Chapter 451

"Paano kung hindi ako sasama sa iyo sa pagbalik mo sa Blood Skull Alliance na lugar na sinasabi mo? Magagawa ka pa ba kung iyon ang aking kagustuhan?" Saad ng batang si Li Xiaolong sa misteryosong nilalang na nakakubli sa itim na maskaranv suot-suot nito.

"Oo at wala ka namang iba pang pagpipilian kung hindi ang sumama ng sapilitan kung ayaw mong wasakin namin ang buong lugar na ito kasama ang iba pang kaharian lalong-lalo na ang Dou City hahahaha!" Inis na wika ng nakamaskarang itim na nilalang habang nakatingin sa direksyon ng batang si Li Xiaolong.

"Talaga ba? Matagal ko na ring gustong subukan ang lakas ng apat na kaharian sa kasalukuyan ngunit mukhang malabo ang gusto mong mangyari. Sa pwersa pa lamang ng Dou City ay siguradong hindi na kayo magtatagumpay pa!" Kontrang saad naman ng batang si Li Xiaolong sa sinabi sa kaniya ng kalaban niya.

Nagulat naman ang nakamaskarang itim na nilalang habang makikitang tila hindi ito magpapatalo sa mga salitang binitiwan ng batang si Li Xiaolong.

"Ahahaha... Iyan nga ang inaakala niyo. Mukhang hindi mo alam ang nangyayari sa apat na kaharian at ng Dou City. Masyadong magulo ang sitwasyon ngayon at ito na ang pagkakataong hinihintay ng aming Blood Skull Alliance upang pabagsakin ang maliit na lupaing ito upang palawakin pa ang teritoryong sakop ng Blood Skull Alliance!" Sambit ng nakamaskarang itim na nilalang habang makikitang hindi ito magpapatalong talaga sa mga sinasabi ng batang nagngangalang Li Xiaolong.

"Mababaw man ang aking kaalaman patungkol sa nangyayaring sigalot sa Dou City at sa apat na kaharian ngunit nasisiguro kong sa mga oras na malaman nila ang binabalak niyong masama laban sa amin ay siguradong hindi sila magdadalawang-isip na magtulungan upang puksain kayong lahat!" Sambit naman ng batang si Li Xiaolong habang makikita na hindi ito magpapasindak sa sinabi ng nakamaskarang itim na nilalang. Alam niyang hindi padadaig ang apat na kaharian sa kanilang personal na alitan kung alam nilang may mas malaki pa silang kaaway liban sa kanilang mga sarili.

"Iyon ang hindi mangyayari. Total ay mukhang marami kang alam ay panahon na upang dalhin kita sa Blood Skull Alliance upang makuha na namin ang pakay namin sa iyong katawan!" Malademonyong sambit ng nakamaskarang itim na nilalang habang makikitang nakangisi pa ito.

Walang emosyong tumingin ang batang si Li Xiaolong sa kalaban niyang ngayon ay mabilis na hinawakan ang leeg nito kung saan nakapulupot ang metal chains.

Mahigpit na hinawakan ng batang si Li Xiaolong ang metal chains niya ngunit hindi niya sukat akalaing wala siyang magawa sa lakas ng isang Purple Heart Realm Expert. Kumpara sa kaniya na bagong breakthrough lamang o kakatapak lamang sa cultivation lebel na Purple Blood Realm ay higit na mas malakas ang kalaban niya ng isang boundary dahilan upang madehado siya sa maaaring sasapitin niya sa pagharap niya sa isang Purple Heart Realm Expert.

Mabilis na nabitawan ng batang si Li Xiaolong ang hawakan ng metal chains nang agresibo itong hinila ng nakamaskarang itim na nilalang dahilan upang tumalsik si Li Xiaolong kasama ang metal chains niya.

Mabilis na nakabalanse ang batang si Li Xiaolong sa himpapawid ngunit isang hindi inaasahang senaryo ang bigla na lamang naganap.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nakita na lamang ng dalawang mata ng batang si Li Xiaolong ang mabilis na paglapit ng nakamaskarang itim na nilalang sa kaniya habang halatang hindi ito gagawa ng mabuti.

Mukhang galit na rin ito sa mga sinabi niya lalo na at mukhang may pinoprotektahan ito at iyon ay ang plano ng sinasabi nitong alyansa ng Blood Skull Alliance.

BANG!

Sa isang iglap ay tumalsik sa malayo ang batang si Li Xiaolong nang hindi nito nasangga ang mabilisang pagsuntok sa kaniya ng kanang kamao ng nasabing kalaban niya. Ang tanging nagawa lamang niya ay inikit ang katawan niya at tinamaan siya sa balikat.

Magkagayon man ay ramdam ng batang si Li Xiaolong ang sobrang sakit na dulot ng atakeng iyon. Buti na lamang at may protective essence siyang nakapalibot sa buong katawan niya nang matanggap nito ang malakas atake ng kalaban niya na siyang tuluyan ding nawala sa isang iglap lamang. Ganon kalakas ang isang atake ng Purple Heart Realm Expert.

Sa pangalawang pagkakataon ay naibalanse pa rin ng batang si Li Xiaolong ang sarili nito. Hindi nito batid ang tila sakit na naramdaman niya at agad na niyang inayos ang sarili niya.

"Mukhang nasalag mo ng maayos ang atake ko ngunit pasensya ka na bata dahil kailangan na kitang dalhin ng sapilitan patungo sa Blood Skull Alliance!" Seryosong saad ng nakamaskarang itim na nilalang habang sinasabi ang mga pangungusap na ito. Halatang gusto nitong gumawa ng mga bagay na ikakapagtatagumpay ng kanilang organisasyong kinabibilangan rather than to lose anything.

Mabilis namang nagseryoso ang mukha ng batang si Li Xiaolong at inayos nito ang sarili niya. Agad siyang nagsagawa ng pambihirang martial arts technique.

Asura Art: Triple Body!

Nagliwanag ang buong katawan ng batang si Li Xiaolong at sa isang iglap ay nahati ang katawan niya sa tatlo na siyang ikinabigla ng lahat ng saksi.

Ang unang kawangis nito ay may hawak na metal chains, ang pangalawa naman ay may suot na gauntlet at ang panghuli ay mayroong suot-suot na pambihirang gloves. Sa anyo pa lamang nito ay halatang walang pagkakaiba ang itsura nito sa alinman sa tatlong katauhan nito sa kasalukuyan.

Mabilis na sumugod ang tatlong katauhan ng batang si Li Xiaolong sa kinaroroonan ng kalaban niya. Makikita ang labis na inis sa mga mata ng mga ito habang sumusugod ng sabay-sabay sa kinaroroonan ng kalaban nito.

Nang makatagpo ang dalawang panig ay masasabing tila mas uminit pa ang atmospera sa lugar na ito. Kitang-kita kasi at ramdam na ramdam ng lahat ang tensyon sa pagitan ng magkaibang panig.

Nagmumukhang tatlo laban sa isa ang labanan. Tatlong katauhan ng batang si Li Xiaolong na mayroong Cultivation Level na Purple Blood Realm Expert habang ang kalaban nitong nag-iisa ay Purple Heart Realm Expert.

Woosh!

Malakas na hinampas at tumunog ang metal chains na hawak-hawak ng batang si Li Xiaolong habang dumapo ito sa katawan ng nasabing kalaban nitong hindi pa alam ang totoong katauhan.

Isa, dalawa, tatlo hanggang sa magkailang sunod-sunod na paglatigo ang ginawa nito sa kalaban niya ngunit tila ba walang nararamdamang sakit ang kalaban niya.

BAM! BAM! BAM!

Sinuntok ng batang si Li Xiaolong ang kalaban niya ng ilang beses gamit ang gauntlet at pambihirang gloves ngunit sa pangalawang pagkakataon ay bigo itong saktan ng malala ang kalaban niya.

"Hindi ko aakalaing napakalakas ng loob mong labanan ako ngunit mukhang wala ka man lang binatbat sa pagiging Purple Heart Realm Expert ko. Tanggapin mo na lamang bata, mauuwi sa wala ang pagiging Purple Blood Realm Expert mo dahil sa pagkrus ng landas natin!" Sambit ng nakamaskarang itim na nilalang na kasalukuyan pa ring inaatake ng batang si Li Xiaolong.

Sobrang lakas man ng atake ng batang si Li Xiaolong ay mukhang hindi ito tinatablan ng anumang atake niya.

PAH! PAH! PAH!

Mabilis na sinuntok ng nakamaskarang itim na nilalang ang tatlong katauhan ng batang si Li Xiaolong dahilan upang tumalsik itong muli sa malayo. This time, masasabing mas malakas ito ng di hamak kumpara sa huli.

Nagulat naman ang lahat at nabalutan ng takot ang kanilang puso't-isipan. Tunay ngang batid nila ngayon na mas malakas ang nasabing nilalang na ito kumpara sa bagong tapak pa lamang na batang si Li Xiaolong sa pagiging ganap na Purple Blood Realm Expert.