Chapter 676

Mabilis na sumusunod sa pwesto ni Wong Ming na palipat-lipat sa mga sanga ng mga punong dinaraanan nila. Kitang-kita ni Wong Ming na tila nasasanay at nasasabayan na nito ang mga kilos ng binatang half demon.

Mukhang maraming alam si Little Devil sa mundo nila ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa ginagawa nito.

Wala siyang pagpipilian kundi ang magtiwala rito lalo na sa magagawa nito. Tanging ito lamang kasi ang makakapitan niya sa mga panahong ito.

Totoong pamilyar sa kaniya ang bronze coffin na iyon ngunit ang lugar na ito ay hindi. Ang pagkapunta niya sa mundong ito na nabibilang sa tao ay isa pa ring palaisipan sa kaniya. Mahabang panahon ang nilabi niya sa pagkakahimlay at sigurado siyang marami ng nagbago sa Demon World.

Ang mundong ito ay kakaiba nga at sigurado siyang marami na ang naganap.

Kamusta ka kaya ang Demon World lalo na sa Five Element Demon Region nila? Sa mga kapatid niya lalo na sa amang hari na siyang ama niya. Ang inang reyna nila kaya ay maayos ba ang lagay nito?!

Maraming katanungan sa isipan niya at paanong siya lamang ang naririto?!

Bigla siyang nalungkot nang sabihin ni Little Devil na wala na ang kanilang lahi na Ice Demon sa Demon World. Paano'ng nangyari iyon? Sila ang pinakamalakas na kasunod lamang nila ang Fire Demon at iba pang uri ng elemental demons.

Hindi alam ni Prince Xing kung anong paniniwalaan nito. Elemental Demons ay isa lamang sa mga uri ng demonyong naninirahan sa Demon World.

Maya-maya pa ay nawala ang mga iniisip niyang ito nang makitang napahinto sa unahan niya si Wong Ming.

Kitang-kita niya ang napakalaking bunga sa hindi kalayuan. Kulay asul ito at tila naglalaman ng napakaraming mga enerhiya ng langit at lupa.

Heaven Tears Tree ang punong napakalaki na ito. Hindi aakalain ni Prince Xing na makakakita siya ng ganitong klaseng prutas.

Napakarami ang nasabing bungang prutas ng Heaven Tears Tree ito. Magkakalayo ang distansya nito. Sigurado siyang magiging benepisyo ito sa kahit na sinong nilalang na kakain ng bunga nito.

Ngunit malaki ang problema nila. Napakataas ng puno nito at maraming mga flying type beasts na lumilipad sa kapaligiran nito.

"Paano natin yan makukuha Little Devil? Masyadong mataas iyan!" Natanong ni Prince Xing kay Wong Ming na tahimik lamang na nag-oobserba sa kapaligiran nito.

"Malamang ay aakyatin natin ito. Alangan namang liparin natin at papakain tayo sa laksa-laksang mga flying type beasts na may matataas na Cultivation grade!" Seryosong wika ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi ito nakatingin kay Prince Xing.

Alam ni Prince Xing na namomroblema ang Little Devil na ito. Tiwala naman siyang isinasaalang-alang rin nito ang kaligtasan nila lalo pa't laksa-laksang mga ibon ang makakalaban nila kung sakali.

Hindi porket nakakalipad sila at malaparaiso ang lugar na ito sa dami ng Cultivation resources dito ay masasabing buhay marangya at walang paghihirap dito ay isa iyong malaking pagkakamali.

Sa lugar na masagana ay nangangahulugan din na marami ang katunggali at marami kang makakasagupa mapa-tao man o mapa-halimaw. Ganoon naman talaga. Parang sangtwaryo nga ang lugar na ito ngunit kung hindi mo kayang protektahan ang sarili mo habang nakikipag-agawan ng cultivation resources ay kamatayan ang naghihintay sa'yo.

Nag-umpisa nang umakyat si Wong Ming habang kasunod naman nito si Prince Xing na alerto sa kaniyang kapaligiran.

Ang mga mata nito ay nagign demon eyes katulad kay Wong Ming.

Hindi na masyadong nailang si Wong Ming lalo pa't nasanay na siya. Isa siyang half demon at gusto niya ring tulungan ang nilalang na ito.

Malaki ang naitulong sa kaniya ni Lord Damon noong nag-aagaw buhay siya at naging isang ganap na Half Demon siya.

Hindi naman iyon kasayangan kay Wong Ming dahil doon ay nagpatuloy ang buhay niya. Mas mabuting ihatid niya ito sa Poseidon Phlox Demon Clan hangga't di pa nahuhuli ang lahat.

Alam niyang hindi na niya mabubuo pang muli ang Li Clan dahil sa mga bagay na nangyari at tingin niya ay tanging magagawa niya lamang rito ay tanggapin ang naging kapalaran ng kanilang angkan at magpatuloy sa buhay pagiging Cultivator niya.

Hindi naman kasi hawak ang kapalaran ng may buhay at mas lalong sabihin na wala pa siya sa posisyon upang maging malakas na ekspertong kayang protektahan ang mga gusto niyang protektahan.

Kailangan na ni Wong Ming na nagpalakas pa upang maging inner disciple sa susunod na buwang pagsali niya sa Inner Disciple Trial Rankings.

Tumalon-talon si Wong Ming sa mga sanga habang makikitang tiningnan niya ng seryoso si Prince Xing.

"Xing, doon ka kumuha sa kabilang direksyon. Umayos ka at kunin ng maingat ang pinakamalapit na isang Heaven Tears Fruit. Naintindihan mo ba?!" Seryosong sambit ni Wong Ming na kitang-kita ang labis na pag-iingat ito.

"Oo, mukha bang hindi ako nakakaintindi?!" Nakasimangot na sagot ni Prince Xing. Di pa rin siya sanay na tawagin lamang siya sa mismong pangalan niya.

"Kung sabihin kong oo may magagawa ka ba? Mabuti na iyong klaro dahil baka ipahamak mo pa ko sa pagiging iresponsabile mo!" Paanas na wika ni Wong Ming habang walang preno-preno ang pagkakasabi nito ng pangungusap.

"Oo na oo na, siguraduhin mo ding di ka papalpak!" Ganting turan naman ni Prince Xing habang nakangisi pa ito ng makahulugan.

"Tsk!" Tanging nasambit ni Wong Ming habang nakitang papunta na si Prince Xing sa kabilang bahagi ng Heaven Tears Tree.

Wala siyang nagawa kundi ang gawin din ang dapat niyang gawin. Sisiguraduhin niyang du sila papalpak. Napakalaking problema kapag nagkabulilyaso sila.

Kinakailangan din kasi ni Wong Ming ang bagay na ito. Sigurado siyang mapapakinabangan niya ito pagkalabas niya sa Smew Valley.

Hindi naging madali ang pag-akyat ni Wong Ming sa mga sanga dahil sa kabilang mga sanga lamang ay mayroong mga magical beasts na nakatiwarik matulog at ang iba ay halatang lumilipad lamang sa kapaligiran ng pambihirang malaking punong ito kaya't kaliwa't kanan ang problema niya.

Hindi man naging madali ang lahat ngunit napagtagumpayan naman ni Wong Ming na kunin ang pambihirang Heaven Tears Fruit.

Masasabi niyang naging maingat siya at tila hindi niya aakalaing masyadong matagal si Prince Xing sa pagkuha ng Heaven Tears Fruit.

Mabuti na lamang at lumitaw ito sa hindi kalayuan kung hindi ay baka sinundan niya ito at ipalapa sa mga flying type magical Beasts.

"Bakit sobrang tagal mo? Mukha bang mahirap ang pinapagawa ko sa'yo?!"

"Aba'y hindi naman. Marami lang naman ang mga magical beasts na pinuntahan ko!"

"Sinabi ko ba sa'yo na pumunta ka doon?!"

Natahimik na lamang si Prince Xing lalo pa't hindi naging madali para sa kaniya ang ganitong klaseng pangyayari. Medyo hindi din angkop ang naging sagot niya lalo pa't mali rin ang pinili niyang puntahan.

Mabilis na ring nilang nilisan ang lugar na ito ng tahimik. Mapayapa nilang pinuntahan ang lugar na ito ay payapa rin silang umalis. Katakot pa naman ang mga magical Beasts na naririto. Nasa second grade hanggang Fifth Grade Magical Beasts.