Prologue

"Third Person's Point of view"

Kumakain ang Hari at Reyna ng biglang nabitawan ng Reyna ang kaniyang kubyertos.

"Ano ang nangyayari sayo, mahal?"

Tanong ng kaniyang asawa at tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa asawa.

"Mahal ko, m-manganganak na ata a-ako!"

Nauutal na sigaw ng Reyna at parang hindi na alam ng hari kung ano ang gagawin niya kaya kaagad niyang ipinatawag ang pinakamagaling na kumadrona.

Dinala naman ng hari ang kaniyang asawa na reyna sa kanilang kwarto para doon hintayin ang kumadrona na dumating.

Nang dumating ang kumadrona ay agad na lumabas ang hari dahil nag kakagulo na ang mga tao sa labas ng hindi niya malaman ang dahilan.

" Ano ang nangyayari dito?!?"

Tanong ng hari sa mga kawala na nag isa isang kinukuha ang mga gamit na pangdigma. hindi alam ng hari kung bakit iyon ginawa ng mga tauhan niya.

"Ang mga kalaban ay sumusugod na mahal na hari para kunin ang anak ninyo ng mahal na reyna!"

Sabi ng isang kawal kaya agad na bumalik at hari sa kwarto kung nasaan ang reyna na busy sa panganganak at saktong natapos na sa panganganak ang reyna.

"Mahal ko, ano ba ang nangyyaari sa labas? bakit parang nag kakagulo yata"

Tanong ng reyna na hawak-hawak na ang kaniyang anak na babae. Isang babae na kasing ganda rin niya.

"Sumugod na ang kalaban mahal ko. Kaya ang gusto ko sana ay ilayo mo sa mundong ito ang ating mahal na anak. masakit man pero kailangan mo siyang dalhin sa mortal world"

Naiiyak na sabi ng kaniyang asawa at tumango-tango lang ang reyna kaya umalis na doon ang hari para kalabanin ang kaniyang kapatid na kalaban na niya dahil ito ay sakim sa kapangyarihan.

Lumabas ng kwarto ang reyna dala ang kaniyang anak na babae. Dumaan ang reyna sa likod para makatakas.

Tumakbo ng tumakbo ang reyna sa kagubatan at hinanap ang mahiwangang bato.

Sa kabilang banda naman ay busy ang hari sa pakikipag laban sa kaniyang kapatid at mga tauhan nito.

Pinag handaan kasi ng dark master (kapatid ng hari) ang oras na iyon. Pinalakas niya ang pwersa niya kaya. Ang hari naman ay hindi nakapag handa kaya marami sa mga kawal niya ay napatay ng mga kalaban.

Kaya ipinatawag ng hari ang 3 pang mga hari't mga reyna para matulungan sila. Hindi kaagad na nakarating ang mga hari't reyna dahil inatake rin sila ng ibang mga tauhan ng Dark master.

.

.

.

Habang tumatakbo ang reyna ay nasalubong niya ang Asawa ng Dark master at balak nitong kunin sa kaniyang ang anak para mas lumakas ang pwersa nila at para sila na rin ang mag hari sa buong magic world, pero hindi yun hahayaan ng reyna.

Sinugod ng Asawa ng Dark master na si Aleya ang reyna pero umiwas lang ng umiwas ang reyna. naiinis sa kaniya si Aleya kaya hinagisan niya ng kunai ang reyna at hindi niya iyon naiwasan kaya tumama iyon sa kaliwang balikat niya.

Nakakuha ng tiyempo si Aleya kaya sinipa niya ang reyna, nabitawan ng reyna ang sangol kaya agad iyong kinuha ni Aleya ng dumating ang isang dragon at binawi ang sangol kay Aleya at binalik iyon sa Reyna.

"A-ang L-Legendary dragon??? p-p-paano??!!"

Tanong ni aleya pero hindi sumagot ang dragon at sinipa siya palayo ng dragon at tumama siya sa isang malaking puno at nawalan ng malay.

Umalis na doon ang dragon kaya gumawa na ang reyna ng isang portal papunta sa mortal word. pumasok na siya sa loob ng portal.

Tumambad sa kaniya ang isang malaking mansion, iyon ang bahay ng kaniyang kapatid. pinindot niya ang dorm bell at pinag buksan siya ng kapatid.

"A-Ate??? anong ginawa mo dito bakit may sugat ka???"

Nag aalalang tanong ng kaniyang kapatid. binigay niya ang kaniyang anak at saka nag salita.

"Sinugot kami ng dark master. pakiusap, alagaan mo ang aking munting prinsesa. ituring mo siya na sarili mong anak. At pag tungtong niya ng labin pitong taong gulang ay pag aralin mo siya sa akademya sa immortal world."

Pag mamakaawa ng reyna. tiningnan niya ang anak na hawak ng kaniyang pakatid at hinalikan. isinuot niya ang kwintas sa sanggol.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita aking prinsesa..."

Naiiyak na sabi ng reyna at pinunasan niya kaagad ang kaniyang luha at tumingin sa kaniyang kapatid. tumango ito at umalis na.

Pinasok naman ng babae ang sanggol na binigay ng reyna. Inalagaan niya ito at itinuring na parang anak niya

~~~To be continued