Chapter 696

"Hehehe... Dahil mamamatay ka rin lang naman. Isisi mo pa sakin ang pagiging mangmang mo!" Pambabarang saad ng dating Crowned Prince kay Little Devil.

Kasabay nito ay mas lalong lumaki ang kabuuang anyo nito na halos sakupin na ang espasyo ng lugar ng consciousness ni Wong Ming.

Sino ba naman si Wong Ming upang hindi magulat. Ang paglitaw pa lamang ng nasabing spiritual essences sa kaanyuan ng isang nilalang na kinamumuhian niya ay talagang hindi niya inaasahang mangyari.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung paanong naging posible ito.

Kung sa bagay nga naman ay isa lamang siyang ordinaryong binata na hindi pa kailanman naging handa sa posibleng mangyari noon kasabay ng pagkawala ng alaala niya ay nabigyan ulit siya ng pagkakataon na magpalakas.

Ngunit hindi naging madali para kay Wong Ming dahil inalagaan, ginamot at inampon lamang siya ng butihing ama-amahan niya. 

Kasabay niyon ay hindi naging maganda ang trato ng mga iyon sa kaniya dahil hindi naman niya kadugo ang mga iyon.

Ang Golden Crane City ay masasabi niyang progresibo ngunit naghatid din ng balakid ang mga ekspertong ninais siyang pabagsakin lalo na ang ama-amahan niya.

Lahat ng sana'y oportunidad ay naging balakid at problema ang hatid. 

Di siya pinayagang magkaroon ng totoong guro at umaasa lamang siya sa kapiraso ng mga librong siya mismo ang nagtuturo sa sarili niya upang matuto.

Hindi niya desisyon ang maging mangmang ngunit ipinagpapasalamat niya pa ring kahit papaano ay nabuhay at namuhay siyang ligtas sa pangangalaga ng amain niya. 

Kumpara sa laki sa layaw at barumbadong dating Crowned Prince ay hindi siya namuhay ng ganon. Isa pa ay pinili lamang nito ang maling landas. 

Pero sa oras na ito ay nangangamba si Wong Ming. Ramdam niyang malakas ang magiging kalaban niya. 

He was just a martial art expert pero kumpara sa matinding kaalaman ng dating Crowned Prince ay gusto pa siya nitong pinsalain.

"Bakit mukhang napipi ka ata diyan sa kinatatayuan mo Little Devil? Wag mong sabihing natatakot ka sa akin?! Hahahaha!" Panghahamong saad ng dating Crowned Prince habang ang kaanyuan nito ay sobrang nakakatakot.

Ano ang laban niya sa isang ito? Ngunit hindi hahayaan ni Wong Ming na magpatalo lamang siya dahil gusto niyang subukang lumaban. 

"Hindi ako natatakot sa katulad mo dating Crowned Prince! Isa ka lamang multo ng nakaraan!" Seryosong wika ni Wong Ming habang pilit nitong tinatapangan ang kaniyang loob.

Sa isang iglap ay biglang lumutang si Wong Ming sa ere at pumantay ang paningin niya sa mortal niyang kalaban.

Kasabay nito ang pagbabago ng buong kaanyuan ni Wong Ming.

Ice Demon Transformation Skill!

Animo'y napatigil ang Crowned Prince sa naging pagbabago sa kaanyuan ni Wong Ming at nagsalita ito.

"Iyan na ba ang pinagmamalaki mo sa akin Little Devil? Hindi ko aakalaing ang isang hamak na basurang transformation lang pala ang magiging alas mo hahahahaha!!!" Panghahamak na turan ng dating Crowned Prince. Hindi ito makapaniwala sa pagpapatawa ng binatang si Little Devil.

Gamit ang kaliwang mala-higante nitong kamay ay sinubukan nitong dakmain si Wong Ming.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Ngunit hindi nagpatinag si Wong Ming dahil sa sobrang liksi ng galaw niya ay hindi siya madakip-dakip ng mala-higanteng kamay ng kalaban niya.

WOOOHHHHH!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang pagbugso ng malakas na hangin at nanlaki ang mga mata niya ng mapansin ang paggalaw ng kanang kamay ng dambuhalang nilalang na siyang kalaban niya patungo sa direksyon niya.

Bago pa siya mahagip nito ay mabilis siyang umilag sa pamamagitan ng paglihis ng direksyon.

BANG!!!!!

Ramdam niya ang kakaibang lakas maging ng gigil ng dambuhalang kaanyuan ng dating Crowned Prince matapos humabalos ang kanang kamay nito sa lupa upang mapinsala siya ngunit nabigo ito.

Malamang ay gusto na siya nitong tapusin. 

WHOOSH! WHOOOSH!

Mula sa magkabilang direksyon ay Kitang-kita ni Wong Ming kung paano siyang gustong pinsalain sa pamamagitan ng pagpisa sa kaniya.

Nakakatakot talaga ang buong kaanyuan ng dating Crowned Prince nang pumaimbabaw siya ng mabilis sa ere upang hindi siya mapinsala.

Ang kaanyuan kasi ng nasabing mortal na kalaban niya ay isang matabang halimaw na may dalawang sungay. Ang pangkabuuang kaanyuan nito ay maihahalintulad sa isang uri ng demonyo. 

Ngunit nagulat na lamang si Wong Ming nang mapansing patungo ang isang mahabang bagay patungo sa direksyon niya.

Buntot ng isang halimaw!

Iyon agad ang napansin niya ngunit dahil sa bilis ng mga pangyayari ay nahagip siya nito.

BANG!!!!!

Malakas na napatalsik si Wong Ming sa malayo. Talagang napaigik pa siya dahil sa tindi ng pagkakaatake sa kaniya.

Patunay lamang na sumabog ang parte ng pinagbagsakan niya.

"Kung akala mo bubwit ay makakaligtas ka sa bagsik ng aking lakas ay nagkakamali ka. Sisiguraduhin kong mapapaslang kita kapalit ng pagpaslang mo sa akin grrr!" Galit na sambit ng dating Crowned Prince sa nakakatakot na tono ng boses nito.

Kasabay nito ay ang pagtutok ng kamay nito upang hablutin ang nasabing katawan ng binatang si Wong Ming mula sa pinagbagsakan nito.

WOOHHH!

Bago pa siya tuluyang mahablot ng nasabing kalaban ay nagsagawa si Wong Ming ng martial arts skill.

TENGGGGG!!!

Sampong naglalakihang mga Ice Swords ang biglang lumitaw sa tapat ni Wong Ming at bumulusok ito patungo sa kinaroroonan ng kamay ng mortal na kalaban niya.

GROOOOOWWWLLLLL!!!!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang malakas na pag-atungal ng kalaban niyang may demonyong kaanyuan. Mahihimigan ang labis na sakit sa tinig ng nagwawala sa sakit na dambuhalang halimaw.

Biglang nagkaroon ng kakaibang pangyayari sa katauhan ni Wong Ming. Unti-unting nababalutan ng napakalakas na enerhiya ang katawan niya.

Kasabay nito ang paglaki ng sampong Ice Sword.

CHUCK! CHUCK! CHUCK!

Mabilis na nabunot ang sampong Ice Sword kasabay nito ay ang malaking pagbabago sa Ice Sword.

"Paano mo nagawa ito Little Devil?! Hindi ako dapat matalo sa isang kutong-lupang katulad mo!" Puno ng pait na turan ng dating Crowned Prince. Mababatid na hindi ito sumusuko.

"Nagkamali ka ng kinalaban dating prinsipe ng Sky Flame Kingdom. Ngayon ay katapusan mo na!" Seryosong wika ni Wong Ming kasabay nito ay mabilis na bumulusok ang sampong naglalakihang mga espada patungo sa direksyon ng dambuhalang halimaw.

TAH! TAH! TAH!

Dito ay kitang-kita kung paanong walang-awang bumutas ang nasabing mga espadang gawa sa yelo sa dambuhalang katawan ng halimaw. 

Okay na sana ngunit isang kaganapan ang hindi inaasahan ni Wong Ming na mangyari.

Mula sa ere ay tila bumuka ang dulo ng buntot ng dambuhalang halimaw na animo'y tila malaking butas. Kasabay nito ang tila hinihigop siya nito sa napakalakas na pamamaraan.

"Bwahahahaha... Wala ka ng takas ngayon Little Devil. Sisiguraduhin kong isasama kita sa hukay!" malademonyong saad ng dating Crowned Prince sa mala-halimaw nitong kaanyuan.

"Hmmp! Napakatuso mo talaga kahit kailan dating prinsipe. Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay ahhhhhh!" Sambit ni Wong Ming habang tila nahihirapan na i-resist ang lakas ng suction force ng buntot ng halimaw na kaanyuan ng dating Crowned Prince.

"Wag mo ng ipagpilitan pa ang sarili mong manlaban Wong Ming. Sisiguraduhin kong kasabay ng pagkawala ko sa mundong ito ay siya ring pagkawala mo rin nyahahaha!!!" Masayang sambit ng dating Crowned Prince na animo'y nasisiraan na ito ng bait. 

"Wala ka talagang puso, bagay nga ang mala-halimaw mong kaanyuan kung gaano ka kagahaman sa kapangyarihan arrgghhhh!" Naiinis na turan ni Wong Ming kasabay nito ay mabilis siyang nilamon ng buntot ng halimaw.

Hindi alam ni Wong Ming ang nangyayari at tila namanhid ang buong pangangatawan niya. Alam niyang sa oras na ito ay hawak na ng tusong dating Crowned Prince ang buhay niya.