Kabanata 8

PETER

"Okay, sa simula ko dito dapat hindi ako magkakamali. Focus on your job and everything will be just fine."

Kinakausap ko yung sarili ko sa salamin. Kind of nervous since it's the first day of my job. Inayos ko yung buhok ko upang malinis itong tignan. I checked my uniform if it's placed properly at tsaka yung sapatos ko.

"Matutunaw na yung salamin sa kakatitig mo diyan." Lumingon ako kung sino ang nagsalita. Nakita ko si Juan kasama si Manang. I smiled and just walked towards them.

"Good morning hijo, halika na at tapos na akong maghanda ng agahan."  Sabi ni Manang. Pumunta kami sa hapag at nang natapos na kaming kumain, nagpaalam na ako na magtrabaho.

"Ingat ka hijo." Sabi ni Manang habang naglalakad na ako. 2 minutes after ay dumating na ako sa hotel. Pinuntahan ko muna yung locker ko at tsaka na tumuloy sa employee's entrance.

"Morning," Bati ko sa mga taga front desk.

"Good Morning sir!" Bati nila pabalik.

"Brad! Saglit lang at papasukin na kita dito." Nakita ko si Ken na pumunta sa opisina at binuksan yung pintuan ng office namin.

"Heto yung office natin. Usually ang makapasok lang dito is yung mga taga front desk, Manager at tsaka yung owner."

Pagkatapos kong ma-enroll ng biometrics nila ay nagpatuloy sila sa pag orient sa akin tungkol sa trabaho. Minsan ay may mga katanungan ako pero agad naman nilang nasagot yun. I bet they were really trained hard for the job.

"I know hindi talaga dream ng isang tao na front desk lamang sila pero isa itong chance para maka boost ng self confidence." Sabi ni Ken habang wala pa silang naka check in na guest.

"Oo eh, also it boosts my charisma kasi ang daming mga guest dito na cute and handsome." Si Lala, isa rin sa mga front desk dito sa hotel.

"Alam mo, feeling ko kaya mo 'tong trabaho'ng 'to."

I nodded as a response. I'd accept that as a compliment and then soon after may mga guest na dumating. Tinulungan ko si Ken sa pag print ng reservation cards at kinausap yung mga guests about their respective hotel room number and so on.

Three days went by and all I can say is that it was difficult at first. But I've gotten the habg of it by the help of my co-workers.

After ng shift ay agad na akong umuwi sa staff house ni Manang. Nag-ayos pa ako ng mga gamit at tsaka na matulog. Hell, working was sure difficult if hindi ka pa ready. But I made this a challenge since I wanted to work hard and show them I am capable of working things out.

----------------------------

I woke up at 6:30 to prepare my things for school. I had all my notebooks inside my bag and begin to take a bath.

Pumunta ako sa baba ng nakita ko si manang na naghanda para sa almusal namin ngayong umaga. "Hijo halina at kumain ka na. Naliligo pa si Juan eh."

I joined Manang to eat at nung natapos na akong kumain ay nakita kong tapos nang maligo si Juan sa banyo.

Nung natapos na akong magbihis ay nagpaalam na kami ni Manang.

"Bro, ansakit ng ulo ko ngayon." Sabi ni Juan.

"Huh? Bakit naman ganyan?" Tanong ko sa kanya.

"Basta ayoko talagang pumasok ngayon."

Natawa ako sa sinabi niya, "Hay Juan, swerte mo nga at binigyan ka ng Papa ko ng scholarship para makapag-aral."

Nilingon niya ako, "Nakakahiya naman sabihin bro pero tama ka nga. Sige at pagbutihin ko yung pag-aaral ko."

Pumara kami ng jeep, milagro daw sabi ni Juan kasi hindi naman papara yung jeep doon sa kinaroroonan namin. Bahala na, basta pumunta na ako sa eskwelahan.

We arrived at school in 20 minutes and saw Kelsie standing beside the school gate with a phone on her hands.

"Hello po Miss Kelsie." Bati ni Juan.

"Juan lower your voice at baka sabihin nila na amo mo ako."

"Ay sorry po Miss." Tukso ko sa kanya. Tumawa kami ni Juan and Kelsie just scoffed.

"Anyways pumasok na tayo at baka ma late tayo."

"Huh? Diba 8 naman yung pasok natin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo pero kailangan raw nating pumunta sa Assembly." Nagkatinginan kami ni Juan at tsaka sinundan si Kelsie.

As we entered the school, I noticed a familiar figure standing right infront of the auditorium. I figured it was the same girl I saw when we bought the books, and I found myself right.

She looked lost, I think she needs some help with the place.

When I was about to go near her, I saw a professor I think escort her inside the auditorium. There I saw she nodded infront of a lady. The lady was about her fourties and she had a huge smile while greeting the girl.

"KUYA PETE TARA NA!" Sigaw ng kapatid ko at dali-dali rin akong pumunta sa kung saan sila.