Chapter 638

Masusing binabaybay ni Wong Ming ang masukal na kagubatan habang mayroon siyang nakikitang mga grupo ng mga kalahok na tila may hinahanap din at ang iba',y katulad niya na patalon-talon sa mga puno upang maghanap ng mga pambihirang mga bagay.

Ayon sa objectives ay kailangan nilang mahanap ang pinamumugaran ng mga Red Sky Birds. Isa iyong kakaibang ibong kayang maglakbay sa Himpapawid sa pinakamatayog na parte nito.

Pinaniniwalaang ang anumang uri ng Sky Birds ay mga highest form of birds dahil kaya nilang maabot ang pinakadulo nitong parte na hindi naaabot ng anumang klase ng ibon o magical beasts.

Sa palagay nga ni Wong Ming ay may katotohanan naman ito sa isang aspeto ngunit hindi sa huling parte. Masyado lang exaggerated ito lalo pa't ang pinakamatayog lumipad sa apat na lungsod na ito ay ang mga Sky Birds liban doon ay wala na.

Ngunit sa lugar sa Golden Crane City ay nag-eexist ang maalamat na ibong hango rin sa pangalan ng nasabing siyudad nila ang Golden Crane Bird. Isang pambihirang ibong minsan na rin daw nagligtas sa kaniya ngunit hindi niya ito pinaniniwalaan ngunit minsan ay naiisip niyang parang totoo.

Imagine, ilang daang kilometro ang pinagdalhan sa kaniya at imposible namang umihip ng malakas ang hangin at natangay siya ng biglaan at posible ring baka sa karagatan talaga siya inanod.

Sa kasalukuyan ay masasabi niyang marami pa ring uri ng ibong kayang maglakbay ng napakatayog liban sa Red Sky Birds na naririto sa Red City kung ikukumpara sa Golden Crane City.

Parang gusto ni Wong Ming na akyatin ang isang matarik ngunit napakataas na kabundukang natatanaw niya sa hindi kalayuan. Sigurado siyang walang bakas ng existence dito sa mababang parte ng mga kabundukang ito dahil siguradong nakalaganap na ang balita.

Ayaw naman niyang tumunganga na lamang dahil baka kung ano pa ang mangyari at hindi pa siya makapasa sa ikatlong trial na ito at masayang lahat ng pinaghirapan niya.

Sinimulan na ni Wong Ming na maglakbay paitaas ng kabundukan. Kitang-kita na ang naglalakihang mga bato ay nakakalat lamang sa mga daanang parte ng kabundukang ito.

Isang senyales ito na hindi gaano katibay ang kalupaang kasalukuyang sinusuyod ni Wong Ming o di kaya ay madalas ang pagguho ng lupang ito. Isa lamang itong espekulasyon na gustong imbestigahan ni Wong Ming.

Akala ni Wong Ming ay madali lamang ang paglalakbay niya ito nang mapansing tila mayroong mga matang nakatingin sa kaniya.

Hindi nga nagkakamali si Wong Ming nang mapansin ang isang kakaibang ox na nakatingin sa direksyon niya.

Nagbabaga ang buong katawan nito maging ang mga mata nito. Kahit ang mismong katawan ng pambihirang ox na ito ay mayroong mga intricate lines sa mga balat nitong wala atang buhok sa katawan.

Demon Fire Ox!

Iyon ang unang naisip ni Wong Ming. Nanlaki pa ang mga mata niya nang mapansing nasa Early Purple Heart Realm ata ang kabuuang lakas ng kakaibang magical beast na ito.

Hindi niya maaaring baliwalain ang presensya ng Demon Fire Ox dahil Isang Third Grade Beast ito. May kahawig nga ito noon sa nakalaban niyang mga demonic ox sa loob ng pambihirang lugar kung saan niya natagpuan ang Water Esk niya ngunit higit na malakas ang isang ito.

Napangisi na lamang si Wong Ming dahil kung hindi siya nagjakamali ay malaki ang halaga ng mga balat nitong mayroong mga intricate lines at sigurado si Wong Ming na malaki ang halaga ng mga buto nito sa katawan na sa palagay niya ay nag-evolve na ito sa pagiging demonic bones.

Matalino ang isang ito kung hindi nagkakamali si Wong Ming dahi tila nagdedevelop na na ang kamalayan ng isang ito. Unti-unting nakita ni Wong Ming na maliksi itong nagpalipat-lipat ng direksyon habang lumalapit sa kinaroroonan ni Wong Ming

Kahit ang galaw nito ay masasabi ni Wong Ming na pambihira rin. Sigurado siyang guato niyang subukan at mstutunan ang galaw ng paa ng Demon Fire Ox na ito at makapagdevelop siya bg sarili niyang footwork.

Napakaswerte niya talaga kung tutuusin. Karamihan sa footwork na natutunan niya ay galing pa sa mga ninuno ng salinlahi ng Golden Crane City at iba pa rin kapag ikaw mismo ang mag-aaral at matutunan ang footwork ng magical beast na kakaiba.

Kada lapit sa kaniya ng Demon Fire Ox ay lumalayo naman si Wong Ming gamit ang kaniyang Shadow Steps. Habang ginagawa niya ito ay pinag-aaralan at pinagtuunan niya ng pansin ang footwork ng Demon Fire Ox na ito.

Napansin niya rin na ang apoy sa katawan nito ay hindi nanununog ng anumang bagay na tinatapakan o dinadapuan ng nag-aapoy nitong kaanyuan. Nasisiguro ni Wong Ming na nakasagupa siya ng pambihirang magical beast.

Tila hindi naman nito ramdam na tila sobrang bilis na ng galaw niya at unti-unti nitong naaadapt ang galaw ng Demon Fire Ox ngunit tila naging dahilan naman ito upang magalit ang mabangis na Demon Fire Ox.

Nakita ni Wong Ming kung paanong nag-aapoy ng malakas ang Demon Fire Ox at sa pagkakataong ito ay sumugod ito ng malakas patungo sa kaniya.

Nagulat naman si Wong Ming kung kaya't mabilis na nagbago ang kanang kamay niya at naglabas ng nagkakapalang mga yelo.

BANG!

Nabalutan naman ng nagkakapalang mga yelo ang katawan ng Demon Fire Ox at mabilis na lumayo si Wong Ming.

Muntikan na siya roon at buti na lamang ay alerto siya. Pambihirang magical beast kasi ito at hindi maaaring balewalain niya ang panganib na meron ito.

Crack! Crack! Crack!

Tila rinig na rinig ni Wong Ming kung paanong unti-unting nangabitak-bitak ang makakapal na yelong bumalot sa katawan ng Demon Fire Ox habang sa tuluyang sumabog at nagkapira-piraso ang yelong bumalot sa katawan nito.

Inaasahan na rin iyon ni Wong Ming. Kailangan niya pang pag-aralan ang mga galaw nito kung ayaw niyang mawalan ng saysay ang pagharap niya sa magical beast na ito.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagliwanag pa ng matindi ang nagbabagang mga mata ng dambuhalang halimaw na ito.

Nagliwanag ang mga intricate lines sa katawan nito habang kitang-kita ni Wong Ming kung paanong tripleng Lumaki ang katawan ng Demon Fire Ox ilang segundo lamang ang nakalilipas.

Dito napatunayan ni Wong Ming ang hinala niya, isa nga itong Soldier Beast. Mabuti na lamang at nag-iisa lamang ito kung kaya't hindi siya nangangamba.

Isang abilidad ng Soldier Beast ay ang mapag-isa. Nagtataglay ang nasabing uri ng beast na ito ng elemento at maaari itong lumakas sa mabilis na panahon.

Hindi pa ito nakakatakot dahil nasa Third Grade Magical Beast pa lamang ito pero kapag lumakas ito at naging Fourth Grade Magical Beast ito ay siguradong mangangalap na ito ng magiging alagad nitong mga kauri niya at mananalasa sa mga nilalang na nasa kapaligiran nito.

Kaya kampante si Wong Ming na matatalo niya ito dahil masyadong mababa pa ang lebel ng cultivation nito. Napangiti na lamang siya na isipin ito.