Chapter 409

"Huwag niyo ng habulin pa ang nilalang na iyon." Wika ng lider ng White Falcon Gang nang makita nito kung paano umalis at nilisan ng matandang lalaking kalaban nila. Wala siyang balak na habulin ang pesteng nilalang na iyon na siyang nakalaban nila.

Tila bumakas pa rin ang kanina pang inis ng dalawang miyembro ng White Falcon Gang. Masasabing maging sila ay nagtataka sa kilos ng lider nila.

"Bakit mo hinayaan boss na makatakas ang nilalang na iyon. Makakaya natin siyang paslangin sa pamamagitan ng mga atake natin!" Puno ng kumpiyansang turan ng isang miyembro ng White Falcon Gang. Masasabing hindi siya naniniwala na hindi nila ito mapapaslang gamit ang pinagsama nilang mga lakas at liksi.

"Oo nga boss, mapapaslang na natin sana iyon. Pareho kaming nasa Late Xiantian Realm at ikaw ay nasa Peak Xiantian Realm Expert. There's no way na isang Purple Blood Realm ang nilalang na nakalaban natin!" Confident na sambit rin ng binatang miyembro ng White Falcon Gang. Hindi siya naniniwalang hindi nila mapapantayan ang lakas ng naging kalaban nila.

Agad na itinaas ng lider ng White Falcon Gang ang kamay nito upang patigilin ang mga alagad nitong magsalita pang muli.

"Kahit na nabalik sa dati ang braso ko ay malaki pa rin ang pinsalang natamo ko. Kailangan ko ng ilang buwan upang paghilumin ito Even if I want to fight that pest, matatalo pa rin tayo. Napinsala nga niya ako at hindi ko kayo mapoprotektahan kung sakaling may mangyari mang hindi inaasahan." Puno ng kaseryosohang saad ng lider ng White Falcon Gang sa dalawang alagad nito. Hindi siya tanga kung gaano kalakas ang atake at pinsalang nagawa ng misteryosong nilalang na siyang nakalaban niya.

Napatahimik na lamang ang dalawang miyembro ng White Falcon Gang dahil sa naging pahayag ng tumatayong lider nila. Indeed, hindi palabiro ang boss nila kaya imposibleng gumagawa lamang ito ng kwento.

Maya-maya pa ay nagkatinginan ang dalawang miyembro ng White Falcon Gang. Ngumisi pa ang mga ito ng malademonyo at mabilis na nagsalita.

Sa tingin ng lider ng White Falcon Gang ay mayroong naiisip na kalokohan ang mga ito.

"Masusunod Boss ngunit hindi naman maaaring patakasin na lamang ang nilalang na iyon na basta-basta na lamang hindi ba?! Malawak man ang kagubatang sakop ng Chengdu Village ay hindi naman mahihirapan tayong natunton at pahirapan pansamantala ang pagtakas ng pesteng nilalang na iyon hmmp!"

"Ganon din ang sa tingin ko. Mahirap na kung babalikan tayo ng nilalang na iyon lalo na at napinsala ka boss. Hindi pwedeng mangyari iyon!" Pagsang-ayon naman ng isang miyembro ng White Falcon Gang. He is sure that the runaway opponent of them think that they are easy opponent but they're not.

Napatango na lamang ang nasabing lider ng White Falcon Gang as if hindi niya hinadlangan o tinutulan ang balak ng dalawang alagad niya. Agad nitong in-eksamin ang kaniyang sariling braso. Nakita niyang tila malaki nga ang mga pinsala nito dahil sa katunayan ay hindi humihilom ang sa loob na parte ng braso niya. Patungo sa balikat niya. Malaki talaga ang naging epekto nito. Buti na lamang at may pambihira siyang pellet na dala kung hindi ay malaki pa ang naging problema niya lalo na sa hinaharap.

Samantala...

Ilang minuto lamang ang nakakalipas ngunit tila parang wildfire naman ang balita na hinahanap at tinutugis siya ng mga grupo ng nilalang na pagala-gala lalo na ang mga bagong dating sa lugar na ito sa masukal na kagubatang ito.

Kasalukuyan siyang nakatago sa isang malaking puno sa parteng malaking sanga. Pasalamat siya at dito niya napiling magkubli pansamantala at hindi siya makikita ng mga tumutugis sa kaniyang mga grupo-grupong mga martial artists mapababae man o lalaki, matanda man o mga kabinataan at kadalagahan. Buti na lamang at alerto siya kanina kung hindi ay baka nasundan siya ng mga ito at nahuli talaga.

Limang daang metro ang layo niya sa mga nagtutumpukang mga nilalang mula sa itaas ng puno. Tanaw na tanaw niya ang mga ito na animo'y masinsinang nag-uusap at pinaplano.

"Dito siyang direksyon ko nakita ang tumakas na nilalang na iyon na nakalaban ng White Falcon Gang!"

"Oo, kitang-kita ko na dito talaga iyong direksyon!"

"Maging ako ay andito rin kanina, kung alam ko lang na ang nilalang na iyon ang hinahanap niyo edi sana nahuli ko na iyon!"

Iyan lamang ang narinig ng batang si Li Xiaolong nang mapansin niyang tila may nakamasid sa kaniyang sariling pwesto.

Nagulat naman ang batang si Li Xiaolong at natigalgal sa kaniyang nalaman.

"Hmm... Hindi ko aakalaing malakas ang paningin ng nilalang na iyon. Naloko na, kailangan ko ng umalis!" Puno ng pagkaalarmang saad ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang. Agad na siyang lumipad papalayo.

Wala sa oras na nakita niyang sinundan siya ng mga grupo ng mga nilalang na mga Xiantian Realm Expert maging ang mga nasa Pulse Condensation Realm at Houtian Realm na mga eksperto ay humahabol na rin sa kaniya.

Pasalamat lamang ang batang si Li Xiaolong at nasa halos dulong bahagi siya ng kagubatang ito kung hindi ay baka napalibutan at na-corner na siya ng mga humahabol sa kaniya na panay salita ang mga ito habang hinahabol siya.

"Andito lang pala ang kumag na ito hmmp! Tumigil ka !"

"Tama nga ang hinala natin, nandito lang nagtatago ang pesteng nilalang na pinapahanap ng White Falcon Gang!"

"Hindi lang ang White Falcon Gang ang naghahanap sa nilalang na ito kundi ang buong Chengdu Village!"

"Ano ang ginawa ng pesteng nilalang na ito? Kung tama ang pagkakarinig ko ay ito rin ang dahilan ng pagkamatay ng lahat ng miyembro maging ng mismong lider ng Scarface Gang!"

"Ako ang huhuli sa hayop na yan, tigil!"

"Paunahan na lamang sa makakahuli sa pesteng nilalang na iyan. Sa laki ng pabuya ng White Falcon Gang sa ulo ng nilalang na ito ay hind iako magpapatalo sa inyo!"

"Mas lalong hindi ako magpapatalo sa inyo. Ako ang pinakamabilis rito!"

"Aanhin mo ang bilis mo kung wala kayong lakas hmmp!"

Tila hindi magkamayaw sa paghabol ang mga martial arts experts sa likuran lamang na bahagi ng batang si Li Xiaolong. Masasabing nag-uunahan ang mga ito at walang ayaw magpahuli sa pagtugis sa nilalang na balot na balot ang buong katawan na walang iba kundi ang batang si Li Xiaolong.

"Mukhang wanted ako sa Chengdu Village. This is really my fault. Hindi ko aakalaing mautak at tuso ang White Falcon Gang ngunit humanda sila sa oras na bumalik ako sa sentral na bahagi ng bayan." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang. Hindi siya kailanman magpapatalo sa mga mapang-aping mga nilalang na gagamitin ang impluwensya upang ibagsak siya. Napangisi na lamang ang batang si Li Xiaolong habang naiisip ang mga magandang plano para sa White Falcon Gang.