Chapter One.

Enjoy Reading :)

“Hindi nga sa ganon yon--” agad akong pinutol ni Paige.

“Sa ganon yon! Traydor ka, ilang beses kita inaaya tapos malalaman ko nasa bahay nyo ka lang pala. Ang duga ah, hindi mo pa ako inimbita sa bahay nyo!” pag rarant niya.

Inaaya nya kasi akong lumabas kahapon dahil Sunday pero hindi ako pumayag dahil may kaylangan akong tapusin sa bahay. Hindi ko na rin siya inimbitahan dahil ang plano niya talaga para sa araw na iyon ay lumabas. Ayoko namang sayangin yung pagaayos nya sa sarili para lang tumambay sa bahay.

"Yow mga beshicakes!!" nagulat kaming lahat nang biglang pumasok sila Axel sa room.Kasama niya ang mga anino niyang lima.Sina Casiuss, Kane, Duke, Daimon, at si Jett.

"Annyeong-- teka nga! Hoy saan kayo galing?” agad na pumunta si Paige sa kanya Axel at nakipag-kwentuhan na.

"Ano ba yon?" tanong ni Kane.

“Nagtatampo kasi hindi nanaman ako nakatupad sa plano namin" sabi ko nalang at naupo na ulit sa upuan ko

I'm Eleanor Saavedra, Elle for short. Transfer student ako nung first year. I'm always quiet and I would always be in my comfort zone and read a book since i don't know anyone here, pero nung nagtagal tagal ay unti unti na din akong sinasama ng iba kong classmates katulad nalang nina Felicity, Jillian at Cass.

I should introduce my classmates to everyone.

Casiuss Alfonso, Axel Saido, Hank Laurence, Kane Suriano, Duke Gacutan, Jett Geronimo and Daimon Ietayo are ‘the guys’. They are the cliche part in highschool. The guy group of our section. I wouldn’t say they’re handsome or anything but they have their own different strings that will make you want to befriend them

Their friendship is just pure amazing that you will want to be a part of it.

Bace Gunner, Ellis Dela Paz, Paige Dela Cruz, Zuri Delos Reyes, Zane Santiago, Iesha Venice and Adalaide Mateo are my group of friends. Sina Adelaide, Zane and Ellis ang una kong nakilala since magkakaklase na sila ever since grade 1. Bace, Paige, Zuri, Iesha and Me are the transfer students.

Ang sabi nila Daimon ang original daw na magkakasama ay sina Ellis, Zane at Adelaide pero hindi naman daw sila ganoon kaclose, naging close lang daw silang tatlo nang madagdag kami sa grupo. He said, these three were known for their being liberal and quiet but not anymore~

"Elle may extra ballpen ka?"

"wala eh"

"EDI WALA! NAGARAL KA PA!" wow ang sarap isungalngal ballpen ko sakanya eh.

Pero nang nagangat ako ng tingin sakanya ay hindi ko napigilang mapatawa nang bigla syang magpopose na peace na nakanguso pa tas naka bend ng kaunti ang bewang tapos ay umalis na na parang walang nangyari at sa iba naman nanghiram ng ballpen.

Mga abnormal, Bipolar, Nakawala sa mental at may split personalities mga classmates ko.

Maximus Maki, Vincent Steel, Blade Aye at Kale Cruz ang neutral ng room. Chill lang sila at parang may sari-sariling buhay. Minsan naman sumasama sila kahit kanino sa amin pero minsan natutulog lang sila sa room at hindi lumalabas.

Napatulala ako sa sapatos ko, na parang may something rito na nakakamangha para matulala ako. Nag-iimagine na muna ako ng mga kung ano ano pampalipas oras. Ayoko rin namang magsalita dahil nakakatamad kaya hindi na ako nakipag daldalan. Wala pa ang homeroom teacher namin kaya eto nalang ginawa ko.

I was imagining my classmates finding their love and being happy with it. I was super into it and I feel light with the thought of them being happy with their partners. Lalo na si Blade, Blade has always been my top 1 in my ‘classmate rankings’ list. He’s just the kind of a person that has all the good personalities and traits of everyone can wish for.

Then I tried imagining myself with someone...but i couldn't so i tried hard.

"Coffee dates will be good for us too" bigla akong napatingin sa paligid ko nang mapalakas ang pagkakasabi ko.

"Minsa talaga natatakot nako sayo Elle eh" sabi ng katabi kong si Axel na kakaiba kung tumingin sakin

Ganto kasi seating Arrangement namin:

teacher's desk------------blackboard

Zuri--------Ellis-------Kane-------Kale---------------Door

Maxx------Cass-------Zayden------Me------Axel

Paige------Daimon-----Iesha-----Duke------Laide

Zane-----Blade------Jillian------Hank-----Felicity

Vincent-------Jett-------Bace

Nagpapasalamat lang talaga ko na wala pa yung teacher namin dahil kung narinig nya yon ay literal na ibobroadcast niya yung sinabi ko sa buong klase. lumanding ang mata ko kay Paige na nagpipigil ng tawa. Tumingin ako kay Zuri at ganun din siya pati na din sila....LAHAT!!

Paige Dela Cruz, bestfriend ko. Unang encounter namin ay away agad. Basta parang may something sakanya na ayaw ko. Pero nung mas lubos pa naming nakilala ang isat isa ay naging magbestfriend na kami. I figured, kaya ayaw ko sakanya nung una dahil opposite kami ng ugali but that didnt stop fate for making me and Paige be friends. Lahat ng fisrt time ko ay nangyari nang kasama ko siya. Like pagpapagupit before the Maciprisa and kung ano ano pa. Saan kami nagkakasundo the most? Edi sa Libro.

Zuri Delos Reyes. Ewan wala ako madescribe sakanya. Basta katandem niya si Kale na wala din akong madescribe sakanya. Mysterious type kasi silang dalawa eh.

"Hoy Bonzai! daydream ka nanaman." inirapan ko lang si Zane.

Zane Santiago. He is the nerdy type in acads but a crackhead in everythin. Kung ang iniisip niyo na mabait, maamo, at hulog ng langit dahil nerd siya, well think again. Hinulog siya ng langit kasi bawal siya dun.

"hahaha Lt si Elle." tawa naman ni Cass

"Sabi ko sayo Elle wag moko masyadong isipin kaya ayan tuloy napapalakas pagpapantasya mo sakin" tinignan ko ng masama si Jett.

Jett Geronimo, isa sa mga manwhore na kinakainisan ko sa sobrang hangin pagdating sakin. Kasiraulohan niyan umaapaw pagmangaasar na.

"Sabi ko coffee dates will be great for me and my future partner, never kong pagpapantasyahan yung sandamakmak na basura sa janitor’s area" irap ko kay Jett.

"BoomBara!" biglang sigaw ni Daimon.

"Woooohhhh haha paktay ka diha" gatong naman ni Axel.

"Ganon na ba ko ka--” - jett

"Katrash, oo sobra." tuloy ko sa sasabihin niya at nagkantyawan nanaman sila.

"Elle ano ba iniisip mo?" tanong bigla ni Blade

"Ikaw--"

"YOWN" Axel

"BOOM TAMIS" Kane

"MASHAKET BESH!!" bigla namang sigaw ni Cass

Napakunot ang noo ko habang nagtahimikan naman sila at parang naguusap ang mga mata, bakit? kasi parang mga tanga at medyo nakakatakot mga ngiti at tinginan ng mga abnormal nato.

"Pede patapusin niyo muna ko?" dahan dahan kong sabi kasi nakakatakot talaga sila pramis.

Nakuha ko naman ang mga atensyon nila at nagsabi 'sige'.

"Iniisip ko si Blade--"

"YON TAYO EHH"biglang sigaw ni Daimon at nagtawanan nanaman sila

"patapusin muna sya ohh" announce ni Blade

"Iniisip ko si Blade kasi--"

"YOWN--"

"Putspa, isang sigaw mo pa Daimon tatanggalin ko yang vocal chords mo" I cut him off

"HAHAHAHA" napatingin naman ako kay Ellis at tiningnan siya ng masama kaya automatic na sinara niya bigla ang bibig nya pero halatang pinipigilan niya ang tawa niya.

"Kasi nagmomonologue ako tungkol sakanila ng future jowa niya" sabi ko

"Ehh?" takang tinignan ako nila Cass

"Everyone would be lucky to have Blade, since he is Blade and Blade does a lot of things that girls are dying for. I mean, all of you are good but we all know Blade had all the man-awards for being himself” I smirked at them and watched their reactions of dismay and offended that I paliwanag ko

"ahhhh" sabi nilang lahat at nagbalikan na sa sari sariling ginagawa.

Napairap nalang ako sa mga reaksyon nilang lahat.

Felicity Marcus at Jillian Jaquin. Ang mag PIC since forever ng room namin. Parang sina Cassius, friendly and ka-vibe ng lahat. .

Bigla namang dumating na ang homeroom teacher namin kaya nagsari-sarili na kami ng ayos sa kanya-kanyang pwesto.

Nag Good morning siya at binati naman namin siya pabalik. Nagsimula na siyang magturo at lahat ay nagtahimikan na.