Chapter 417

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na pagsabog at nagkikiskisang mga metal ang bigla ba lamang umalingawngaw sa buong kapaligiran matapos pumasok ang grupo ng mga martial arts experts kasama ang tatlong Blade Brothers.

Hiyawan, Sigawan at tila nanlalaban na mga martial artists ang maririnig na parang humihiyaw sa sakit ng kung anumang nilalang na naninirahan sa madilim na parte ng kagubatang ito. Ramdam nila ang tawag ng kamatayang pilit silang binabantaan na wag lumapit pa sa lugar na ito.

"Pinuno, anong gagawin natin ngayong tila mali atang pumasok at ginalugad pa natin ang pook na ito?!" Seryosong saad ng isang miyembro ng White Falcon Gang. Halatang wala na itong ganang ituloy pa ang misyong ito na siyang iniatang sa gang nila.

"Oo nga pinuno, mukhang mali ang pagpunta natin rito. Maaari kayang wag na lang nating ituloy ang paghahanap sa pesteng nilalang na iyon? Mukhang pumasok din ito at namatay sa misteryosong nilalang na namumugad rito." Wika ng isa pang miyembro ng White Falcon Gang na tila kumbinsido siyang napaslang rin ang tumakas na nilalang na iyon sa lugar na ito. Wala silang balak na patakasin ito ngunit sa sitwasyong ito, kailangan nilang i-assume na lamang na namatay ito.

Napaisip naman ang nasabing lider ng White Falcon Gang. Alam nilang malaki ang posibilidad na napaslang na nga ang nilalang na ito at malaking pabor nga ito kung patay na ito dahil wala na silang poproblemahin.

"Tama kayo. Kailangan na nating ihinto ang panggagalugad na ito dahil malaking posibilidad ang sinasabi niyo. Isa pa ay malaking problema para sa atin ang madilim na parte ng kagubatang ito na pinamamahayanan ng kung anumang nilalang. Ayokong itaya ang buhay natin para sa wala." Seryosong saad naman ng nasabing lider ng White Falcon Gang. Mahalaga ang buhay nila kumpara sa iisang nilalang na hinahanap nila.

Walang nagawa ang nasabing lider ng White Falcon Gang maging ang mga natirang mga martial arts experts kung hindi ang lisanin ang lugar na ito kahit ang iba'y ayaw pa umalis. Malamang ay dahil sa gusto pa nilang magbenepisyo ngunit sa huli ay hindi na nagpumilit ang mga ito at lumisan na rin ito kasama ang iba pa.

...

BANG!

Isang malakas na pagsabog ng signal flare sa himpapawid ang makikita.

Impit na napamura na lamang ang tatlong magkakapatid na Jīn matapos silang maipit sa napakadilim na parte ng Disenchanting Forest na ito. Kitang-kita ng mga ito kung paanong sa dami nila ay halos silang tatlo na lamang ang natira habang naririnig pa rin nila ang mumunting hiyaw ng mga naghihingalong kasamahan nila.

Maya-maya pa ay narinig nila ang tila kakaibang tunog ng isang lumilipad na nilalang na sa tingin nila ay nanggagaling sa itaas o himpapawid.

GRRRRRR!!!!!

Isang naglalagablab na tila bolang bulalakaw ang bigla na lamang makikitang bumagsak pailalim na siyang ikinagimbal ng Blade Brothers.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

At nangyaring sunod-sunod na hugis bolang apoy ang nakita nilang tila may tinatamaan na kung anuman sa ilalim na medyo may kalayuan sa pwesto nila kung saan naroroon din ang mga humihiyaw na mga kasamahan nila kanina.

Orrckkkkkkkkkkkk!!!!

Isang malakas na tunog ng kung anumang nilalang ang bigla na lamang sumigaw na siyang dahilan para mapatakip ng kanilang mga tenga ang tatlong magkakapatid na Jīn. Sa lakas ba naman ng sigaw ng nasabing kung anumang nilalang na tinamaan ay masasabi nilang hindi magandang senyales ito.

Ngunit sa malakas na pagaspas ng mga pakpak ng isang dambuhalang nilalang sa himpapawid ay unti-unting nagliwanag ang napakadilim na kapaligiran.

Mistulang napakakapal na hamog pala ang nasabing maitim na kapaligiran. Pansin niyang isang danger zone pala ang napuntahan ng mga kasamahan niyang pumasok sa lugar na ito.

Lumitaw sa paningin nila ang dambuhalang bulaklak na makikitang tila gumagalaw-galaw pa ito at animo'y hindi gusto ang liwanag at maging ang init na nagmumula sa sikat ng haring araw. Ito ay isa lamang sa napansin nilang tila hindi kaaya-aayng katangian ng nasabing dambuhalang bulaklak.

Isa pa ay kung susuriing mabuti ang kabuuan ng nasabing dambuhalang bulaklak ay tila nalalanta ito o nabubulok ang itsura ngunit sa paraan ng pagkakatanim at paggalaw ng mga petals nito maging ang hindi mabilang na mga baging nito ay alam mong malusog talaga ito sa kahit anumang aspeto tingnan.

Labis na nagtaka sina Jīn Xin at Jīn Yun sa pangyayaring ito ngunit si Jīn Shen ay makikitang tila pamilyar na sa kaniya ang nasabing dambuhalang bulaklak na ito.

"Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong devil flower. Karaniwan itong tumutubo sa pusod ng kagubatan at delikado talaga ito kapag nilapitan lalo na kung gutom na gutom ito. Hmmp! Humanda talaga sakin ang pesteng lider ng White Falcon Gang na yan dahil lintik lang ang walang ganti!" Puno ng galit na sambit ni Jīn Shen sa kaniyang sariling isipan lamang. They are ask for this mission but this leader of White Falcon Gang didn't even inform him about this. Malaki din ang pagkakamali niya dahil nagtiwala siyang kaya na nila ngunit mali pa ring sila lamang ang gumagawa ng lahat samantalang ang nasabing lider ng White Falcon Gang ay wala talagang ginagawa.

Ngunit mabilis itong napalitan ng labis na pangamba ng mabilis na napansin ng magkakapatid na Jīn ang presensya ng isang nilalang na nakatayo ilang metro mula sa kanila.

Payat at nakakatakot ang itsura nito habang ang kaliwang kamay ng nasabing nilalang na ito ay balot na nalot ng gloves.

"Sino ka? Ano'ng ginagawa mo sa lugar na ito?" Puno ng pangambang sambit ni Jīn Xin habang hindi ito mapalagay sa takot na nararamdaman niya sa nilalang na parang kabute lamang na sumulpot sa lugar na ito.

"Oo nga. Pakiusap wag mong takutin ang kapatid ko." Puno ng Kaseryosohang turan ni Jīn Yun habang niyayakap ang nakababatang kapatid nito. Halatang gusto nitong pakalmahin si Jīn Xin.

"Hahahaha... Hindi ko aakalaing espesyal ang katangiang meron ang nakababatang kapatid niyo. He can even feel my death aura. Nakakasulasok ba ang amoy na nanggagaling sa kaliwa kong kamay?" Nakangising demonyong saad ng nasabing nilalang habang makikitang parang gusto pa nitong subukan ang takot na nararamdaman ng pinakabatang miyembro ng Blade Brothers.

Mabilis na nakaramdam ng panganib ang nasabing bagong saltang nilalang nang makita nito kung paanong tinutok ni Jīn Shen ang mahabang espadang sandata nito na mahigpit nitong hinahawakan sa mismong kakarating lamang na misteryosong nilalang.

"Tumigil ka kung ayaw mong pugutan kita ng ulo. Ikaw ba ang ipinadala niya upang tulungan kami?" Walang pag-aalinlangang sambit ni Jīn Shen habang makikitang walang pagbibiro itong nakatingin ng direkta sa mismong bagong sulpot lamang na nilalang. Dahil sa lahat ng ayaw na ayaw niya ay ang takutin ang kapatid niya ng pesteng nilalang na ito. Walang sinuman ang maaaring magbanta sa kanila dahil siya mismo ang kikitil ng buhay ng sinumang gagawa nito.