Chapter 670

Hindi naman siya yung taong pakialamero ngunit ang pagkakaroon ng bronze coffin dito ng isang di pa kilalang yumaong Demon Orc ay isang masamang senyales.

Kahit napaslang kasi ito ay ang demon blood nito ay matagal bago ito mawalan ng bisa.

Dahil dito ay maaaring magkaroon ng epidemya sa mundo nila at ang pagkabunyag ng mga demonyo ay maaaring magdulot ng pagkatuklas ng lahat sa pag-exist ng isang mundo, ang Demon World.

Dalawang mundo na ang alam ni Wong Ming liban sa mundo nila. Alam niyang ang mundong kakaiba na pinuntahan niya noon ay nakahiwalay iyon. Mundo na nasa pagitan ng tubig iyon na nasa Dou City kung saan niya nakuha ang Water Esk na sugatan.

Ewan ba niya, nalilito na siya.

BANG! BANG! BANG!

Todo sangga at depensa lamang ang ginagawa ni Wong Ming. Kahit wala sa kontrol ang nilalang na kinakalaban niya ay hindi niya maipagkakailang malakas ito.

Mabilis na kinuha ni Wong Ming ang isang talisman. Bigay ito ng amain niya.

Pangkaraniwan man lang ito sa Golden Crane City ngunit alam niyang makakatulong ito sa kaniya.

Walang pag-aalinlangan niyang nilapitan ang mutated demon orc na ito at dinikit sa noo nito.

Doon ay tila hindi gumagalaw ang nasabing Mutated Demon Orc.

Isa lamang kasi ang paraan nito upang malaman ang gusto niyang malaman.

Lumapit siya sa isang bronze coffin at doon niya napansin na selyado pa ang bronze coffin.

Ngunit natigilan si Wong Ming nang mapansing tila gumagalaw ang maliliit na mga simbolo na nakaukit sa bronze coffin habang nakahimlay ang isang lalaking may mahabang buhok na nakasuot ng kakaibang uri ng roba na kulay asul na may mga letra na kung hindi siya nagkakamali ay napakapamilyar sa kaniya.

Elemental Demon!

Iyon ang pumasok sa isipan ni Wong Ming nang mapansin niyang tila hinila ang sarili niya patungo sa consciousness niya.

Dami, hindi ito madami lamang dahil sobrang dami ng mga simbolong nakalutang sa ere na nakapalibot kay Wong Ming.

Hindi tanga si Wong Ming para hindi malaman ang ganitong klaseng kaganapan.

Isang Slave Seals ito upang maging katulad din ni Wong Ming ang nakalaban niya kanina.

Naiisip pa lamang ni Wong Ming ang kaganapang mangyayari sa kaniya maya-maya lamang ay hindi siya makakapayag.

Napangisi na lamang si Wong Ming dahil aa pangyayaring ito.

Siya ay masi-selyado ng isang hamak na slave seal na ito? Hindi siya papayag!

Kitang-kita kung paano'ng nagbago ang anyo ni Wong Ming bilang isang Ice Demon.

Nakakatakot ang kaanyuang ito ni Wong Ming. Alam niyang hindi na siya purong tao dahil humalo na ang pagiging lahing tao at lahing demonyo niya.

Noong una ay aaminin ni Wong Ming na nag-aalinlangan siya ngunit ngayon ay alam niyang isang malaking advantage sa kaniya ang pagiging kalahating demonyo.

Gamit ang kamay ni Wong Ming ay kinontrol niya ang slave seals na nakapalibot sa kaniya. Aaminin niyang napakalakas na slave seals ito at alam niyang kahit ang mutated demon orc na iyon ay isang Golden Realm Expert iyon ngunit nabigo itong protektahan ang sarili laban sa slave seals.

Ngunit iba siya. Napag-aralan niya ito at alam niyang Elemental Demon din ang gumawa nito.

Hanggang sa nakita ni Wong Ming na nasa kamay niya na nakalutang ang mga slave seals.

Walang pag-aalinlangan niya itong pinasabog sa kamay niya.

BANG!

Dito nakumpirma ni Wong Ming na hindi siya tinatablan ng slave seals na ito.

Ginawa lamang ang slave seals na ito para sa mga mahihinang nilalang lalo na sa katayuan ng mga tao't walang alam sa demonic seals.

HAHHHH!!!

Malakas na napahinga si Wong Ming nang malalim. Tila nalunod siya sa hindi malamang dahilan.

Napabukas si Wong Ming ng kaniyang sariling mga mata. Malakas ang impact nito sa katauhan ni Wong Ming.

Hindi niya alam na ganon kalakas ang slave seals na iyon na hinila siya patungo sa malawak na consciousness niya.

Agad na tiningnan niya ang mga simbolong nakaukit sa bronze coffin at dito niya napagtanto na mahimbing na natutulog ang isang lalaking nakasuot ng kulay asul na roba.

Tiyak niyang isang Elemental Demon ito dahil sa kaanyuan nito.

Walang pag-aalinlangan na ipinawalang-bisa ni Wong Ming ang mga selyong nakaukit sa paligid ng bronze coffin na ito.

Alam niyang espesyal rin ang transparent glass na siyang kitang-kita niya ang nasa loob nito.

Tick!

Kitang-kita ni Wong Ming na kusang bumukas ang bronze coffin na ito kasabay ng pagkatumba ng nakalaban niyang nilalang.

Hindi na nagtaka si Wong Ming rito. Napawalang-bisa niya na ang selyo kung kaya't wala na ring dahilan upang makontrol pa ang namayapang mutated demon orc na isang lahing tao.

Bahagyang napaatras si Wong Ming nang mapansin niyang tila may kakaiba siyang nararamdaman sa paligid niya.

Panganib!

Iyon ang unang salitang naiisip niya.

Ramdam niya ang pag-alpas ng napakalakas na enerhiyang nagmumula sa nakahimlay na nilalang na kasalukuyang nakatingin sa kaniya ng masama.

Walang pag-aalinlangan na ginamit ni Wong Ming ang kaniyang shadow steps at mabilis na lumabas sa mahabang yungib na ito.

Alam ni Wong Ming na nasa panganib siya. Ramdam niyang napakalakas ng kalaban niyang ito.

Isang tunay at purong elemental demon ito kung hindi siya nagkakamali.

Mukhang hindi siya nito bubuhayin sa uri ng mga tingin nito.

Kahit na ginamit ni Wong Ming ang maximum limit ng Shadow Steps niya ay nahahabol pa rin siya ng nilalang na iyon.

Kitang-kita niya sa gilid ng mata niya ang anino at presensya ng nakahimlay kanina na lalaking nakasuot ng kulay asul na roba.

Mas binilisan pa ni Wong Ming ang kaniyang paglisan sa lugar na ito hanggang sa tuluyan na siyang makalabas sa madilim at malaking yungib na pinasukan niya kanina.

Ramdam na ramdam niya pa rin ang mga nagbabagang mga matang nakatingin sa kaniya hanggang sa nakita na lamang nito ang mga naglalakihang mga tipak ng mga nagtutulisang mga yelong bumulusok patungo sa kaniya.

BANG! BANG! BANG!

Mabilis na iniwasan ni Wong Ming ang mga tipak ng yelong itong alam niyang siya ang puntirya nito.

Ginawa ang lahat upang maiwasan ito habang kitang-kita niyang bigla na lamang niyang nakita sa harapan niya ang nakahimlay kaninang lalaki at isang malakas na suntok sa mukha ang nakuha niya mula rito.

Tumalsik ng malakas si Wong Ming ilang metro sa kinaroroonan niya kanina.

BANG!

Mabilis na ibinalanse ni Wong Ming ang sarili niya kung kaya't ang lupang tinatapakan nito ang sumabog.

Kamuntikan na siya roon. Tunay ngang napakalakas ng makakalaban niya.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay isang Golden Warrior Realm ito.

Paano niya nalaman? Malamang ay tinantiya niya ang lakas nito at naglalabas ng golden aura ang nilalang na kaharap niya ngayon.

"Sino ka at ano'ng ginawa mo sakin?!" Nagtatakang wika nito kay Wong Ming. Halatang parang naguguluhan ito kanina sa nangyayari.

Nagsalita ito sa pamamagitan ng Demon Language. Katulad na katulad nito kung magsalita ang kakilala niyang Water Demon sa pambihirang lugar noon na siyang portal papasok sa mismong Demon World.