Chapter 664

Ang mga manonood ay tila nagkaroon ng malaking komosyon lalo na noong napanood nila kung paanong nagkaroon ng lamangan at trayduran sa loob ng Courtyard Friendly Match.

Hindi lubos maisip ni Wong Ming na ang mga bagay na ito ay tila ba naging hudyat upang hindi maging maganda ang takbo ng friendly match.

Nagulat naman ang lahat ng mapanood ang resulta ng labanan nang umeksena na sa huling tagpo ang isang binata at iyon ay si Little Devil.

Pinatumba niya ang mga kalaban niya sa pamamagitan ng malinis na taktika kahit na matataas ang mga cultivation levels ng nakalaban nitong West Courtyard Disciples.

Hindi maisip ni Wong Ming na nakuha siyang hangaan ng mga Inner Disciples, Core Disciples maging ng mga Maestro. Ang mas humanga pa sa ipinakita nitong performance sa Courtyard Friendly Match ay ang mga Vice-Guild Masters at ang mismong Guild Master Zhiqiang ng Flaming Sun Guild.

Kitang-kita ang satisfaction sa mga mata ng mga ito.

Agad na sinenyasan ng isang Vice-Guild Master si Punong Maestro Duyi na nasa hindi kalayuan na nakaupo.

Agad namang nakuha nito ang ibig sabihin ng Vice Guild Master at lumapit ito sa pwesto ng Guild Master at ng mga nakaupong Vice-Guild Masters.

"Magandang Araw po Guild Master at mga Vice Guild Masters, Ano po ang aking maipagkakailang sa inyo?!" Magalang na wika ni Punong Maestro Duyi na makikita ang pagtataka sa sinabi nito. Nagbigay galang pa ito sa pamamagitan ng pagyukod sa harap ng mga ito.

"Kilala mo ba ang Little Devil na ito? Hmmm, hindi ko aakalaing malakas ang loob nitong labanan ang dalawang malalakas na kalaban nito hahaha..." Natutuwang saad ng Guild Master Zhiqiang na kakikitaan ng kasiyahan sa mukha nito.

Nagulat naman si Punong Maestro Duyi maging ang iba pang Vice Guild Masters sa kanilang sariling nasaksihan. Malungkutin at sinasabing aloof ang Guild Master Zhiqiang sa mga disipulo.

Kailanman ay hindi na ito nakuhang ngumiti noong yumao na ang pinakamamahal nitong asawa. Tanging ang mga anak nitong may kaniya-kaniya ng buhay sa malayo ang masasabi niyang kapamilya nito.

"Ah eh, o-opo naman Guild Master. Sa katunayan nga niyan ay maganda ang resulta ng pagkapasok nito sa loob ng huling isinagawang recruitment trial natin." Magalang na sagot naman ni Punong Maestro Duyi na kakikitaan ng kaseryosohan sa tono ng pananalita nito.

"Ganon ba? Hmmm... Kapansin-pansin nga matalino, maliksi at tila magaling sa mga taktika. Hindi man ito malakas at masyadong mababa ang cultivation level nito ay napabilib ako sa ginawa nito hahaha!" Masayang tugon ng Guild Master Zhiqiang kay Punong Maestro Duyi.

Hindi maipagkakailang nagustuhan ni Guild Master Zhiqiang ang simpleng tricks ng binatang nagngangalang Little Devil. Masasabi niyang hindi ito malakas ngunit ang kalakasan nito ay ang pag-iisip nito ng malawak.

Maya-maya ay nakita nila ang isang binatang bigla na lamang lumitaw sa gitna ng Circular Platform.

Ito ay walang iba kundi si Wong Ming.

Makikitang mayroon itong natamong mga sugat ngunit minor injuries lang naman.

Natahimik ang lahat ngunit maya-maya lamang ay malalakas na hiyawan ng mga ka-South Courtyard Disciples nito. Halatang maging ang mga ito ay nasiyahan at nagbunyi sa tagumpay na iniuwi ng binatang si Little Devil.

Halos magiba ang nasabing lugar na ito dahil sa malalakas na mga cheering dahil gusto nila ang nangyayari.

Pumalakpak naman at nagkaroon din ng malalakas na hiyawan sa iba pang mga courtyards. Halatang marami ring humanga kay Wong Ming dahil sa ipinakita nitong determinasyon at tapang upang harapin ang mga kalaban nito.

Talagang sinampal sila ng katotohanan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay pataasan ng cultivation level ang labanan dito o paramihan ng kakamping mga kapwa nila manlalahok kundi ay andun din ang talas ng pag-iisip ng mga taktika at determinasyon upang mapagtagumpayan ang kinakaharap nilang mga trials.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Wong Ming at nagsimula ng magsilapitan ang lahat ng kalahok ng mga South Courtyard.

Nakangiti namang tiningnan ni Wong Ming ang mga kasamahan nito. Mababait naman talaga ang mga ito ngunit nag-iingat lang si Wong Ming sa mga taong nasa paligid niya. Ayaw niyang magtiwala at baka maapektuhan siya kung sakaling traydurin siya ng mga ito.

"Ang galing mo Little Devil! Hindi ko aakalaing magagawa mong patumbahin ang dalawang nilalang na iyon!" Papuri ni Assassin Helm nang makarating ito sa kinaroroonan nito sa tabi ni Little Devil.

"Oo nga, napabilib mo ko sa tapang mo. Talagang hindi maganda ang paghingi ng tulong sa mga traydor na yun!" Tila inis na wika ni Blazing Fan na tila hindi pa nito nakalimutan ang nangyari kanina na patalikod silang inatake ng mga ito.

"Tama na nga yang gigil mo Blazing Fan. Lubos-lubusin natin itong tagumpay natin I mean tagumpay na binigay ni Little Devil hehehe!" Natatawang saad ni Assassin Helm na kakikitaan ng saya sa mukha nito.

Naging masaya at makabuluhan ang pagtatapos ng Courtyard Friendly Match. Masasabing lahat ay nag-enjoy talaga lalo pa't maraming mga palabas at mga inihandang mga surpresa ang bawat courtyards.

Hindi naman talaga literal na magkaaway ang mga courtyards. Sadyang mayroon lang kompetisyong nangyayari lalo na kung malapit na ang mga malalaki o mahahalagang okasyong dinadaus ang mga ito.

Hindi na napansin ng lahat ang oras at natapos na rin ang nasabing kasiyahan noong malalim na ang gabi. Lahat ay nag-enjoy pero mas naging kapansin-pansin na ang nanalong courtyad na walang iba kundi ang South Courtyard lalo na si Little Devil.

Naglalakad na si Wong Ming pauwi at alam niyang marami siyang napanalunang mga papremyo.

Medyo hindi pa rin siya komportable sa pagkapanalo niya ngunit ipinapangako niyang mas gagalingan niya pa lalo upang manalo pa siya dahil sa sarili niyang lakas.

Alam niyang puspusan rin ang ginagawang paghahanda ng mga kapwa niya disipulo dahil ang kompetisyong ito ay walang kaibi-kaibigan ito lalo na't bawat isa ay gusto ring makapasok sa rankings at maging isang ganap na inner disciples.

Ang iba ay nagsasabing hindi na nila gugustuhin pang maging Inner disciples ngunit ang totoo niyan ay gusto talaga nila ngunit wala pa silang sapat na kakayahan upang gawin ito.

Isang taktika ito upang linlangin at mas mabuting bigyan ng negatibong impact ang isang cultivator na katulad niyang baguhan.

Base sa obserbasyon niya ay mukhang hindi na gagana ang mga simpleng tricks na ginamit niya sa mga kalaban niya dahil libo-libo ang mga bilang ng lahat ng mga outer disciples kung kaya't natitiyak niyang hindi magiging madlai ang nasabing ranking.

Kung mahirap ang Courtyard Friendly Match ay mas mahirap pa lalo ang Courtyard Group Battle na mas mabuting sabihing Inner Disciple Trial Rankings.

Mayroong Top 100 na mga kalahok ang maaaring magrank at sa libo-libong miyembro rito ay siguradong hindi magiging madali ang lahat.

Nagkaroon ng kanselasyon ang nasabing Inner Disciple Trial Rankings dulot ng pagbabago sa lokasyon. Gaganapin ito dalawang buwan mula ngayon. Parang nagkaroong isang buwan pang preparasyon dahil karaniwan ay kada apat na buwan at tatlong beses lamang nangyayari ito kada taon kung hindi mali ang pagkakaintindi ni Wong Ming.

Para kay Wong Ming ay pabor ito sa kanilang mga baguhan ngunit alam niyang walang sinumang mga baguhan ang nagra-rank sa Inner Disciple Trial Rankings.

Ang mga beterano't malalakas na mga outer disciples lamang ang karaniwang nasa rankings ng Top 100 Disciples.

Ngunit para kay Wong Ming ay isa itong hamon. Isang hamong dapat niyang lampasan.

Hindi nakaligtas kay Wong Ming ang patalikod siyang pinagkukwentuhan ng mga outer disciples habang iniinsulto siya ngunit mayroon ding ipinagtatanggol siya na nauuwi sa sarkastikong tawanan ng mga ito.

Hindi niya aakalaing hindi siya naging threat sa mga ito sa gaganaping Inner Disciple Elimination Trial Rankings dahil sa pambata lamang nitong mga tricks which is tanggap naman ni Wong Ming.

Mas naging kampante si Wong Ming sa mababaw na kaisipang ito ng mga kalaban niya. Dahil kahit ang hamak na katulad niya ay nakakapuwing din.

Katulad ng pagkapanalo niya ay hindi rin ito inaasahan ng mga nakalaban niya. Ganon din ang gusto niyang mangyari sa gaganaping Inner Disciple Trial Rankings.