Chapter 14

"Ano na ngayon ang gagawin mo? bakit hindi mo puntahan yung babae mo, tutal siguro naman ay hindi pa makakapasok yun ngayon, ikaw ay bakante din dahil hindi ka sumama sa biyahe, bwelo kayong dalawa ngayon" sabi dito ni Jack. magpakasawa kayo yon ang mabuti mong gawin,

"Alam mo Kris, lahat ng bisyo gawin mo wag lang pambababae, yan ang pinaka masakit sa akin, kasi kaya mo pala akong palitan anytime bakit Kris ano ba ang wala sa akin na meron siya?"

"Jack naibigay niya sa akin yung isang bagay na hindi mo kayang ibigay sa akin," biglang nagpanting ang tenga ni Jack  Yun lang ba Kris? ang babaw mo ha! gusto mo ibigay ko na rin yon sayo. ngayon?" tanong niya dito ,

"Hindi Jack sinusunod lang kita sa gusto mo" sabi sa kanya  nito ,

"Dahil nga ayaw ko,  kaya nag hanap ka ng iba?  tungkol sa gusto ko? "gusto ko sa akin ka lang at wala akong kaagaw, kung dumating pala ang panahon halimbawa hindi tayo mag ka anak hahanap ka na magbibigay sayo ng anak?" tanong niya dito ,

"Hindi na nga ako uulit di ba? "dito na lang ako sa school para lagi mo akong nakikita, "

"Huwag kang mag pa lapad ng papel sa akin ngayon", umalis ka  na dito Kristoff ayaw kung makita ang mukha mo baka balibagin kita dyan, umalis ka na ,"

"Jack ha! amin ang school na ito wag mo akong paalisin dito"

"Ganun ba? di ako ang aalis" walang sabi-sabi ay deretso si Jack sa administration at ni-request niya ang pag transfer niya sa ibang school, kinuha lang niya ang kunti niyang gamit sa boarding house at sumakay na siya sa plane na biyaheng 5:00 pm papuntang manila,nakilala siya ng stewardes at nag report ito kay Mrs.Gonzales na sakay daw nila si Jack papuntang manila, Sa Admin ng Delano Air International Academy ay tumawag na din kay Mrs.Gonzales na nag-request nga si Jack ng transfer,pina hold ni Mrs.Gonzales ang biyahe ng plane, siya ang pumunta ng airport at sinundo nito si Jack. "Jack please lang huwag mong iwan si Kris nandoon siya ngayon sa bahay umiiyak na naman",

"Mommy please lang din po,siya na mismo ang nag pa alis sakin kasi inyo daw po ang school kaya hahanap na lang akong ibang school para makapag patuloy na ako sa pag aaral ko, patapos pa naman ako,sobrang perwisyo ang ginawa ng babaeng yon sa akin Mommy" umiyak na din siya "Ano po ang gagawin ko?"

Bumaba na lang siya ng plane, kasi  hindi papayag si Mrs. Gonzales na hindi siya nito maisasama,nasa kotse na sila pauwi ay umiiyak parin siya.

"Hindi ko po talaga kaya ang ginawa sa akin ni Kris Mommy, masakit  sa loob yon, sobrang insulto po yon sa  akin,"

"Jack minsan kasi ang isang relasyon ay dumadaan din sa pagsubok", pero pag nalampasan mo yan ay gaganda  na ang samahan ninyo. Sabi sa kanya ni Mrs.Gonzales, Sa boarding house nag pahatid si Jack, wala na siyang nagawa, pumasok pa rin siya sa Delano air accademy. Pumunta siya ng admin para mag-explain pero tinawagan na daw sila ni Mrs.Gonzales tungkol doon. Nasa school na naman si Kristuff, mabuti na lang ng araw na yon ay hindi siya sa school pumasok dahil sumama siya sa byahe papuntang Manila, pangatlong hawak na niya ng yoke ng plane, tatlong araw bago sila babalik ng Cebu,kaya umuwi muna siya sa Pasig.

Tuwang-tuwa si Ate Dory ng makita siya. "

"Uy Jack mabuti at umuwi ka na si Robert laging pumupumta dito laging naglalasing mabuti na lang ay hindi naman nang gugulo, minsan nga sa bahay mo na lang pinatulog ko kasi baka madisgrasya pa sa pagmamaneho, hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi sa L.A. Kahit na nga umuwi dito ang Papa niya at isinasama na siya nito, hindi talaga nila napilit si Robert. Kaya ngayon ay nandito pa sa pilipinas si Rob,"

"Hangang hindi ka daw niya nakakausap,hindi siya babalik sa L.A. Para asikasuhin ang kanilang negosyo, kung gusto mo siyang kausapin, wag ka munang umalis,  mamaya nandito na naman yon".

"Dalawang araw pa ako dito Ate Dory".

Kinagabihan nga ay pumunta si Robert sa restaurant, Ayaw na sana muna niyang kausapin si Robert pero napag-isipan niya na mabuti na yon para bumalik na ito sa  L.A,at ng maasikaso na rin nito ang kanilang mga negosyo. Tumulong si Jack sa restaurant nag serve siya sa isang long table, maya-maya lang ay dumating na si Robert nakita nito si Jack, nilapitan nito si Jack."

"Jack gusto kitang makausap" sabi nito sa kanya, pumayag siya."

"Sa bahay na lang tayo mag usap Robert " sabi niya dito,

Doon nga sila nag usap.

"Jack gusto ko magpakasal na muna tayo bago ako bumalik ng L.A"

"Bakit kasal na naman ang sinasabi mo sa akin Robert? Di ba may bago ka namang fiance, ano ba talaga ang gusto mo?" tanong niya dito.

"Mag pakasal nga tayo para di na ako guluhin ng babaeng yun"

"Ayoko na magpakasal sayo"sabi dito ni Jack pinaiyak mo ako dahil sa babaeng yun",

"Sige na Jack para naman makabalik na ako ng L.A, dadalhin ko ang marriage contract ipakikita ko sa kanya para tantanan na niya ako, kahit sa jugde lang Jack para sa pag-uwi ko saka na lang tayo mag pakasal sa simbahan at least may madadala akong marriage contract natin".

"Hoy! Robert making ka nga hindi minamadali ang pag papakasal ikaw na ang bahala sa babaeng yon huwag ninyo akong idamay sa mga kababawan ninyo ilabas ninyo ako diyan".bukas bumalik ka na ng L.A. sa pagbalik mo na lang natin pag usapan iyan maplanuhan pa natin yan ng mabuti, maliwanag?,"

"Opo" sagot ni Robert.

Kinabukasan inihatid ni Jack si Robert ng airport para bumalik na ng L.A., siya naman ay bumalik na ng Pasig, dahil kinabukasan pa siya aalis. tumulong pa din siya sa restaurant para malibang siya, pagka sara ng restaurant ay saka lang siya pumasok ng bahay. Pag gising niya kina umagahan ay dali-dali na siyang naligo 11:00 palang bumaba na siya para kumain sa restaurant pagkakain niya ay nagligpit na siya ng kanyang mga gamit para maka alis na rin kasi 4:00 pm na ang alis nila nag paalam na siya kay ate Dory.

"Sige Jack ingat ka lagi ha"

"Ok po ate Dory, sige po ingat din po kayo dito".

Nasa airport na siya para sa pag-uwi niya sa Cebu, Siya na naman ang humawak ng yoke, Madali lang niyang natutunan ang pagpapalipad ng eroplano. Lumapag na sila sa runway ng airport sa paglapag siya medyo nahihirapan kaya tinulungan na siya ng mentor niya na kasama niya sa pag biyahe, Pauwi na siya sakay ng taksi nakita niya si Krisstoff papasok din ng airport, naisip niya siguro hahanapin nito ang babae nito.