Chapter 668

Kitang-kita nito kung paanong nagpakawala ng malakas na enerhiya sa floating islands na ito si Punong Maestro Duyi na sigurado siyang aware na ang lahat ng mga nilalang na miyembro ng Flaming Sun Guild.

Madaling magalit ang Punong Maestro Duyi at kapag nagalit ito ay hindi ito mapipigilang mag-alboruto.

Agad naman niyang nakita ang binata na nakasuot ng lumang roba. Pamilyar ang mukha nito, hindi siya nagkakamali, ito ang Little Devil na nanalo sa Courtyard Friendly Match.

Sa tingin niya ay nakuha ng binatang ito ang respeto ng halos lahat ng mga opisyales lalo na ng Guild Master at ng mga Vice-Guild Masters kung kaya't halos tumaas ang dugo niya sa kaniyang sariling nalaman.

Mga tanga talaga ang dalawang bantay na pinagtutulungan pa ata ng mga itong atakehin ang binatang ito na mainit sa mata ng mga opisyales dahil sa pagkapanalo ng courtyard nila.

Mukhang pinagsuspetyahan pa ng mga ito na masamang nilalang ang binatang ito. Mga walang pag-iisip. Kapag nakarating ito sa Guild Master at Vice-Guild Masters ay siguradong madadamay siya sa imbestigasyon kapag pinalaliman nila ang ganitong pangyayari.

Kitang-kita naman ang labis na pagsisisi ng mga bantay sa ginawa nila ngunit wala siyang paki sa mga ito.

Agad na nilapitan niya ang binatang iyon at nilapatan ng lunas ang mga pasa nito sa tuhod at braso.

Kahit na tinanggihan ito ni Little Devil ay nagpumilit pa rin ito.

Nakita naman ni Wong Ming na may inilabas ang Chief Guard mula sa interspatial ring nito na isang nakarolyong papel at ibinigay ito kay Wong Ming.

"Ako nga pala si Chief Guard Zhang. Pagpasensyahan mo na sila Little Devil, hindi ko aakalaing ganito kalala ang gagawin nila sayo. Ako na ang humihingi ng pasensya. Itong hawak ko ay isang mapa, siguradong malaki ang pakinabang nito habang naglalakbay ka sa loob ng Smew Valley." Seryosong sambit ng Chief Guard na nagngangalang Zhang daw. Masasabi ni Wong Ming na bukal sa loob nito ang paghingi ng paumanhin.

Malugod namang tinanggap ito ni Wong Ming ang nasabing mapa at masasabi niyang napakadetalyado nito.

Alam ni Wong Ming na napaka-accurate nito. Kopya lang naman ito kung tutuusin ngunit masasabi niyang magandang bagay din ito upang hindi siya mahirapan kung ano ang gusto niyang kunin na mga Cultivation resources.

"Maraming salamat po Ginoong Zhang. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ito." Nakangiting turan ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi nito naisip na ilaglag si Chief Guard Zhang at kitang-kita niya rin na may pagpapahalaga ito sa mga bantay maging sa katulad niyang isang hamak na outer disciple lamang.

"Ano ba ang gusto mong kunin binata? Magical Beasts ba na mount? Cultivation Herbs? Cultivation fruits o iba pa? Matutulungan kita diyan." Game na game na wika ni Chief Guard Zhang habang makikitang masaya itong kakuwentuhan si Wong Ming.

"Ah eh, kahit ano pero mas maganda kung yung mga pambihirang mga bagay. Ano ba ang maire-rekomenda mong mga pambihirang bagay na nasa loob ng Smew Valley?!" Seryosong tanong ni Wong Ming habang kaharap nito si Chief Guard Zhang.

"Ah eh, mukhang hindi mo natatanong, ang Smew Valley ay mayroong mga pambihirang bagay na maaaring makuha rito na makakabenepisyo sa isang martial artists na may Cultivation level na Golden Realm pababa." Pagmamalaking wika ni Chief Guard Zhang habang makikitang masaya ito. Halatang marami itong nalalaman patungkol sa Smew Valley.

Napaisip si Wong Ming kung gayon ay kukunin niyang mga pambihirang mga cultivation resources ay magbebenepisyo sa Cultivation level niya na Golden Vein Realm.

Natuwa si Wong Ming dahil mukhang hindi magtatagal kung suswertehin ay mabe-breakthrough ito sa Middle Golden Vein Realm. Mahirap ang pagbe-breakthrough sa Cultivation level na Golden Realm.

Kinakailangan ng matataas na uri ng cultivation resources ito para magbreakthrough siya.

Napakabihira pa naman ng cultivation resources na ganito kataas kung kaya't natitiyak niyang hindi magiging madali ang lahat.

"Ganon ba, kung gayon ay saan makukuha ang mga pambihirang bagay na iyon?" Simpleng tanong ni Wong Ming habang kitang-kita na nagtataka ito.

"Ito ay sa hilagang bahagi ng Smew Valley at sa timugang bahagi nito dahil iyon ang pinakamasukal ba parte. Alalahanin mong maraming mga cultivation herbs sa paligid ngunit ang mga naglalakasang mga cultivation resources ay binabantayan ng naglalakasang mga magical Beasts kung kaya't binabalaan kitang mag-ingat at mas mahalaga ang iligtas mo ang sarili mo sa maaaaring panganib na kakaharapin mo." Seryosong turan ni Chief Guard Zhang habang pinapaalala nito ang mga bagay-bagay lalo na ang kahalagahan ng buhay nito kung sakaling subukan niyang makakuha ng matataas na uri ng mga Cultivation resources.

"Maraming salamat Chief Guard Zhang sa mga paalala mong ito lalo na ang pagbahagi ng kaalaman mo sa akin. Tatandaan ko ang mga mahahalagang bagay na ibinahag mo sa akin." Ani ni Wong Ming habang kitang-kita na nagpapasalamat talaga ito.

"Walang anuman Little Devil. Alam kong makakatulong ito sa iyo upang mag-ingat. Alam kong ilang mga taon lamang mula ngayon ay magiging ganap na inner disciple ka na rin." Simpleng sambit ni Chief Guard Zhang habang makikitang ayaw nitong i-pressure ang binatang si Wong Ming.

Alam ni Wong Ming na maganda ang intensyon ni Chief Guard Zhang at sinabi niya siguro ito upang balaan siya sa maaaring panganib sa bahagi ng Timog at Hilagang parte ng Smew Valley.

Nag-usap pa sila ng mga bagay-bagay hanggang sa napagdesisyunan na ni Wong Ming na dumaan na sa malaking tarangkahan patungo sa Smew Valley.

Dito ay napansin ni Wong Ming na walang katao-tao rito at napakaraming mga cultivation herbs dito ngunit masasabi niyang mga ordinaryo lamang.

Hindi nagkakamali si Wong Ming na ang Smew Valley na ito ay isang Cultivation Place kung maituturing.

Mayayabong na mga puno, napakaraming mga cultivation resources na nakakalat lamang sa kapaligiran ngunit tila walang nagbabantay rito.

Tunay ngang isang paraiso kung maituturing ito.

Masasabi ni Wong Ming na ang lugar na ito ay mayaman sa natural na enerhiya ng langit at lupa.

Maraming mga magical Beasts siyang nakikita ngunit puro mga herbivores lamang ang mga ito. Nangangahulugan lamang na not aggressive ang mga ito at katulad ng mga Flying Red Horses ay pwede ding mount ang mga ito.

Natuwa naman si Wong Ming na isiping gusto niyang manatili rito ngunit nasa pangangalaga ito ng Flaming Sun Guild kung kaya't natitiyak niyang hindi ito lugar upang mainam na tirahan ng mga taong katulad niya.

Isang sanctuary kung maituturing ito dahil protected area ito ng Flaming Sun Guild.

Napagdesisyunan niyang maglakad-lakad muna upang malaman niya ng personal ang nasabing lugar na ito sa Smew Valley.