Chapter 529

Dedicated to: @lourdhyperion thanks po ng marami sa pa-gcash🙂😅 enjoy reading this chapter 😁

...

Sa hindi malamang dahilan ay sobrang tagal na naka-lutos position ang binatang si Wong Ming sa Kaniyang sariling pwesto. Halatang mayroong problema itong kinakaharap sa kaniyang pagpapawala ng mga naiwang demonic aura maging ng demonic essence na nakapaloob sa sariling beast ring ng Illusion Weaving Arachnid na natalo niya.

Makikita na nakalutang pa rin ang nasabing beast ring sa ere ngunit ang nakakapagtaka rito ay mabagsl itong umiikot na nagpapahiwatig na naka-activate ito. Mayroong kung anong klaseng pwersa ang meron ito.

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niya na nasa loob ng pabilog na bagay. Wala siyang napapansing normal dito dahil ramdam niya ang nakapangingilabot na awra ng Illusion Weaving Arachnid na nakapaloob sa lugar na ito.

Halatang mayroong kung anong klaseng pwersa ang nagpapabigat rito. Kagayang-kagaya ang nararamdaman niyang enerhiya nang kinalaban niya ang nasabing dambuhalang halimaw na sobrang lakas.

Ngunit sa surpresa ni Wong Ming ay kahit na naramdaman niya ang nakakapangilabot na enerhiya ng nasabing halimaw ay buo pa rin ang isipan niya sa mga bagay-bagay. Parang hindi katulad noon na nakalaban niya ito na gulong-gulo ang isip niya.

Parang hindi siya tinatablan ng anumang bagabag sa mga oras na ito.

Napakalawak ng lugar na ito na kung hindi siya nagkakamali ay ito ang loob na parte ng beast ring na gusto niyang angkinin. Hindi niya aakalaing mayroong inner space ang nasabing beast ring ng Illusion Weaving Arachnid.

Ngunit nagulat na lamang siya ng mula sa nagtataasang lugar na ito ng beast ring ay mayroong lumitaw na maraming mga Illusion Weaving Arachnid na dumadami ng dumadami habang tumatagal.

Nanlilisik ang mga nagpupulahang mga mata ng mga ito habang maliliksi ang mga itong gumagapang patungo sa direksyon niya.

Hindi nagtagal ay parang nag-uunahan ang mga itong pumunta sa kaniya na parang kayrami katulad ng mga langgam.

Hindi malaman ni Wong Ming ang kaniyang sariling gagawin lalo na at napakaraming naglalakihang mga Illusion Weaving Arachnid na papunta sa kaniya at animo'y kakainin siya.

Kampante man ang utak niya ngunit sa dami at laki ng mga ito ay matatakot talaga ang sinumang nilalang na sagupain ito.

Hindi naman nagdalawang-isip si Wong Ming na tumakbo ng tumakbo sa direksyong pinili ng mga paa niyang tila nag-uunahan din sa pagtakbo.

Pakiramdam ni Wong Ming ay ngayon lamang siya nakatakbo ng sobrang bilis habang binibilisan pa ito lalo. Ramdam niya ang paang gumagaapng na nagmumula sa tunog ng mga galamay ng mga Illusion Weaving Arachnid na humahabol sa kaniya.

Sino ba naman ang hindi matatakot sa magagawa ng isang dambuhalang halimaw na katulad ng Illusion Weaving Arachnid.

Walang nagawa si Wong Ming kundi lisanin ang lugar na pinagmukan niya kanina at nagpatangay sa mga paang patungo sa direksyon kung saan sa tingin niya ay matatakasan ang hindi mabilang na mga Illusion Weaving Arachnid.

Hindi na nakapagpigil si Wong Ming kundi ang magpalabas ng Spiritual Weapon na walang iba kundi ang Sword Needle.

Sword Needle Clones!

Ramdam ni Wong Ming ang sarili niyang mayroong nag-uumapaw na spiritual energies na hindi niya malamang dahilan kung saan nagmula ngunit hindi na muna ito inisip pa at gusto niyang makaligtas sa napakaraming mga Illusion Weaving Arachnid na patungo sa direksyon niya na gusto siyang sugurin dahil sa mga mata ng mga itong nanlilisik na animo'y walang pasubaling papaslangin siya ng mga ito o di kaya ay kakainin ng buhay.

Napakaraming mga Sword Needles ang nagawa ni Wong Ming habang nanlalaki ang mga mata ni Wong Ming sa kaniyang sariling nakikita lalo na at tila ang kaniyang sariling cloning skill sa lugar na ito ay napakarami. Buong buhay niya ay hindi niya aakalaing ganito karami ang magagawa niya. Para kasing namamalik-mata siya sa nakikita niya ngayon.

Magkagayon pa man ay hindi na naghintay pa si Wong Ming na makalapit pa sa kaniya ang mga hindi mabilang na Illusion Weaving Arachnid at agad na pinaulanan ng hindi mabilang na mga sword Needles.

BANG! BANG! BANG!

Hindi mabilang na mga pagsabog ang naganap sa lugar na ito at kung paano dumagundong ang napakaraming mga atungal ng mga Illusion Weaving Arachnid na patungo sa direksyon niya.

Shrrieeeeecckkkkk! ...!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong sumabog ang katawan ng mga Illusion Weaving Arachnid matapos tumama ang mga umuulang mga sword Needles sa direksyon ng mga ito dahilan upang hindi siya makapaniwala.

Napasinghap pa si Wong Ming sa kaniyang sariling nakikita lalo na at para yatang lumakas siya ng hindi hamak ngayon ngunit parang mali.

Magkagayon pa man ay itinuon niya ang sarili niya sa pagpaslang ng mga dambuhalang halimaw na lumalapit sa direksyon niya na lumalabas sa madilim na parte kung saan nagmumula ang mga ito.

Hindi alam ni Wong Ming kung saan ba talaga nagmumula ang mga ito ngunit kailangan niyang mapuksa ang mga ito kung ayaw niyang maging hapunan ng mga ito.

Sword Needle Clones> Dance of the Sword Needles!

Sa isang iglap ay bumalik ang isang Sword Needle na siyang orihinal na Sword Needle niya sa kaniyang sariling direksyon at mabilis itong dumami.

Hindi lamang iyon dahil nagawa pa ni Wong Ming na magsagawa ng isa pang Sword Skill na Dance of the Sword Needles.

Tunay ngang hindi makapaniwala si Wong Ming sa kaniyang sariling natuklasan. Parang ang lahat ng ito ay pawang panaginip lamang.

Yun nga lang ay hindi hamak na sobrang dami rin ng mga bilang ng Illusion Weaving Arachnid at nanganganib ang buhay niya sa mga oras na ito.

Hindi rin nagtagal at nakompleto na ni Wong Ming ang proseso ng pangalawang martial arts skill na isinagawa niya.

Kitang-kita niya kung paanong unti-unting gumalaw at nag-vibrate ang napakaraming mga sword needles sa ere na tandang naisagawa niya ng tama ang nasabing skill.

Parang mga mandirigmang kawal ang mga sword needles at ramdam ni Wong Ming na parang hindi siya nawawalan ng lakas.

Parang rumaragasang mga ibon ang Sword Needle dahil parang sumasayaw ito sa ere ngunit mabilis itong pabagsak sa kalupaan lalo na sa direksyon ng mga Illusion Weaving Arachnid na kay liliksi kung kumilos patungo sa kaniya.

BANG! BANG! BANG!

Rinig na rinig ni Wong Ming kung paano dumagundong ang tunog ng pagsabog sa malawak na lugar na ito at kung paano sumabog ang hindi mabilang na katawan ng mga Illusion Weaving Arachnid.

Ngunit kasabay nito ang pagkaramdam ni Wong Ming ng pagod at pagkahingal. Hindi niya aakalaing sa gitna pa ng labanan siya nakaramdam ng pagkapagod.