Chapter 706

Kasalukuyang nakaupo si Wong Ming sa mahabang upuan. Nasa loob siya mismo ng Meeting Hall.

Sigurado siyang espesyal ang lugar na ito lalo na at personal na isla ito ng Flaming Sun Faction.

Ang isa sa gumugulo sa utak niya ay bakit siya ipinatawag rito.

Pagkatapos kasi siyang ihatid patungo sa Meeting Hall ay iniwan na siyang bigla ng Punong Maestro Duyi at nilisan ang lugar na kinaroroonan niya.

TAP! TAP! TAP!

Mayroong papalapit na yabag ng isang nilalang patungo sa kaniya.

May ideya na si Wong Ming kung sino ito pero kahit gayon pa man ay hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaiba lalo pa't ilang beses niya pa lamang makita ang Flaming Sun Faction Master at noong Guild pa ang nasabing kinabibilangan niya noon. 

Ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw na isa na itong Faction Master. No one dared to looked down it's leader. Pinuno nilang lahat kung susumahin.

Maya-maya pa ay natanaw niya ang nilalang na papalapit. Hanggang sa tuluyan ng nakatawid ito ng distansya patungo sa kaniya.

Dahil sa matalas na senses niya ay naramdaman niya ito. 

Bumukas ang pintuan at lumitaw ang isang mataas na lalaki.

Tama nga siya, ito nga ang Faction Master.

Teka, Faction Master?! 

Halos manlaki ang mga mata ni Wong Ming at mabilis itong tumayo upang magbigay galang sa pamamagitan ng pagyuko.

"Magandang Araw po, Faction Master!" Masiglang bati ni Wong Ming habang magalang pa itong nakayuko. He was so nervous. 

Sino ba ang hindi kakabahan ng grabe diba? Ngayon ay nasilayan niya ng harap-harapan ang Faction Master nila. 

Sinubukan na nga niyang kilatisin ang buong katauhan nito ngunit bigo siyang malaman ang totoong pagkakakinlanlan nito o kahit na cultivation level nito.

Sigurado siyang ito ang pinakamalakas na eksperto sa Flaming Sun Faction kung tutuusin.

Walang sinuman ang susunod sa mahihina o lampang lider. Iyon ang nakatatak palagi sa isipan niya.

"Ahaha... Maupo ka na binata." Tila natatawang saad naman ng Faction Master lalo pa't ramdam niyang tensyunado ng lubusan ang binatang kaharap niya.

Tila nahiya naman bigla si Wong Ming sa kaniyang inasta. Ngayon lang nagsink-in sa utak niya na masyadong matagal ang pagkakatayo niya at pagbati sa pagdating ng Faction Master.

Umupo naman si Wong Ming at naupo na rin ang Faction Master. Magkaharap sila ngunit malawak ang distansya sapagkat malaki ang nasabing lamesa sa pagitan nilang dalawa.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang tatlong Faction Vice Masters kasama si Punong Maestro Duyi.

Medyo nawala ang kabang nararamdaman ni Wong Ming lalo pa't nakaka-intimidate kasi ang paghaharap nila ng Faction Master.

Medyo komportable siya lalo pa't hindi na rin iba sa kaniya ang Punong Maestro Duyi.

Nagbigay-glaang siya sa mga ito at naupo kasama nilang dalawa.

"Mawalang-galang na po Faction Master, B-bakit niyo po pala ako pinatawag dito sa Meeting Hall?! May nagawa po ba akong kasalanan?!" Kinakabahang sambit ni Wong Ming habang makikitang parang nag-iisip ito ng malaking dahilan upang siya ay ipatawag.

Nagkatinginan naman ang Faction Master at ang tatlong Faction Vice Masters dahil sa sinabing ito ni Wong Ming habang ang Punong Maestro Duyi naman ay tahimik lamang sa kaniyang sariling upuan. 

Kahit kasi ang matandang guro na ito ay walang alam at puno din ng katanungan ang kaisipan nito.

Muling tumingin ang Faction Master kay Wong Ming at inobserbahan itong maigi.

"Paano'ng nakagamit ka ng isang pambihirang secret Core Skill? Hindi ba't isa ka lamang ordinaryong cultivator? Saan mo natutunan ang bagay na iyon?!" Seryosong turan ng Faction Master habang nakatingin ito ng matiim kay Wong Ming.

Halos lumundag naman ang puso ni Wong Ming dahil sa labis na kaba. Hindi niya aakalaing ganito ka-prangka ang nasabing Faction Master.

Patungkol sa Secret Core Skill, alam niya kaagad kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. 

Iyon ang ginamit niya ang Secret Core Skill ng kanilang Golden Crane City. Isang pambihira at napakalakas na skill iyon at hindi iyon basta-basta lamang natututunan. 

Malalakas ang bawat Secret Core Skill. Patunay lamang na hindi ito natutunan sa madaling panahon lamang. Mayroong personal na nagtuturo nito sa iyo. Sa paunang mga hakbang ay personal na tinuruan siya ng amain niya ngunit sa huli ay siya na lamang ang nag-iisang nag-aaral at nagdi-diskubre ng patungkol rito kung kaya't mabagal ang pag-unlad niya.

Magkagayon pa man ay hindi niya sinisisi ang nasabing kaisa-isang taong hindi man niya kadugo ngunit itinuring siyang pamilya. Utang niya ang buhay niya rito at lahat ng meron siya ngayon.

"Secret Core Skill?! Nakuha ko lamang ang sinasabi niyong secret core skill na iyon sa loob ng abandonadong kweba. Pinag-aralan ko ang isang bahagi ng napunit na piraso ng skill. Hindi ko naman aakalaing isang mahalagang skill iyon lalo pa't sinunog iyon ng nagmamay-ari na 'yon." 

Mabilis na pinalitaw ni Wong Ming ang bahagi ng Secret Core Skill na natutunan niya. Hindi niya hahayaang magtaka sa kaniya ang mga namumuno sa loob ng Flaming Sun Faction.

Namangha naman ang Faction Master, Faction Vice Masters at si Punong Maestro Duyi sa dedikasyon ng nasabing disipulong ito na patunayan ang pagiging inosente nito patungkol sa Secret Core Skill.

Sinasabi kasi na ang pagkakaroon ng kompletong bahagi ng Secret Core Skill ay maaaring maging susunod na pinuno ng isang malaking organisasyon.

Alam ni Punong Maestro Duyi na tanging si Faction Master Zhiqiang lamang ang mayroong kakaiba at kompletong bahagi ng mga Secret Core Skills habang ang mga Faction Vice Masters naman ay mayroon ding mga Secret Core Skills ngunit hindi maikukumpara ito sa taglay ng Faction Master nila.

Napahinga naman ng maluwag ang Faction Master at tatlong Faction Vice Masters. Ang pagkakaroon ng malakas na skills ay mabuti ngunit maituturing ding masama lalo pa't isang outer disciples lamang ang mga ito.

Malilintikan silang lahat kapag nalaman ito ng ibang mga factions. 

"Salamat sa iyong kooperasyon binata. Hindi na namin uungkatin pa ang patungkol sa secret core skill mo. Sana ay makapasa ka at maging ganap ka na Inner Disciple." Seryosong wika ni Faction Master Zhiqiang kay Wong Ming.

"Maraming salamat din po Faction Master maging sa iba pang pamunuan ng Flaming Sun Faction. Sisikapin ko pong makapasok sa Rankings." Nakangiting sagot naman ni Wong Ming na tila nasisiyahan talaga.

"Sana nga, kung tutuusin ay malaki ang potensyal mo. Secret Core Skill is always a secret core skill hehe..." Makahulugang saad naman ng isa sa mga Faction Vice Masters. 

Ramdam na ramdam ni Wong Ming na hindi kumbinsido ang isa sa mga Faction Vice Masters sa dahilan ng binatang nagtataglay ng kapirasong bahagi ng secret core skill. 

Tinandaan niya ang disenyo ng Jade Mask nito na mayroong disenyo ng isang ibon. Kakaiba at metikuloso ang pagkakaukit ng disenyong ito. 

Sa halip na pansinin at magmukhang guilty ay ngumiti na lamang si Wong Ming ng napakalawak at nagbigay-galang muli bago nito nilisan ang Meeting Hall. 

Tumayo na rin si Apo Noni at inihatid ang binatang si Wong Ming patungo sa outer disciple grounds.