Chapter Two

Enjoy Reading :)

Dismissal time na.

Pagkalabas na pagkalabas ng Last subject Teacher namin which is English ay......

Silenc--

"OHHHH who lives in a pineapple under the sea?!~"

"Bonzai Bonzai!" tinignan ko ng masama si Cass habang ang iba ay nagtatawanan.

"Ayan na galit na yan ohh, galit na yan ohh" asar pa sakin ni Blade kaya tiningnan ko siya ng masama.

Nagtatawanan ulit sila kaya nag ayos na lang ako ng gamit ko at naghanda sa pagui.

"Elle!" napatingin ako kay Paige nang marinig ang pangalan ko mula sa kanya.

"hmm?" nginitian ko siya at tinaasan ng kilay.

"Samahan moko hehe" nag-peace sign siya sakin at nginitian ako.

"Saan?" kinuha ko na ang mga gamit ko at nagsimula nang maglakad palabas ng pinto. Nakasunod lang si Paige sa akin.

"May kikitain ako, yung kinukwento ko sayo nung nakaraan?may usapan kami ngayon. Sa dunkin lang!" tinaas-taasan niya pa ako ng kilay at nakangiti na parang kinikilig.

Bumalik siya sa pwesto niya saglit at nagayos ng gamit bago sumunod sakin. Hinintay ko muna siya at sabay na kaming bumaba para magcr muna bago ko siya samahan sa kung saan man niya balak ako dalhin.

Patuloy lang sa pagdaldal si Paige about sa lalaking matagal na niyang nakakachat. She’s always like this, meeting strangers online and so easy to trust strangers. We never know, those strangers might be your downfall waiting to happen.

But I won't deprive her of her own will though, I'm worried for her but her actions are hers.

I can't do anything but advise her. Though my advice was always ignored by her. Matigas ang ulo ni Paige sa mga ganitong bagay kaya hindi ko nalang pinipilit ang mga sinasabi ko sa kanya.

Hinayaan ko lang siyang dumaldal ng dumaldal at paminsan-minsan ay nagbibigay di ako ng opinyon ko at sumasang-ayon. Lumabas na kami ng cr at pababa na ng hagdan nang tawagin naman ako ni Felicity.

"Ows?" hinarap ko siya at nakitang nasa likod niya sila Jill, Daimon, Axel, Cass at ang mga galamay ni Axel.

Kumunot ang noo ko at tinignan si Felicity ng may nagtatakang tingin.

"San ka pupunta? Diretso uwi ka na? sabay tayo?" sunod sunod na tanong ni Feli.

"Eh? Ba't kasama mo pa mga ugok na yan?" tanong ko at tinignan yung mga kasama niya.

Napatingin ako kay Axel na nagtaas ng kamay at tinaasan siya ng isang kilay.

"Correction Elle, Pogi ......" Inikot niya ang kanyang tingin sa mga kasama niya na nakatingin din sa kanya "....Ako, Elle, Pogi ako hindi ako ugok" Tumingin ulit siya sa paligid niya at nginisian ang mga kasama. "sila pasado pa sa ugok na sinasabi mo pero ako?" itinuro niya ang mukha niya at nginitian ako "Etong mukha nato bagsak na bagsak dun, Elle" nginisian niya ako at nagayos ng buhok

Inirapan ko siya at tumingin sa likod nilang si Paige na pinapanood pala kami at naka-straight face lang.

"Dami mong sinabi" sabi naman ni Cass kay Axel.

Lumapit na sakin si Paige.

"Tara na?" tanong niya

Tinanguan ko siya at hinarap ulit ang mga halimaw na nasa harap ko na nag uusap at nagtatawanan--kasama na dun sila Fel at Jill.

"Mga Nakawala sa mental at naisipang magaral" tawag ko sa atensyon nila.

"Oh" napaharap silang lahat kay Daimon at Duke na sabay na sumagot.

"Ohahahaha mga galing mental pala kayo--"

"Pede ako muna?" putol ko kay Axel

"Sabi ko nga ikaw muna, sungit." bulong ni Axel.

"Kayo nalang magsabay-sabay aalis pa kami ni Paige. Saka para magkaaminan na yung iba dyan ohh!" pagpaparinig ko kay Duke at Feli. Aalis ata silang lahat, narinig ko nung nakaraan ay may usapan silang mag karaoke ngayon.

Tumuloy na kami ni Paige at iniwan na sila roon na naguusap-usap pa.

"Milkshake, Milkshake--"

"Oo na nga eh eto na ohh" sabi ni Paige habang tinuturo ang daan papuntang IHeartMilkshake na tinatahak namin ngayon.

"yesssss" If you will ask me what would be my life support, it would be Milkshake.

Nanguna akong pumasok sa loob ng IHeartMilkshake dahil crave na crave na talaga ako sa Milkshake simula pa last week. Hindi lang ako makapunta rito dahil wala akong kasama. Naglakad agad ako papuntang counter at umorder..

Sumunod din sakin si Paige at umorder na din ng sa kanya. Pagkatapos kong magbayad ay naghanap ako ng mauupuan.

Nakahanap ako ng pwesto sa may bandang sulok na booth kaya doon nalang ako pumwesto.

Maya maya pa ay naupo na din sa harap ko si Paige at kinalikot na ang tablet nya. Ako naman ay chineck lang ang social medias at nagreply sa mga na inbox ko. Wala naman ako masyadong kaibigan kaya wala ring kwenta social medias ko. Puro memes and issues lang nandoon.

Bored na ako't lahat lahat yung hinihintay naming “makikipagkita” raw ay wala pa rin. Napaka tagal naman non, saan ba galing yun laguna?

Nang hindi ko na nakayanan ay sinundot-sundot ko na ang braso ni Paige para mapansin ako. Hindi kasi maalis ang mga mata sa tablet nya. May inaayos o ka chat ata siya doon.

“Hmm?” sagot niya nang hindi pa rin ako pinagtutuunan ng pansin.

“Bored ako.” nagpakawala ako ng malalim na hininga at sinundot-sundot ang braso niya.

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya

"Daldalin moko" bored kong sabi

Itinaas niya ulit ang kanyang tablet at nag scroll na para bang may hinahanap doon.

"How do you call that--"

"Here!" iniharap niya sakin--sa mukha ko ang tablet niya kaya naduling ako ng kaunti.

Nang mag adjust na ang paningin ko ay nanlaki agad ang mata ko at agad na naginit ang ulo ko.

"Sabi ko daldalin moko hindi iyong Ipakita mo sa akin yang picture nayan!" bulyaw ko sa kanya

"Oh atleast di ka na bored, Ohh!" binigay niya sakin ang tablet niya habang nandun parin ang picture na pinaka kinaiinisan ko sa lahat.

"Anong gagawin ko dyan?" pagtataray ko sa kanya

"Torturin mo na sila sa isip mo habang hinihintay natin yung kausap ko" casual na sabi niya

Tinitigan ko nga ang picture na yun.

Picture yon ng crush ko at ng crush ng crush ko na magka akbayan. Magsama sila! Tignan mo tong si Laramie na nakadikit sa crush kong si Kaito, akala mo linta eh hanggang balikat lang naman ni Kaito. Long-legged nga siya sabi nila Paige and Zuri kapag inaasar nila ko pero...excuse me? yes dadaan ako... Didn't they know that small girls are the cutest girls ever? and by the highway! cute ang size namin hindi kami maliit.

Mahaba nga ang buhok niya pero di naman bagay sa shape ng mukha niya. Oblong mukha niya tas mahaba buhok niya sa....ulo. Nagmumuka lang siyang kakambal ni Babalu. Ha! and another Highway! mas cute pa rin short hair kapag Circle yung shape ng mukha noh!

Maputi nga siya at okay lang ang hitsura. Hay~ mas maganda parin ang black beauty at saka kahit saang angulo mo tingnan 'Anggulo' ng itsura niya. Di hamak na mas maganda ako sakanya.

At saka--

"Excuse me Ma'am, Here's your orders" singit ng isang waiter

Nginitian ko siya at binalik na kay Paige ang tablet niya at baka sa hindi ko mapigilan ang sarili ko at mabasag ko ang Tablet niya.

Sa sobrang inis ko dyan sa Laramie na yan, pag-alis na pag-alis ng waiter, ibinuhos ko lahat ng inis at panggigigil ko sa Milkshake ko.

"Kawawa naman si Shakey~" napatingin ako kay Paige na ngayon ay nakatingin sa shake ko habang iniinom niya din ang shake niya.

"Pinakita mo pa kasi sakin yung picture na yun ayan tuloy....pinanggigilan ko ang shake ko" naka-nguso na sabi ko.

"Wag ka ngumuso-nguso riyan kundi hihilahin ko yan" tinignan ko siya ng masama

"Sadist!"

Inirapan niya lang ako at muling nagfocus sa tablet niya. Tumingin nalang ako sa labas at nanood ng mga taong dumadaan.

"Tara na?" napatingin ulit ako kay Paige.

"Eh?" kumunot ang noo ko nang makitang ubos na niya ang Milkshake niya “paano yung kikitain mo?”

“Hindi daw siya makakatuloy, emergency daw." buntong hininga niya

"Hala talkshit? Saka di pa ako tapos sa milkshake ko." tumayo na siya kaya tumayo na rin ako

"Tara na~~ sa byahe mo nalang yan ubusin saka baka pagalitan ka ng Mommy mo" sabi niya at siya na mismo ang humila sakin.