Chapter 661

Nalaglag si Wong Ming sa isang bangin ngunit hindi naman naging dahilan iyon upang mapaslang siya.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa gilid ng sapa. talaga nga namang minamalas siya ngayon ngunit hindi naging dahilan iyon upang mawalan siya ng pag-asa.

Gamit ang sariling kakayahan ay nagcultivate muna siya bago siya umakyat sa kabilang bahagi ng bangin.

Ilang oras na ang nakalilipas at masasabi niyang naging makabuluhan ang paglalakbay niyang ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Kitang-kita ni Wong Ming ang paglipad ng dalawang nakasuot ng berdeng roba na siyang patungo sa isang direksyon. Bago pa siya mapag-iwanan ng mga ito ay mabilis siyang nagwika.

"Hintay!" Malakas na sigaw ni Wong Ming bago kumaway-kaway sa mga kasamahan nito.

Agad namang napatigil ang mga ito pagkakitang-pagkakita ng mga ito kay Wong Ming. Nakitang nagulat ang mga ito sa presensya ng binata.

"O ikaw pala Wong Ming. Napano ka?!" Tanong ng isang disipulong ka-courtyard niya. Sa kaayusan nito ay alam niyang ito si Assassin Helm. Paano ba naman kasi ay isang assasin talaga ito na mayroong cultivation level na Early Purple Heart Realm Expert.

"Wait? Galing ka sa ilalim ng bangin? Anong ginagawa mo roon?!" Nakakunot na wika ng babaeng ka-courtyard nila na si Blazing Fan na hango rin sa kakaibang pamaypay na siyang pangunahing sandata nito. Ang cultivation level nito ay Late Purple Blood Realm Expert.

Agad namang napag-isip-isip ni Wong Ming ang dapat niyang sabihin. Hindi naman siguro pwedeng magtiwala siya rito ng lubusan at mas lalong hindi maaaring sabihing napaslang niya ang isang Fifth Grade Magical Plant na Water Sprouting Vines dahil baka ganid pa ang mga ito.

"A-ah eh, na-corner ako ng dalawang manlalahok na nasa Late Purple Blood Realm Experts ang cultivation level nila kung kaya't wala akong pagpipilian kundi ang magpalaglag sa bangin!" Seryosong wika ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na parang natatakot.

"Mabuti naman kung gayon at nakaligtas ka. Alam mo namang kailangan nating manalo. Hindi maaaring maging talunan tayo!" Ang tanging nasambit ni Assassin Helm at mabilis itong nagpatuloy sa pagtatalon-talon sa mga puno.

"Tama si Assassin Helm, Little Devil. Hindi maaaring maging talunan tayo palagi. Nire-representa natin ang ating North Courtyard kung kaya't natitiyak kong sa mga oras na ito ay nagtitipon ang mga ito sa isang malawak na lugar sa isang malaking Flaming Sun Guild Tower!" Saad naman ni Blazing Fan at mabilis na nagtransform ang hawak nitong fan sa mas malaking bersyon nito.

Sumakay na rin ito habang nagwikang muli."Di ka ba sasakay?!"

Agad namang sumakay si Wong Ming sa itaas ng nasabing malaking pamaypay na pagmamay-ari ni Blazing Fan na napatango na lamang. Halatang gusto nilang manalo sa Courtyard Friendly Match na ito.

Hindi maaaring maging madaldal siya. Alam niyang wala rin namang saysay kung ikwento niya ang mga bagay na ito lalo na sa nangyari sa kaniya sa loob ng lugar na ito.

Agad na tiningnan ni Wong Ming ang kaniyang itim na pulseras. Doon ay lumitaw ang objectives.

Tama ngang kailangan nilang pumunta sa Flaming Sun Guild Tower. Iyon ang lugar na pagdadausan ng huling bahagi ng trial.

Tiningnan niya ang kaniyang itim na pulseras matapos niyang mahulog sa bangin ngunit mukhang lilitaw lang ang nasabing objectives kapag mayroon siyang kasamahang galing sa kaparehong courtyard.

Hindi namamalayan ni Wong Ming na paparating na sila sa mismong Flaming Sun Guild Tower.

Mula sa hindi kalayuan ay natigilan si Assassin Helm at ang malaking pamaypay na sinasakyan nila ni Blazing Fan maging ni Wong Ming.

Wala silang makikitang nilalang malapit sa Flaming Sun Guild Tower na mukhang artificial lamang.

Halatang bagong gawa lamang ito.

Itinaas ni Assassin Helm ang kanang kamay nito. Napakapambihira kasi ng lugar na ito.

Ting!

Rinig ni Wong Ming na sabay-sabay na tumunog ang nasabing itim na pulseras na hawak nila.

Ganon na lamang ang pagkabigla ni Wong Ming sa kaniyang sariling nabasa.

Final Objectives:

Who gets the Four Element Fruit will win this Courtyard Friendly Match!

Good Luck!

Iyon ang nabasa ni Wong Ming nang mapansin niyang naghahanda na ang mga kasamahan niya at mas lalong naging alerto sila sa maaaring mangyari.

WOOOOOOOOOOO!!!!!

Isang malakas na tunog ang narinig ni Wong Ming na nagmula sa Flaming Sun Guild Tower

Kitang-kita niya sa itaas ang isang dambuhalang prutas.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay isang Fifth Level Fruit iyon na tinatawag na Vermilion Fruit.

Kakaiba ang hugis at panlabas na tekstura ng nasabing prutas. Hugis oblong ito na mayroong mga tila spikes na disenyo.

Nakalutang ito dahil sa protective barrier na nakalagay sa nasabing Vermilion Fruit.

Hindi mapigilan ni Wong Ming na magalak sapagkat ang prutas na ito ay masasabing mainam sa isang Golden Realm Expert na katulad niya.

Kung mapapasakaniya ito ay siguradong mas lalong lalakas ang pangangatawan niya katulad ng isang Vermillion Bird.

Ngunit naalala ni Wong Ming na kinakailangan ng napakaraming prutas na ito para magawa niya iyon ngunit kahit isa man lang nito ay siguradong malaking tulong na rin upang maisagawa niya iyon.

Napakabihira pa naman ng prutas na katulad ng Vermilion Fruit. Kahit saang lupalop siguro ng buong Red City ay siguradong iilan lamang sa mga lugar rito ang may kakayahang tumuno ang nasabing Vermillion Tree at siyam lamang na prutas ang maaaring maging bunga nito.

Paano ba naman na tinawag itong Vermilion Fruit ay dahil sa mala-dugo nitong kulay na kasing pula ng mga balahibo ng isang Vermilion Bird.

May iba't-ibang klase ng Vermilion Fruit at mayroong iba't-ibang rank ang mga ito. Masasabi niyang nasa Middle Ranking itong prutas na ito.

Nakakita na siya ng Vermilion Fruit na nasa pangangalaga ng Elders ng Golden Crane City at tanging ang mga high officials lamang at mga talentadong mga anak nila ang maaaring mag-consume nito.

Dahil paborito siyang pagdiskitahan ng mga ito ay malamang ay hindi niya man kailanman nahawakan ang nasabing pambihirang Vermilion Fruit na iyon.

Sigurado siyang mas mataas ang kalidad nito kumpara sa Vermilion Fruit na tanaw na tanaw niyang nasa itaas lamang ng Flaming Sun Guild Tower.

Magkagayon pa man ay gusto pa ring makuha ni Wong Ming ang nasabing Vermilion Fruit na ito dahil ito rin ang magiging patunay na nanalo sila.

Namilog ang mga mata ni Wong Ming nang may maalala siya.

Isa sa pangunahing katangian ng Vermilion Fruit ay ang kakaiba ngunit matapang na amoy nito na siyang kumakalat sa paligid. Kaya alam niyang hindi lamang sila ang magkokompetensiya sa Vermilion Fruit na ito dahil mukhang ang mga magical beasts sa kanilang mga paligid.

Kitang-kita niya kung paanong nagkaroon na ng komprontasyon ng mga disipulo na nagmula sa iba't-ibang courtyard habang sila ay tahimik lamang na nagmamasid.