Chapter 636

5

4

3

2

1

Kitang-kita ng lahat kung paanong nawala ang protective barrier sa loob ng safe zone na ito at maraming mga kalahok ang nag-uunahang tumakbo.

Isa kasi itong senyales na tuluyan ng nagbukas at nagsisimula ang ikatlong bahagi ng trial.

Halos lahat sa mga ito ay naghahangad ng tagumpay at para magawa iyon ay kailangan nilany lakbayin ang lugar na ito sa paraang gusto nila. Siyempre ay isaalang-alang nila ang mga rules at objectives ng ikatlong trial.

Masasabing ang mga ito ay hindi rin magpapatalo at lahat sila ay gustong nang subukin ang nasabing ikatlong trial na inihanda ng Flaming Sun Guild.

Marami ang nauna kay Wong at masasabi niyang nasa kalagitnaan siya ng mga nag-uunahang mga kapwa niya kalahok. Lahat ay hindi magpapatalo.

Nakaramdam naman ng kakaiba si Wong Ming sa kaniyang kapaligiran. Para bang may mga matang nakamasid sa kaniya. Hinanap niya naman ito at natanaw niya ang mga grupo ng mga kalahok na humahanda ng atakehin siya o silang mga nasa isa hanggang tatlo lamang ang nasa grupo.

"Nalintikan na!" Saad ni Wong Ming sa sariling isipan niya lamang.

Kitang-kita niya kasi kung paanong may nakatutok sa kaniyang isang malaking palasong sigurado siyang mapipinsala siya nito.

"Umalis na tayo bilis! Mang-aatake na ang mga grupong iyan!"

"Mga bwisit, tayo pa talaga ang gustong paslangin ng mga ito!"

"Porket tayo lang dalawa ay tayo na ang bibiktimahin ng mga iyan!"

Iyan ang naririnig ni Wong Ming sa mga kapwa niya kalahok na target din ng mga grupo ng mga nilalang sa ilalim.

Mabilis namang lumipad pataas si Wong Ming at lumihis ang direksyon niya sa pamamagitan ng shadow steps ay naging matagumpay ang kaniyang sariling pagkilos.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Maraming palaso ang patungo sa kaniya ngunit malakas niyang binato ang isang maliit na Ice Ball patungo sa direksyon ng nasabing mga grupo-grupong kalahok na gusto silang pinsalain.

Tumama ang palasong patungo kay Wong Ming sana sa mismong Ice Ball at dito nga ay nagliwanag ng malakas ang Maliit na bolang gawa sa yelo hanggang sa bumulwak rito ang napakaraming mga tipak ng yelo dahilan upang manlaki ang mga mata ng mga grupo-grupong mga kalahok na pinuntirya si Wong Ming.

Crrreeeaakkk!

BANG! BANG! BANG!

Bumagsak ng marahas ang mga tipak ng yelo sa uluhan ng mga grupo-grupong kalahok dahilan upang magsitakbuhan sila at nagkanya-kanyang alis sa kanilang sariling pwesto.

Natuwa naman si Wong Ming ngunit hindi nakontento ang nasabing binata at tatlong ice ball pa ang inihagis niya sa mga grupo-grupong nilalang sa iba't-ibang direksyon dahilan mas manlaki ang mga mata ng mga ito at naglabas ng mga pananggalang o di kaya ay nagsagawa ng mga skills nila.

BANG! BANG! BANG!

Parang Umulan ng mga yelo sa kalupaan dahil sa ginawa ni Wong Ming. Buti na lamang at nandirito siya sa itaas at di makalapit sa kaniya ang mga grupo ng mga nilalang na gustong biktimahin ang mga kapwa nila kalahok.

May napinsala nga si Wong Ming at tukuyan pa silang makaalis sa lugar na ito ng ligtas.

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang malawak na talahiban. Sa sobrang sukal ng talahiban ay lagpas katao na ang haba ng mga ito.

Masasabi ni Wong Ming na ang lupang tinatapakan niya ay normal naman pero ang halos lahat ng mga uri ng tanim ay mayayabong.

Hindi katulad ng Purple Cane Mountain Ranges na puno ng kulay ubeng kapaligiran maging ang kalupaan nito

Ito siguro ang epekto ng napakaraming mga enerhiya sa paligid o may misteryosong bumabalot sa lugar na iyon?!

Hindi matukoy ni Wong Ming kung saan nagmumula ang Purple Qi dahil sa pagkakaalam niya ay may iba't-ibang mga qi na ginagamit ang mga nilalang at tanging ang Blue Qi na galing sa Adult Blue Crest Lionness ang nasubukan niyang i-absorb.

Kung saan man nagmumula ang Purple Qi na ito ay sigurado siyang mayroong kinalaman ito sa buong kapaligiran. Malakas siguro iyon at maaaaring makaapekto iyon sa lahat ng mga nabubuhay.

Naalala naman niya ang tatlong mala-aninong nakasunod sa kaniya. Malalakas ang mga iyon ngunit parang may mali na hindi niya maintindihan.

Sigurado siyang makakaharap niya rin ang mga ito sa madaling panahon kaya kailangan niyang paghandaan upang hindi siya masila ng mga ito.

Sa hindi kalayuan sa gitna ng lawa ay nakita ni Wong Ming ang isang kakaibang mala-higanteng bulaklak.

Napagitla naman si Wong Ming nang malaman niya kung ano ito. Isang Giant White Pearled Lotus ito kung hindi siya nagkakamali.

Lahat ng bahagi ng bulaklak na ito ay gawa sa energy essence. Nabasa niya pa sa libro noong nasa Golden Crane City pa siya na isang breakthrough flower ito dahil kapag napasaiyo ito ay maaari mo itong i-extract o gawing elixir para sa mas epektibong epekto nito.

Papalapit na sana si Wong Ming rito nang bigla siyang nakaramdam ng mga paparating na mga nilalang.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Isang grupo ng mga kalahok ang nakita ni Wong Ming na patungo sa direksyon niya. Kitang-kita niya ang malademonyong mga ngisi ng mga ito na animo'y nahuli nila ang binatang si Wong Ming sa lugar na ito.

Nasa sampo ang bilang ng mga ito at masasabi ni Wong Ming na nasa Early Xiantian Realm hanggang Peak Purple Blood Realm ang mga lebel ng cultivation ng mga ito.

Maya-maya pa ay nagsalita ang isa sa mga ito habang Nakaharap sa kaniya.

"Ikaw si Little Devil hindi ba? Magaling, magaling dahil may pakinabang ka rin pala. Hindi ko aakalaing sa pagsunod namin sa iyo ay may inihanda ka na palang pambihirang regalo sa amin hehehe!" Wika naman ng lalaking mayroong malaking katawan na halatang ito ang pinuno ng grupong ito.

Nakita nga ni Wong Ming ang pagmumukha nito maging ng ibang mga kasamahan niya kanina sa loob ng safe zone at isa din ang mga grupong ito ang nangha-hunting sa kanila.

Ramdam niyang may mga ibubuga ang mga ito at maaangas ang mga dating. Kahit sa galaw at mga uri ng tinging ibinibigay ng mga ito ay halatang hindi na mapagkakatiwalaan o gagawa ng mabuti.

"Diba tama ako pinuno ng sabi? Malapit sa swerte ang Little Devil na ito. Mas magandang Little Blessing nalang ang ipangalan sa kaniya total ay napakaswerte natin sa kaniya hahahaha!" Masayang sambit naman ng magandang babaeng nakasuot ng seksing kasuotan.

"Tiba-tiba tayo niyan boss. Isang White Pearled Lotus ang isang iyan na kayang pataasin ang cultivation level mo kapag nastock ka sa kasalukuyang lebel mo dahil sa bottleneck. Pabor ito sa'yo boss!" Sambit naman ng isang lalaking may peklat sa kanang mukha nito na halatang isa itong manlalakbay at may kaalaman sa pakikipaglaban o maging sa mga pambihirang mga bagay.

Pinatunog pa nito ang mga buto sa kamao niya na halatang handa ng bugbugin o saktan si Wong Ming.

Ikinalma na lamang ni Wong Ming ang sarili niya at mabilis na lumayo sa pwesto ng mga grupo ng nilalang na ito. Alam niyang wala siyang mapapala sa mga ito.

Hindi rin magiging epektibo kung kakausapin o pakikiusapan niya ang mga ito. Wala siyang pakialam sa maaaring panganib dahil hindi siya natatakot sa mga ito.

"Tsk! Napakaduwag naman pala ng binatang iyon na Little Devil. Sa dami natin ay sigurado akong nabahag na ang buntot nito hehehe!" Pahabol na wika ng alagad ng pinuno ng grupong ito.

"Susundan ko ba at bubugbugin ko ba ang binatang iyon para ma-satisfy kayo pinuno?!" Suhestiyon naman ng alagad nito.

"Wag na, sayang ang oras natin kapag aaksayahan pa natin ng panahon ang binatang iyon!" Simpleng tugon naman ng pinuno ng grupong ito at itinuon ang isang dambuhalang puting bulaklak sa gitna ng lawa.

Narinig naman ito ni Wong Ming ang mga salitang ito na siyang ikinaguhit ng malademonyong ngiti sa mga labi nito. Alam niyang oras na rin upang maningil sa mga ito.

Hindi siya ganon kaduwag upang hayaan ang mga itong kunin lamang ang Giant White Pearled Lotus upang kamkamin ng mga ito bagkus ay maaari niyang magamit ang bilang ng mga ito upang makamit ang pambihira at dambuhalang cultivation flower na ito para sa sarili niya.

"Hindi ko aakalaing marami akong ipampapain upang mapasaakin ang Giant White Pearled Lotus na iyon hehehe!" Malademonyong sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan habang hindi mawala-wala ang nakapaskil na malademonyong ngiti sa mga labi niya.