Chapter 306

Nakasalalay pa rin iyon sa kalidad ng martial arts skill at may limitasyon iyon. Kapag pinilit niya pang i-upgrade ito ng ilang bahagi pa ay sasabog ito. Kagaya ng Air Strike Sword na siyang Sword Skill niya ay ginawa niya itong i-upgrade ngunit hanggang Peak Houtian Realm Skill lamang ito na noon ay isang Early Houtian Realm Skill. Hanggang tatlong bahagi lamang ang in-upgrade nito dahil mahina lamang ang foundation ng skill na ito and not executing so much energy to make some attacks using this skill. Magkaganon man ay kaya nitong gumawa ng pambihirang atake gamit ang hangin while using the fine sword even the ordinary one.

"Hindi mo ba pinapasok sa kukote mo na marami kami una palang ngunit ikaw ay sobrang mangmang!"

"Tama, ano bang inaasahan mo kung alam naming may bitbit kang mga kayamanan!"

"Hand over all those valuable treasure items at papakawalan ka namin!"

"Hindi mo magugustuhan kung magpupumilit ka pang pumunta sa mismong Treasure Points Well at ihulog ang mga kayamanang dala mo!"

"Alam mo namang kahit ihulog mo yang mga kayamanan mo ay hindi ka pa rin magtatagumpay!"

"Nag-iisa ka lang kaya mag-isip isip ka din!"

"Wala kang pagtataguan sa amin. Even laying your fingers sa Treasure Points Well ay hanggang panaginip mo nalang mararanasan.

Ngunit tila meron ding mga grupo ng mga batang Martial artists ang gustong i-take advantage ang sitwasyong ito. Sa dami ng kayamanang bitbit-bitbit kanina ng batang lalaking martial artist na isang estranghero pa rin sa kanila ang pagkakakilanlan nito ay siguradong makikinabang sila even he takes 5 treasure or half of the treasures in there.

"Ibigay mo sa amin ang kalahati ng kayamanan na nakuha mo at hahayaan naming makahulog ka ng kayamanan mo!"

"Hmmp! Wag kang makinig sa kaniya dahil kami ang mas makapagbibigay ng garantiya sa iyo na makakapunta ka sa Treasure Points Well nang hindi nahahawakan ng sinuman!"

"Talagang ang yayabang niyong mga payatot kayo. Dito ka samin kaibigan dahil sigurado kaming kami ng kagrupo ko ang makakatulong sa inyo!"

"Mga utak alimasag naman kayong lahat eh. Dito ka samin aming kaibigan. Hindi lamang makakasigurado ka sa aming tulong kundi maaari ka naming maging kaibigan at kagrupo kung gugustuhin mong sumama sa aming grupo!"

Tila hindi naman makapaniwala ang dalawang grupo lalo na ang mga kapwa lider ng mga ito na pawang mga Early Xiantian Realm Expert na animo'y pinaglololoko lamang sila ng mga kapwa nila martial artists na naririto.

Kitang-kita nila kung paano naging maamo ang mukha ng mga ito at gusto pang tulungan ang nag-iisang batang martial artists na siyang walang takot na humarap sa kanila yet they can't catch him. Tila ba naghold back din ang mga pesteng martial artists na gusto ring mangikil sa oras na ito.

Hindi mapigilang makaramdam ng labis na inis ang mga ito at nagsalita.

"Mga bwiset kayo, mukhang gagamitin niyo pa ang sitwasyon na ito upang gulangan kami!" Inis na sambit ng isang lider habang hindi maipinta ang nagdidilim nitong mukhang nakatingin sa gawi ng mga batang mangingikil katulad nila.

"Hindi ko aakalaing mga traydor kayo. Mukhang gagawin niyo ang lahat para makuha niyo ang gusto niyo!"

Tila ba napasimangot naman ang ibang mga grupo habang napaismid naman ang iilan kaya mabilis din silang nagsalita.

"Tsk! Sa lahat ng mga kapwa natin martial artists na napunta dito ay kayo lamang ang halos nagbenepisyo. Paano naman kami ha? Makakapasa ba kami sa kapiranggot na nakukuha naming valuable treasure items?!"

"Tama, talagang kayo pa may gsnang magsalitang nanggugulang dahil kayo naman talaga ang mga manggugulang!"

"Tss... Palibhasa ay mga Xiantian Realm Expert kayo kaya nagagawa niyo kaming takutin kami!"

"Pero takot naman kayo kapag nagsama-sama kami hmmp!"

Tila nagkagulo-gulo naman ang mga kapwa batang martial artists na naririto lalo na at parang may namuong pagkakabaha-bahagi rito.

Bored namang tiningnan ng batang si Li Xiaolong ang mga ito at sa tagal ng kakasalita ng mga ito ay mukhang nakalimutan ata ang existence niya rito. Naitago na niya ang espada niya sa mismong Interspatial ring niya.

Mabilis siyang nagsalita na siyang nagpalingon ng lahat ng mga naririto sa kaniyang gawi.

"Ang dadaldal niyo. Mabuti pa paunahan nalang kayo kumuha ng mga kayamanan na ito." Sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis na lumitaw sa kamat niya ang malaking supot ng tela at inihagis ang laman nito sa ere.

Mistulang lumilipad paitaas ang mga kayamanan. Napakarami nito at mukhang mga fragile ang mga ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Walang ano-ano pa ay sumugod ang lahat at kaniya-kaniyang gawa ng pamamaraan upang makakuha ng mga tumilapong mga bagay sa ere na unti-unti ng bumbagsak sa ere.

Halos kaniya-kaniyang dampot naman ang mga ito at ang iba ay nag-aagawan pa.

Ilang segundo din ang pagkukuha ng mga ito habang napansin naman ng dalawang Early Xiantian Realm Expert ang tila pagbabago ng kulay ng mga kayamanang nadampot nila sa ere. Mabilis nilang na-distinguish ang kakaibang nangyayari dito.

Mabilis nilang ibinato sa ere ang nadampot nila na napakarami din.

BANG! BANG! BANG!

Tila sumabog ang mga ito at tila naging pudpod ng mga tipak ng bato ito.

"Bitawan niyo ang mga hawak niyo ngayon din!"

"Patibong lang ang lahat ng ito!"

Sambit ng dalawang lider ng magkaibang grupo na mga Early Xiantian Realm Expert ngunit marami ang hindi nakinig at ang iba ay hindi naniniwala sa sinasabi ng mga ito. Para sa kanila ay nagbibiro lamang ang mga ito at gugulangan ulit sila.

BANG! BANG! BANG!

Tila isa-isang nawala ang mga existence ng mga ito sa lugar na ito tandang tuluyan na silang na-eliminate. Makikitang halos hindi matanggap ng iilan ang buong pangyayaring ito ngunit kasabay ng pagsabog ng mga hawak nilang mga inaakalang pambihirang kayamanan ay siyang pagkatanggal na nila ng karapatan na lumahok sa pang-apat na trial.

Halos lagpas kalahati sa mga ito ang na-eliminate sa isang iglap lamang. Hindi na nila dapat i-elaborate ang masalimuot na nangyari dahil alam nilang mga Exploding Stone iyon na ginamitan ng conjuration skills ng batang Martial artist na hindi nila mahuli-huli o mapaslang ng tuluyan. Using a conjuration skills o kahit ng conjuration techniques ay mabubulag ang sinuman sa mismong totoo at pekeng anyo ng isang bagay. Because of their sudden hype and excitement ay nabulag sila sa gianwa ng batang lalaking hindi nila kilala kung sino man ito.

Agad nilang tiningnan ang batang lalakingmartial artist katulad nila na walang iba kundi si Li Xiaolong ngunit nandoon na ito sa mismong Treasure Points Well.

"Hep! Hep! Wag niyo kong lapitan kung ayaw niyo pang mapaslang at maeliminate katulad ng nauna la la la la la..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang parang yung tipong nagtatapon lamang siya ng basura sa loob ng Treasure Points Well hanang pakanta-kanta pa ito sa huli na animo'y nang-iinis. That is much to say na nautakan sila ng mga ito.

Pagkatapos ng ginawa nito ay pasipol-sipol pa itong umalis sa lugar nito habang nanonood lamang ang natitirang mga kapwa nito batang martial artists sa papalayong pigura nito.

Matapos ang pangyayaring ito ay napagtanto nilang niloloko lamang sila ng batang lalaking martial artist na siyang hindi pa nila kilala patungkol sa patibong daw na sinasabi nito. At sila namang mga uto-uto na natira rito ay naloko at nagpaloko naman sa sinasabi nito.

"Bwiset nautakan na naman tayo!"

"Grrr... Talaga nga namang peste talaga ang nilalang na iyon!"

"Wag lang siyang magkakamaling magtagpong muli ang mga landas namin dahil pupulbusin ko siya ng pinong-pino!"

"Nagmumukha tayong tanga sa sarili nating teritoryo dito hmmp!"

Ito lamang ang iilan sa mga naisatinig ng mga natirang batang mga martial arts na naririto. This time ay hindi nila papalagpasin ang sinuman not even once! Mistulang naging leksyon na sa kanila ang pangyayaring ito at ayaw na nilang maulit pa itong muli.