"Hydra's POV"
Nakauwi na ako sa bahay namin at naabutan ko si mommy na hinintay ako. malungkot siya at hindi ko alam kung bakit.
Ayaw kong nakikita siyang malungkot kasi mahal na mahal ko siya kahit makulit, pasaway at matigas ang ulo ko ay mahal na mahal ko si mommy.
"Mom? bat parang malungkot ka? what happend?"
Sabi ko at umupo sa tabi niya. hindi ko pinahalata na malungkot rin ako kasi ayaw raw niyang nakikita akong malungkot.
Binaba ko na rin sa lapag ang dala-dala kong bag. mabigat kasi masakit na sa balikat.
"N-NO! I'm okay sweetie! how's your school? nakipag away ka nanaman ba???"
Nakangiting sabi niya at pilit na pinasiglag ang boses niya. Alam kong may problema siya pero baka nag kamali lang ako.
Haist!
"Ok lang din naman mom! sige papasok na muna ako sa kwarto ko! mag bibihis lang Muna ako"
Tumango lang siya kaya pumasok na ako sa kwarto ko. Pero hindi pa ako nakapapasok ng makita ko si Felix ang makulit kong kapatid.
Kaya tinawag ko siya para tanungin kung bakit malungkot kong naabutan si Mommy.
"Bakit malungkot na naabutan ko si Mommy kanina? alam mo ba kung bakit? may problema ba siya?"
Sunod-sunod na tanong ko sa kapatid ko pero nag kibit balikat ng siya at pumasok na sa kwarto niya.
Kaya pumasok na rin ako sa kwarto ko at hindi na inisip yun.
Nag bibihis ako ng may marinig akong malakas na mag sabok sa baba kaya dali dali kong tinapos ang pag bibihis ko at saka ako bumaba.
Nakita ko rin pababa si Felix kaya nag kasabay na kami.
Nakita namin si mommy sa kusina na duguan at nanghihina si Mommy at dahil sa ginawa ng 3 lalaking nakaitim hindi ko sila mamukhaan dahil sa mga maskara nila.
Galit na galit ako dahil sa ginawa nila kay mommy alam kong ganun ri si felix. pakiramdam ko ay mag apoy sa loob ng katawan ko na gustong kumawala.
Kinuha ko yung kutsilyo na malapit saakin at binato ko doon sa isa, hindi niya iyon na iwasan sa sobrang bilis kaya tumama iyon sa kaniyang ulo.
Hindi ko pala nasasabi na black belter ako sa Taekwando kaya kaya ko rinng protektahan ang sarili ko. Hindi ako nananakit ng kapwa pero pag sumusobra na hindi ko hahayaang makaalis pa yun ng buhay.
Sinaktan nila si mommy kaya hindi ko sila paalisin ng buhay sa loob ng pamamahay na ito.
"Kung sinabi mo sana saamin kung nasaan at anak ng Reyna hindi ka masasaktan! pero matigas ka! kaya yan ang bagay sayo!"
Sigaw nung leader nila kay mommy.
Reyna???
What does he mean???
Hindi ko maintindihan ang pinag sasabi niya.
"Sino ka ba???!!! bakit mo sinaktan si Mommy???"
Sigaw ko sa kaniya pero tumawa lang sila ng nakakaloko na ikinainis ko. Ako pang pinag tatawanan nila.
"Wala ka namang kayang gawin saamin bata! whahaha malakas kami at trained na ikaw? whahaha isa ka lang payatot na babae whahaha!!!"
Nag sitawanan lang sila.
Iniinsulto panila ako!!! nakita ko at isang katana sa tabi ni mommy at sumugod sa kanilang dalawa para makipag espadahan!
Malakas nga sila at parang hindi ko sila kaya. Para bang 100 taon na silang nag ensayo para lang maging ganun kalakas.
Masasaksak na sana ako nung isnag lalaki pero naiwasan ko iyon. Hinawakan ko ang katana niya at yun ang ipinangsaksak sa kaya kaya yun dumudugo yung kamay ko.
1 down
Kaya isa nalang ngayon. Yung leader na nila at tatapusin ko.
Pero may mga salita siyang binanggit na hindi ko maintindihan at bumukas ang isang portal?!
What?!
Imposible yun!
"Hindi pa ito ang huli nating pag tutuos! mag kikita pa tayo sa kabilang mundo! whahaha"
Yan ang huling sabi niya at pumasok na siya sa portal. At biglang nag laho.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko. Ang mga bagay na imposible ay naging posible sa kaniya.
Anong klaseng nilalang ba siya? tao nga ba talaga siya? isa siyang halimaw!
"A-Ate! s-si mommy!!!"
Sigaw ni Felix kaya dali-dali akong lumapit sa kaniyang dalawa. Nanghihina na si mommy hindi na niya kaya. H-hindi ko siya kayang mawala hindi namin kaya. Paano na kami? sino na ang mag aalaga saamin???
"Mommy! p-please. wag m-mo kaming iiwan ni Felix! p-please!"
Umiiyak na sabi ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang duguang mga kamay.
Umiling-iling naman siya.
"A-Alam kong m-m-mangyayari n-na it-ito anak... Ha-handa na a-ako... S-sorry sayo h-hydra d-dahil nag si-sinungaling a-ako sa-sayo..."
Nauutal na sabi ni mama...
Ano bang ibig niyang sabihin? may tinatago ba ba siya???
"Anong i-ibig mong sabihin mommy?"
Tanong ko sa kaniya.
"Y-you A-are n-not m-m-my D-daughter! I-if you w-want t-to know e-everything p-pumunta kayo s-sa C-Celesian Fire U-University. Doon k-kayo m-mag a-a-aral ni f-felix... Please m-makinig k-kayo s-saakin... l-ligtas k-kayo d-doon... Ipangko mong a-aalagaan mo a-ang k-kapatid mo... I-ikaw n-naman felix w-wag m-maging m-m-mabait ka na... A-at k-kahit hindi k-kayo t-tunay na m-magkapatid ay m-mahalin n-ninyo a-ang i-isat isa i-ipangako niinyo yan saakin m-mga anak... M-mahal na m-mahal ko k-kayo... P-p-p-paalam na..."
Yan ang huling sinabi ni mommy bago siya pumikit. Mga katagang lagi kong aalalahanin at hinding hindi ko kalilimutan kahit hindi ko siya tunag na ina ay mahal na mahal ko siya at hinding hindi ako galit sa kaniya kahit hindi niya sinabi saakin ang totoo dahil alam kong para saakin rin naman yun.
Napahagulgol nalang ako ng iyak, ganun rin si Felix. Ngayon ay dalawa nalang kami dahil wala na si Mom.
Ang Celestian Fire Academy ay isang school sa Immortal World. May libro kami nun at lagi akong binabasahan ni mommy noong bata pa ako.
Ang akala ko ay kwento kwento lang yun pero totoo pala ang lugar na yun.
~~~To be continued