Chapter 653

Nagkatinginan naman ang mga baguhang disipulo sa isa't-isa lalo pa't pamilyar ang mga ito sa bawat isa dahil magkakasama sila rito.

Kitang-kita naman ni Wong Ming na nagkakatinginan sila lalong-lalo na kung paano tumingin ang mga baguhang katulad nila na nasa ibang courtyad nabibilang.

Suot-suot ng bawat courtyard maging siya ang roba ng outer disciple na iba't-iba ang mga kulay ng mga ito.

Ang South Courtyard na kinabibilangan niya ay mayroong kulay berdeng roba habang may maraming mga vines na disenyo maging ang maliit na nagbabagang araw sa bandang itaas na bahagi sa kanang dibdib.

Ang West Courtyard naman ay kulay abong kulay na may disenyo ng iba't-ibang uri ng mga isda at mayroong maliit na nagbabagang araw sa bandang itaas na bahagi sa kanang dibdib.

Sa North Courtyard naman ay kulay ube. May disenyo ito ng iba't-ibang mga uri ng mga magical beast habang kagaya ng ibang mga courtyard ay mayroong maliit na nagbabagang araw sa bandang itaas na bahagi sa kanang dibdib.

Sa East Courtyard naman ay kulay dilaw ang robang suot ng mga ito. Mayroong disenyo ng maliliit na mga bulaklak at mga namumulaklak na mga puno na mayroong maliit na nagbabagang araw sa bandang itaas na bahagi sa kanang dibdib.

"Magandang araw muli sa lahat. Hindi ko na patatagalin ang lahat dahil nais kong simulan na natin ang Courtyard Friendly Match!" masayang wika naman ng MC habang makikitang kahit ito ay nagagalak na rin. Hindi niya aakalaing isang Core disciple ang mangungunang host sa gagawing okasyong ito.

Palakpakan at mga hiyawan ang maririnig sa lahat na halatang nagche-cheer ang mga ito sa kanilang mga pambato. Halatang masasabing isa itong magandang senyales na magkakaroon ng magandang palabas mula sa mga oras na ito.

WOO! WOO! WOO!

Kitang-kita kung paano'ng biglang nagliwanag ang buong circular platform at isa-isang natransport ang mga baguhang disipulo sa isang kakaibang lugar.

...

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang sirang daungan o port kung tawagin. Hindi alam ni Wong Ming kung para saan ang lugar na ito ngunit agad na tiningnan niya ang itim na pulseras niya na ibinigay ng nag-assist sa kanila sa stage kanina.

Lumitaw ang patungkol sa buong mechanic ng Courtyard Friendly Match na ito.

Isang elimination game ang mangyayari. Ang sinasabing Friendly Match ay talagang ubusan ng player ng bawat courtyard.

Nakakalat ang bawat courtyard players sa iba't-ibang parte ng lugar na ito na inihanda ng kanilang Flaming Sun Guild.

Dito rin magkakaalamanan kung kaya nilang mag-adapt sa nasabing Friendly Match na ito ng bawat courtyard.

Alam niyang sa unang parte ng game na ito ay kailangan niyang gumawa ng plano o strategy upang manalo sa kompetisyong ito.

Ang una niyang naisip ay kalapin ang mga south coutyard members niya.

Sa game na ito ay kailangan niyang paghandaan ang nalalapit na paghaharap nila sa huling bahagi ng math na ito.

Maraming mga bagay na maituturing na kayamanan sa loob ng lugar na ito lalong-lalo na ng mga sandatang maaaring gamitin ng bawat kalahok rito.

Talagang pinaghandaan ang nasabing friendly match na ito at bawat courtyard players na naririto ay mata-transport pabalik sa labas ng game sa mismong circular platform.

Gamit ang sariling kakayahan ni Wong Ming ay nag-umpisa na siyang maglakad-lakad habang maingat na binabaybay ang direksyong patutunguhan niya. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat.

Paano ba naman ay may mga nakatanim na mga traps at mga panganib sa lugar na ito kung kaya't kapag nangyaring makatapak siya o matrap siya ay siguradong malaking disadvantage ito para sa kanila.

Ayaw namang isipin ni Wong Ming na magiging madali ito at kailangan talaga ng mabuting pagpaplano. Ang una niyang siguraduhin ay kailangan niyang iligtas ang sarili sa maaaring panganib o suliraning kahaharapin niya mamaya.

Lakad-takbo ang ginawa ni Wong Ming. Isang isolated place itong lugar na ito at halos napuno na ng mga maberdeng puno't talahiban ang lugar na ito na halatang napabayaan na ng panahon dahil sa hindi niya pa malaman kung bakit nangyari ito.

Masasabi ni Wong Ming na ito ang unang pagkakataon na makatapak siya o lumahok sa kompetisyong ito na malapit sa katubigan. Literal kasi na nasa malawak na karagatan sila habang nasa boundary ito ng kalupaan.

Kung sinaunang port ito na inabandona ay alam niyang malalim ang katubigan rito at siguradong maraming mga magical beasts rito.

Shrriiiieeekkkkk!

Napatingala naman si Wong Ming nang mapansin sa hindi kalayuan ang huni ng isang mabagsik na ibong parang may hinahabol ito o target.

Hindi kaagad dumiretso si Wong Ming sa lufar na iyon. Kailangan niyang mag-ingat kung kaya't napagdesisyunan niyang ilihis ang direksyon niya at tumungo sa isang sirang gusaling nakatayo pa rin.

Isa sa maaaring mangyari niya ay malaman ang aerial view ng lugar na kinaroroonan niya. Ayaw niyang magpabugso sa damdamin niyang kaharapin ang mga kapwa niya players sa lugar na ito.

Maingat ang pagpasok ni Wong Ming sa loob ng gusaling ito habang mabilis nitong ginapang ang haliging nakapahalang.

Medyo nahirapan si Wong Ming nang malapit na siya sa pinakatuktok nito dahil puro mga bakal lamang na alam niyang medyo kinakalawang na.

Kahit ganoon pa man ay pinilit niyang ibalanse ang sarili upang makarating sa dulo habang kinokontrol ang bigat niya na walang ginagawang anumang ingay.

Thump!

Rinig ni Wong Ming ang medyo may kalakasang pagkakabagsak niya matapos niyang mag-glide sa mga metal at sa huli ay in-swing niya ang sarili niya bago tumalon sa dulong bahagi ng nawasak na gusali.

Doon ay namangha si Wong Ming sa view lugar na kinaroroonan niya. Hindi man ito ang pinakamataas na parte ngunit sapat na ito upang malaman ang hiyograpiya at pormasyon ng lugar na ito sa pamamagitan ng aerial view.

Marami siyang nakitang mga nilalang na nasa paligid. Karamihan sa mga ito ay mga magical beasts.

Hindi inaasahan ni Wong Ming na hindi lamang kapwa players na nasa iba't-ibang courtyard ang makakalaban niya kundi maging ang mga mababangis na halimaw na ito.

Tiningnan niya kaagad ang direksyon ng pinagmumulan ng naganap kanina na disturbances.

Kulay abo ang robang suot ng nilalang na ito habang nakikipaglaban sa malaking ibong na napakabangis.

Tumatalon-talon ito na halatang tumatakas ngunit sinusundan ito ng nasabing magical beast.

Ramdam ni Wong Ming na malakas ang ibong ito yun nga lang ay nasa Third Level Beast ito. Ang tanging disadvantage lamang ay lumilipad ito kaya kahit atakehin nito ay maliksi itong umiiwas.

"Matalino rin pala ang North Courtyard Disciple na ito. Bakit kaya hindi pa ito subukang lumipad para mapaslang na ito ng iba pang magical beasts hayyyst!" Ang tanging nasambit lamang ni Wong Ming habang makikitang umupo na lamang habang inobserbahan ang buong kapaligiran niya.

Halata niyang maliit na tsansa lamang na manalo ang nasabing player na ito sa dambuhalang ibong agresibong hinahabol ito.

Hindi na kailangang paslangin ito ni Wong Ming. Kailangan niyang isecure ang lugar na ito bago siya unti-unting maglakbay.

Ano pa ang silbi ng pagpunta niya sa mataas na lugar na ito kung hindi ang kabisaduhin ang lugar na ito bago siya maghanap ng mga kapwa niya south coutyard disciples.