JILL, Who's your JACK? [4]

January 1.

Nag antay ako. Baka sakali. Baka sakali lang na magchat si Jian.

Pero wala. Wala siyang ni isang chat pero nakaonline siya.

Napaka-imposibleng di man lang siya  makapag chat.

I did my part. Inintindi ko. Nagpakababa ako para sa nararamdaman ko sa kanya. Sinunod yung mga gusto niya na wag sumama sa mga kaibigan ko kahit na magtampo man sila sa akin. Pinagtanggol ko pa siya sa iba.

Binigay ko yung best ko para maramdaman niyang mahal at mahalaga siya sa akin. Pero di ko alam kung may patutunguhan ba itong ginagawa ko.

Like what he did, hinide ko rin ang timeline at myday ko sa kanya.

Kung kaya niyang gawin sa akin, kaya ko ring gawin sa kanya.

Hindi sa gumaganti ako.. Ayoko lang ng mga ginagawa at pinaparamdam nyang pambabaliwala sa akin.

I don't deserve that. I deserve to love and be loved.

Nakatanggap ako ng chat mula kay ate Janice. Pinauwi na daw siya sa province nila.

' Kelan pa? ' I asked.

' Bago magpasko. Pinauwi nila ako. ' - Janice.

' Ayyy... Kamusta naman? ' -  dagdag niya.

' Okay naman.. Ikaw ateng? ' - tanong ko din.

' Okay naman ako... Ikaw. Kamusta ka. Kayo ni Jian. '  - Janice

Hindi ko yun sinagot. Iniba ko yung usapan. Ewan ko ba.. Nahihiya akong magkwento sa kanya. Sa mga kaibigan ko.

Sinabi kasi ni Jian sa kanila mismo na mahal na mahal niya ako at di niya ako sasaktan..

Baka mamaya pag nagkwento ako isipin ng iba na nililinis ko lang ang pangalan ko..

Alam kong hindi sila ganun. Pero alam kong ganun si Jian.

Tanda ko nun na ayaw niyang nagkukuwento ako sa mga kaibigan ko pag nagkakatampuhan kami.

Sa ngayon nag-iipon lang ako ng lakas ng loob na magsabi sa kanila..

Kahit papaano kaibigan ko pa rin sila.

- January 13. 10:01 PM -

Chat ni Jian ang bumugad sa akin.  I thought na maganda na pag-uusapan namin.

' San naka connect ML mo?  ' - Jian.

Hayy... I assumed.

Nagreply ako na sa Inbook ko naka connect ang ML ko.

But then, no reply. Kahit seen wala.

So, I decided to removed my message. Naiinis ako.

Like,  hello?  Manga-musta ka man lang sana depungal ka.

- January 15. 3:09 PM -

Monthsary namin.. So atleast I expect na babatiin niya ako.

Nag message siya.. Akala ko yun na.

But, hell no!.

' Nakabind yung ML mo sa Google play?  ' - Jian.

' Heyy '  - Jian.

Damn him.

Nagreply ako. Pero ni-seen niya, wala. I removed my message again.

Damn it. Monthsary ngayon. Yan ang itatanong mo?

Gusto ko siyang murahin. But,  I composed myself not to do or to say anything bad.

Wala siyang paki.?  Jian, antayin mo lang. Mawawalan din ako ng paki sa'yo.

- January 17. 5:21 PM -

Nag chat siya pero late ko na nabasa.

Nag positive daw ang kuya niya sa Covid-19 na ngayon ay nasa ibang bansa.

Sakto namang masama ang pakiramdam ko.

Nag-asked siya kung may extra daw ba akong load kasi tatawagan niya ang kuya niya.

Lumabas ako ng bahay para makakuha ng signal.

Nagalit sa akin ang mama at papa ko dahil ginawa ko iyun na lumabas ako.

Pati ang Tita ko, nagalit sa akin.

Sinabi ko na may rereplyan lang ako saglit.

Nag reply ako na wala akong extra na load.

9:36 PM na ako nakareply sa chat niya.

Sinabi ko na wala din akong extra na load.

' Gege. ' - Jian. Yan lang reply niya nun saka yung heart emoji na si-net niya sa messenger.

Wala ako nung makuhang signal kahit sa pinto na ko..

Sinubukan ko pang lumabas lalo.

Naunang nasend yung like zone na aksidente ko lang napindot.

Nagalit siya nun at sinabing..

' Nag positive kuya ko wala ka man lang sasabihin. haha sige ty ' - Jian.

Nang mabasa ko yun mas lalo pa akong naghanap ng masisignal. Ang hirap ng signal dito sa naic.

Hanggang ngayon di pa din nasesend yung mga nireply ko.

Bigla nalang nagpop up yung mga niremoved niya.

Jian Toledo set the emoji to 👍.

Jian Toledo changed the chat theme to classic.

Jian Toledo cleared his own nickname.

Jian Toledo cleared your nickname.

Yung nickname namin dun na gusto niyang tawagan namin nun. 'Mahal'.

Binura niya lahat. Sa simpleng bagay lang.

Saka lang nasend yung mga nireply ko kanina.

'Akala ko pinauwi yung mga nasa ibang bansa? '

'Sorry mahina signal ko'

Nag type ako ng panibagong message.

'Ahh.. Binura mo lahat ah.. '

' Nasa labas ako ngayon para lang sumagap ng signal. Alam mo namang bundok dito. '

' Ty?  Hahaha '

Nasaktan ako sa ginawa niya. Ang dali lang para sa kanyang gawin yun.

' Pasensya na ahh.. Kasalanan ko bang mahirap makasagap dito. Hindi naman ito bacoor na sobrang lakas signal. '

Alam niya yun. Sinabi ko sa kanya yun bago kami lumipat dito nun.

Sinabi niya pa na okay lang naiintindihan niya. Hindi naman niya ako inu-obliga. Pero, what happen sa mga salita nyang yun?

' Burahin mo na lahat kung gusto mo. ' - dagdag ko pa.

May karapatan akong masaktan dito. Alam kong mali ako sa part na natagalan ako magreply..

Pero siya ba?  Nagalit ba ako na hindi siya nagchachat sa akin ng halos isang buwan?

May narinig ba siyang masasakit na salita galing sa akin? Wala. Kasi alam ko yung pakiramdam ng ganun. Dahil yun ang mga pinaparamdam niya sa akin nun.

' Wag ka ng sumabay daming problema sa'yo signal lang? Sa akin ano? Nag positive kuya ko sa covid sa ibang bansa lahat kami dito lugmok sayo signal? Haha '  - Jian.

' 👍 ' - Jian.

Nice.

Nagreply ako na alam kong malaking problema nga ang nangyari sa kuya niya. Pero sineen lang niya ako.

Like what the hell?  Alam kong namomroblema sila dahil sa nangyari.. Pero kasalanan ko ba yun?

Nag-aalala din ako kahit di ko pa naman nami-meet yung kuya niyang yun kasi nga pamilya nya yun.

Ang di ko lang maintindihan.. Kung bakit napakadali lang para sa kanyang gawin ang mga bagay-bagay.

Alam kong may kaya sila. Eh ano ngayon kung mahirap lang kami?  May karapatan na ba siyang ganitohin ako?

Porket alam niyang mahal ko siya?

Oo, ako yung umamin pero ng pabitaw na ko hinila niya naman ako pabalik.

Tapos ganyan siya?

Damn you, man.

- January 18. -

Sa lahat ng namomroblema siya pa yung nagagawang maglaro ng ML.

Nagtry ako ulit na magpuyat.. At nakita kong 1:00 AM pass na pero gising pa siya at naka online sa ML at Inbook.

Natawa ako sa sarili ko.

Damn you, Janella. Ang tanga mo.

Wake up.

- January 23 -

Nabasa ko yung chat niya. Hello. Pagtapos mong burahin lahat nagawa mo pang mag chat?  Haha.

Pakapalan na ba ng mukha ngayon sa mundong ito?

Nagreply ako kahit na masama ang loob ko sa kanya.

Seen.  That's what all I've got.

Nice.

After nun wala.  Wala na siyang kahit isang chat.