Chapter 644

Kasalukuyang nasa loob ng safe zone si Wong Ming. Kumpara sa naglalakihang mga safe zone sa mga naunang trials ay higit na malaki itong lugar na ito.

Hindi maikukumpara ang mga bagay na naririto kumpara sa mga naunang mga safe zones. Masasabi niya ngang kompleto at lahat ng mga kalahok na natira ay naririto na rin sa mga oras na ito.

Mabilis na tinago niya ang isang malaking halberd na ginawa niya. Kumpara sa nagawa niya sa nagdaang trial na halberd ay higit itong matibay. Hindi lamang iyon dahil gumawa din siya ng iba't-ibang sandata kagaya ng mga knives, sibat at pana na siyang alam niyang maayos niyang magamit ang mga ito.

Hindi inaasahan ni Wong Ming na halos nasa limang daan na lamang silang naririto. Sigurado siyang masyadong mababa ang porsyento nito kumpara sa nagdaang mga trials na ginanap dito sa Red City.

Sigurado siyang nasa plano na rin ito ng Flaming Sun Guild. Balita niya ay marami ang mga outer disciple nito at iilan lang ang mga inner disciple nito dahil sa pili lamang ang nararapat sa posisyong iyon.

Palaisipan pa rin kasi sa lahat iyon ngunit magkagayon man ay marami pa rin ang gustong makapasok dahil higit na madami ang cultivation resources nito kaysa sa ibang mga guilds.

Ngunit wala sa bokabularyo ni Wong Ming na iyon ang ipinunta niya rito upang makapasok sa Flaming Sun Guild.

Rinig narinig niya ang halos karamihan dito na gusto nilang makapasok sa Flaming Sun Guild. Karamihan sa mga ito ay gusto magkaroon ng malakas na background, magkaroon ng maraming salapi o kayamanan ngunit halos lahat ay gusto pang mas lumakas dahil makukuha nila lahat ang mga gusto nila.

Ngunit hindi naman iyon isinawalang-bahala ni Wong Ming dahil tama naman sila at hindi mali na mangarap at matupad ito.

Isa lamang si Wong Ming sa gustong makapasok sa Flaming Sun Guild ngunit masyadong malaki ang hangad niya lalo pa't gusto niyang malaman kung saan ang Devil's Clock.

Hindi naniniwala si Wong Ming na walang kaugnayan ang Flaming Sun Guild sa pambihirang orasang iyon.

Hindi namalayan ni Wong Ming na mabilis ang takbo ng oras at nagsisimula na ang huling trial.

Biglang lumitaw ang isang napakalaking portal sa harap nilang hugis parisukat.

Marami ang nauna kay Wong Ming at dahil marami-rami sila ay halos nasa kalagitnaan siya ng mga naglalakad patungo sa ikaapat na trial.

Wala siyang nabasang trial. Pero sigurado siyang mayroong magaganap na kakaiba mamaya.

Nasa tapat na ng malaking parisukat na portal si Wong Ming at wala siyang inaksayang oras na agad siyang pumasok rito.

Kitang-kita ni Wong Ming na bumabagsak siya pailalim at kitang-kita niyang nasa katubigan sila babagsak. Marami ang naghihiyawan ngunit tahimik lamang si Wong Ming dahil baka iyon pa nag ikapahamak niya.

Agad na nilihis ni Wong Ming ang babagsakan niya. Isang lawa ang babagsakan nila ngunit hindi niya tanaw ang lalim o kailaliman ng lawang ito. Malinaw ito ngunit hindi siya tiwala rito.

Hindi rin nagtagal ay bumagsak siya at rinig na rinig pa rin niya ang iba pang nag-uusap. Halos karamihan sa mga kalahok ay nakalapag na rin ngunit ang iilan ay sa katubigan at nagtatampisaw.

Kitang-kita ni Wong Ming na umilaw ang batong hawak niya at lumabas ang tatlumpong segundo maging ang objectives.

Attention:

Welcome to Golden Trails Canyon! The special stone will transform into golden badges. We'll play a Steal Life Badges game.

Objectives: Once your golden badges stole by someone and you have no life badges, you're automatically out of this trial. Having Five Golden Badges will automatically win this trial and will be transported to special place.

It's easy to get Golden Badges if you'll get rid the owner.

Enjoy the Trial!

Kitang-kita ni Wong Ming na pumatak na sa zero ang numero sa Special stone na ito na gamit noon ay isang teleportation device ngunit ngayon ay tila maiiba na naman ang layunin nito.

Biglang nagbago ang pambihirang batong hawak ni Wong Ming kung saan ay naging Golden Badge ito.

Ginamit ni Wong Ming ang Shadow Steps niya upang lumayo muna sa lugar na ito. Kitang-kita niya rin na nakabasa na rin ang lahat dahil nag-umpisa na ring magsilayuan ang mga ito habang meron na ring gustong habulin ang kapwa nila kalahok at atakehin ang mga ito.

BANG! BANG! BANG!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang mga malalakas na mga pagsabog sa lugar na kinaroroonan niya kanina.

Ilang daang metro na ang layo niya sa lugar na ito ngunit sadyang marami na rin ang nagpapatayan sa lugar na ito.

Gamit ang pambihirang talisman niya ay sinunog niya ito at lumitaw ang isang pambihirang tila transparent na salamin at pumasok siya rito.

Isang advance invisibility talisman ito. Kumpara sa normal na invisibility talisman ay madali ka lamang makikita ng kalaban mo dahil hindi nito maitatago ang amoy mo kung kaya't kapag isang magical beasts ang nakalaban mo at ginamit mo ito ay siguradong matutunton at mapapaslang ka nito. Kumpara sa invisibility talisman ay masyadong epektibo ito yun nga lang ay ilang minuto lamang ang epekto nito depende sa pagkakagawa ng mga simbolo.

BANG!

Gulat na gulat si Wong Ming sa nangyari nang muntik na siyang mataan ng mga nagtatalsikang mga atake sa kapaligiran na ito.

Inobserbahan ni Wong Ming ang lugar na ito.

Dito niya napansin na kapag napaslang mo ang nasabing kalaban mo o mga kapwa mo kalahok ay naiiwan ang mga Golden Badge/s ng mga ito.

Meron nga siyang nakitang napaslang na kalahok at tatlong Golden Badges ang nakuha ng mga ito. Ngunit nang akmang kukunin na ito ng nakapaslang na kalahok ay sumugod na rin ang iilang mga grupo ng mga kalahok.

Ang iba ay gumawa na rin ng grupo upang makakuha ng mga Golden Badges.

Meron ding nakakuha na rin ng apat na badges at naglaho na lamang na parang bula. Ganoon kadali ang manalo rito ngunit sa palagay ni Wong Ming ay swerte lamang ito dahil habang papatagal ng papatagal ay mas nagiging mahirap ang pagkakaroon ng mga Golden Badges dahil nagkagrupo-grupo ang mga ito.

Napagtanto ni Wong Ming na kahit nagkagrupo-grupo din ang mga manlalahok ay tila nagtataksilan din ang mga ito.

Kitang-kita niya kung paanong pinaslang ng isang miyembro ang lahat ng kasamahan nito sa isang hindi inaasahang atake. Talagang isa iyong napakaepektibong taktika ngunit napakamakasariling pamamaraan para manalo sa huling trial na ito.