Chapter 292

Ito ang unang araw habang tatlong araw lamang itong babiyahe paroon-parito dito kaya ang mahuhuli ay siguradong maiiwan kung sa fourth day pa sila babiyahe. Kung tatamad-tamad at kukupad-kupad ka ay malamang sa malamang ay mapag-iiwanan ka ng tren na ito. Ito pa lang kasi ang pinakamabilis na transportasyon kaya hassle kung sa iba ka pa sasakay.

Iilan lamang kasi ang mga tren dito na bilang lang sa kamay at may pagkamahal pa ng bayad kapag sasakay ka rito. Sino ba naman kasi ang ayaw ng libre tsaka mabilis pa makakapunta sa destinasyon mo. Alangin din na makaabot ka kung sa susunod ka pa sasakay. Kung di ka makaabot eh malamang ay kasalanan mo na iyon not the Cosmic Dragon Institute itself.

Samantala...

Masaya namang tinitingnan ng batang si Li Xiaolong ang nasabing ordinaryong mapa. He really appreciate the quality of this map dahil kahit papaano ay nakikita niya ang mga detalye ng lugar kung saan ang Cosmic Dragon Institute.

Tinatawag na Dou City- Prime Section ang lugar nito at maraming mga pasikot-sikot na kalye rito pero merong isang malaking ruta ng daanan rito. Nasa intersection kasi ang nasabing Cosmic Dragon Institute kaya madali lamang itong mahanap ng sinuman. Katulad ng Wind Fury Kingdom ay puro mga martial art families at Martial Art Clans ang nakapaligid rito ngunit sa mapa lamang ito mukhang magkakalapit pero alam niyang hindi ito ganoon kalapit lalo na at nakahiwalay ang mga ito sa mismong paaralan dahil sa napakalawak na ruta.

Malalaman niya lamamg ang naturang distansya kapag aktuwal na niyang makikita ang nasabing lugar. It could really have a huge difference to a reality rather than to a map made by some ordinary martial artist who knows mapping out locations. Ano pa ba ang ini-expect niya dahil istrikto din ang Cosmic Dragon Institute sa pagkakaalam niya and no one could really knows what the insides of Cosmic Dragon Institute nor the martial arts families na malapit lamang sa nasabing prestirhiyosong paaralan.

Mayroon siyang napapansin na iilang mga estudyante rito at karamihan ay mga grupo-grupo. Meron ding iilan na katulad niya ay walang kasama at kagaya niya ay may sari-sariling mundo ang mga ito. Malamang sa malamang ay ayaw ding makihalubilo kagaya niya. Siyempre kompetisyon ang pupuntahan nila at hindi ang purpose niyon ay makipagkaibigan kundo makipagkompetensya kung sino ang nararapat at kung sino ang mas malakas o magaling.

Kung merong mang iilan na nakikipagkaibigan o nakikipaghalubilo ay alam naman niyang isa lamang iyong estratihiya upang malaman ng mga ito ang kahinaan ng mga ito o mga mahahalagang impormasyong kakalakapin nila para magamit sa mga possibilidad na paghaharap nila. Kaya except sa mga may grupo ng mga estudyante, you have to be very careful kapag mag-isa ka lamang. Ganoon talaga ang pamamalakad rito at hibdi dapat basta-basta magtitiwala. Kung tatanga-tanga ka at may masabi kang mahahalagang impormasyon aksidente man o hindi ay siguradong hindi ka magtatagal sa nakahaing kompetisyon sa susunod na mga araw sa gaganaping mga trials. Every trial has a specific goal at mga instructions so if it will be some kind of trickery then you will be out for no reason.

Alam niyang katulad niya ay meron ding mga indibidwal na mga kapwa niya batang martial artists ang nagmamatyag lamang ng palihim at nakikinig sa kapaligiran nito.

Meron kasing mga maiingay na mga batang martial artists na kasama nila rito though it is far from them ay open area naman ito kaya ang ingay at kwentuhan ng mga ito ay maaaring marinig ng sinuman.

Habang papatagal ay paparami ng paparami ang mga estudyanteng naririto. Porket nauna sila rito ay pwede na silang umalis kaagad but it is a public transportation na para sa lahat yun nga lang ay bawal sumama o isama ang mga magulang o guardian mo rito dahil exclusive lamang ito para sa mga lalahok sa Recruitment Day to prioritize them not their parents or guardians.

Kaya nga nang malaman ito ng mga mga magulang o kasa-kasama ng mga estudyante ay hindi mapigilan ng mga ito na magreklamo o mainis sa patakarang ito ng Cosmic Dragon Institute kaya they just simply go out here at sumakay na lamang sa mga available na mga transportasyon kagaya ng mga kalesa at iba pa. Yun lang ay magbabayad ka ng malaking halaga. Medyo malayo din ang lugar na ito at kung may maencounter sila sa daan ay problema na nila iyon at hindi na accountable ang Cosmic Dragon Institute kung hindi sila makarating ng ligtas sa paroroonan nila.

Sa kabila nito ay meron ding pinili na lamang na paunahin ang mga batang martial artists at humiwalay sa mga magulang o tagagabay nila para ligtas ang mga itong makapunta roon which is really a wise choice. Atleast nag-iisip pa rin ang mga ito ng matino sa isip-isip ng batang si Li Xiaolong. Porket kasi hindi nila mapilit ang gusto nila ay magagalit o maiinis ang mga ito. Parang kasalanan pa ng Cosmic Dragon Institute kung hindi sila pinapaboran eh hindi naman ang mga magulang o guardian ang sasali kundi ang mismong anak nila diba na siyang eligible na sasali. Natatawa na lamang si Li Xiaolong kapag nakikita niya ang inis ng mga ito na akala mo ay may binayad sila sa Cosmic Dragon Institute eh wala naman. Kung tutuusin ay pabor na nga ito sa kanila. Ano ba inaasahann nila sa libre edi wala kaya hindi dapat sila magreklamo akala mo naman ay importante sila sa Cosmic Dragon Institute at uma-attitude ang ilan sa mga ito. Kung unang pagsubok ito ay malamang ay marami ng nalagas na mga lalahok pero hindi naman ang mga batang martial artists ang nagrereklamo kundi mostly ay mga magulang o guardian ng mga ito so it is not counted.

Maya-maya pa ay natuon ang atensyon ng batang si Li Xiaolong sa papasok na maraming mga estudyante sa loob ng tren kung saan naroroon siya sa kasalukuyan. Sa uniporme pa lamang ng mga ito ay alam niyang dito naka-enroll ang apo ng Clan Chief nilang si Li San at iyon ay ang kaedaran niyang si Li Zhen.