Chapter 419

Kasalukuyang naririto sa bayan ang batang si Li Xiaolong habang nakakubli ang sarili niya sa maraming taong dumadaan sa loob ng Chengdu Village. Masasabi niyang ang pagpunta niya sa lugar na ito ay malaki ang naging impact nito sa binabalak niya sanang puntahang lugar. Halos lahat kasi ng mga napuntahan niyang lugar ay dito siya medyo nagkaroon ng problema hindi lamang sa mga paglalakbay niya maging sa mga nakatokang gagawin niya.

Palagay niya ay mayroong kinalaman rito ang nilalang mula sa labas ng Dou City. Hindi pa siya nakakapangalap ng impormasyon patungkol sa kung sino nga ba talaga ang mga ito. Ang tanging alam niya laamng ay delikado ang buhay niya lalo na at maaari siyang mapahamak sa oras na magtagpo ang mga landas niya sa mga ito.

Ang Ocean Black Bat maging ang nilalang na nakasakay rito ay alam niyang isa rin itong Beast Tamer kagaya niya at ang isang nilalang na mayroong kakaibang kaliwang kamay maging ang nakita nitong limang mga Xiantian Realm Expert sa madilim na gabing naroroon siya sa Red Cloud Sea. Iyon ay dahil sa kagagawan rin mismo ng Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom kaya naging matagumpay ang paglalakbay ng mga ito sa bawat pook na nais nitong puntahan. Sa lahat ng kaharian ay sila ang pinakadelikado pero alam niyang nag-iingat din ang mga ito at posibleng naririto ang mga masasamang nilalang na iyon dito upang magpalakas at magpalamig na rin.

Lumiko ang batang si Li Xiaolong sa isang eskinita at mas binilisan pa nito ang paglalakad. Tahimik ang nasabing maliit na daanang kaniyang dinaraanan habang tahimik nitong binaybay ang paliko-likong mga daan hanggang sa nakita nito ang nakatalikod na nilalang na siyang kaniyang kakatagpuin sa mga oras na ito.

Mabilis siyang nagbihis at nakasuot siya ng pangkaraniwang roba. Hindi siya nagkubli lalo pa't tiyak na mabubuking siya sa kaniyang katauhan. Si Chen Hui pa naman ang kaharap niya at mas lalong hindi na siya maaaring magkubli bilang isang matandang hukluban dahil wanted na siya sa loob ng Chengdu Village. Mabuti na lamang at masikip at abala ang mga nilalang na dumadayo rito kaya dagsa-dagsa ang mga paninda at produktong nakahilera na siyang agaw pansin sa lahat.

Agad na nakilala niya ang pigura ng nasabing nilalang na ito. Sa enerhiya lamang nang nasabing nilalang na ito ay masasabi niyang napaka-pamilyar.

"Ate Lan, ikaw po ba yan?!" Tanong ng batang si Li Xiaolong sa nakatalikod na nilalang ilang dipa lamang ang layo mula sa kaniya.

Mabilis namang humarap ang nasabing nilalang at mabilis na inalis ang talukbong na nakatakip sa mukha nito.

Nakangiting babae na may maamong mukha ang nasilayan ng batang si Li Xiaolong. Hindi nga siya nagkakamali at ito nga si Lu Lan, ang anak ng Feathers Guild na si Chen Hui.

"Oo Xiaolong. Hindi ko aakalaing ikaw pala ang gustong kumausap sa amain ko." Gulat na saad ni Lu Lan habang makikitang tila namangha pa siya sa presensya ng batang kaharap niya lamang.

"May ipinadala ba ang ama mo Ate? Pinapaabot lang kasi ng Lolo ko ang mensahe galing sa Feathers Guild." Direktang saad ng batang si Li Xiaolong halatang walang paligoy-ligoy itong magtanong.

Tila nagulat naman si Lu Lan sa naging pahayag ng batang si Li Xiaolong.

"So ikaw pala ang apo niya? I see, kaya pala medyo hawig kayo hehehe" Puno ng pagkamanghang sambit ni Lu Lan habang makikitang parang gusto nitong kumpirmahin ang relasyon ng matandang lalaki at ng batang si Li Xiaolong na apo pala ng nasabing matanda.

"Kilala mo si Lolo? Pumunta ba siya sa Feathers Guild?! Tila nagtaka naman ang batang si Li Xiaolong habang sinasabi ang mga katagang ito. Eh iisa lamang sila nito at sa pagkakaalala niya ay siya lamang ang nakakaalam nito maging ang mga nakasalamuha niya pero mayroon na siyang ideya kung sino.

"Personal na pumunta si Binibining Bái Shu ng Golden Martial Shop sa Feathers Guild upang pagbigyan ang himihingi mong impormasyon. Hindi basta-basta ang hinihinging impormasyon ng Lolo mo kaya medyo natagalan. Nandito sa loob ng papel ang mga impormasyong kinakailangan niya. Ingatan mong mabuti ito at ibigay agad sa kaniya Xiaolong." Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Lu Lan. Halatang pinapakita nito na masyado atang importante ito. Nasabihan na rin siya ng ama niya na ibigay ang sulat sa kung sino mang ipinagtagpo ng matandang lalaki na iyon alinsunod sa utos ni Binibining Bái Shu ng Golden Martial Shop.

"Opo ate, masusunod po ang iyong bilin sa akin. Pasyal muna tayo Ate." Sambit ng batang si Li Xiaolong matapos nitong marinig ang huli. Inimbitahan pa nito si Lu Lan tandang gusto nitong mamasyal kung maaari.

"Paumanhin Xiaolong ngunit marami akong inaasikaso ngayon maging ang Feathers Guild. Sa susunod na lamang. Wag kang mag-alala babawi ako sayo." Nakangiting saad ni Lu Lan habang makikitang tila may pinoproblema nga ito.

"Sige po Ate. Sinabi niyo po yan ha. Di ko tatanggihan yan!" Magalang na sambit ng batang si Li Xiaolong habang matamis din itong ngumiti pabalik.

Mabilis na naglakad papalayo si Lu Lan habang kumakaaway-kaway pa ito at bigla na lamang naglaho sa dilim tandang umalis na nga ito ng tuluyan.

Mabilis na ring umalis ang batang si Li Xiaolong sa nasabing lugar na ito habang bitbit ang nasabing mahalagang impormasyon patungkol sa pinapahanap niyang nilalang kung sino nga ba ang mga ito at kung ano ang maaaring masamang binabalak ng mga ito sa loob ng apat na kaharian maging ang koneksyon nito sa Dou City.

Binaybay nito ang daan papalabas ng Chengdu Village. Alam niyang delikado pa ang kalagayan niya kung sakaling manatili pa siya sa lugar na ito na pawang mga estranghero ang nakasalamuha niya at baka makatagpo niya pa ang nilalang na pilit niyang iniiwasang makatagpo.

Balak niyang umuwi muna sa Green Valley na siyang tunay na tahanan niya. Masyado na ring matagal ang pananatili niya rito upang maglakbay. Gusto niyang asikasuhin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa Crowned Prince at sa mga kumakaaway sa Li Clan o ng Green Martial Valley Union. Ayaw niyang maipit sa gulo ang mga mahal niya sa buhay maging ang inosenteng nilalang na naninirahan sa Sky Flame Kingdom.