon ay nangangapa pa ng malaking halaga ng salapi ang shop namin dahil hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na ang shop namin lalo na ang branch na ito ay may malaking utang sa mismong Dou City but you keep on selling on here." Sambit ng magandang babaeng branch manager na si Bái Shu. Halata sa tono ng pananalita nito ang kasiyahan sapagkat mas pinili nitong magbenta ng napakaraming items at napakalaking halaga rin ang nakuha nila.

Natawa na lamang ang batang si Li Xiaolong sa sinabing ito ng Branch Manager na si Bái Shu dahil ang totoo niyan ay hindi siya yung tipo ng taong namimili ng maaari niyang pagbentahan sapagkat ang mahalaga sa kaniya ay makalikom ng mahalagang halaga ng salapi na siyang kapareho lang rin ng Golden Martial Shop but unexpectedly they gian his trust lalo na sa mga benefits na nakuha niya mula rito. He expect a large contribution points but he didn't expect that they will grant him something like this partikular na rito ang Slot na siyang minimithi niyang makuha sa kasalukuyan.

"Ang slot na ito ang hindi ko inaasahan magandang binibini. Ngunit bakit hindi niyo man lang binawasan ang aking perang kinita?!" Nagtatakang sambit ni Ginoong Long habang nakatingin sa gawi ng magandang babaeng branch manager. He really curious about what kind of thing is this. Alam naman nilang ang ganitong klaseng bagay ay hindi rin basta-basta makukuha lalo na ang slot na nasa loob ng middle grade interspatial ring. It is like a key or pass para makalahok siya sa mga inihandang trials ng Cosmic Dragon Institute.

"Marahil ay nagtataka ka patungkol rito ngunit nang malaman ng mismong may-ari ng Golden Martial Shop branch na ito ang iyong kahilingan o request na makuha ang bagay na ito ay mabilis itong umaksyon upang kunin ang slot na ito. Hindi naman mahirap ito makuha noon dahil na rin sa koneksyon ng mismong may-ari ay madali niya lamang itong nakuha. Kumpara sa naitulong mo sa Golden Martial Shop ay wala lamang ito kumpara sa maliit na pabor na ito." Sambit ng magandang babaeng branch manager na si Bái Shu habang hindi nito ikinubli ang kahit na anumang gusto niyang sabihin. She don't hold back at iyon ang nagustuhan ng batang si Li Xiaolong sa Golden Martial Shop.