"Hydra's Point of View"
"She's My Mother"
Simpleng sabi ko lang sa kaniya.
"Wow! kaya isa ka rin palang prinsesa! cool! hehe pero ang balita ko ay napatay siya ng mga tauhan ni Dark Master or ang Dark King, condolence. Ah hintayin nalang muna natin yung isa nating kasamahan kasi nag bibihis pa iyon ewan ko nga kung bat ang tagal niya eh. Pero sige pumasok ka nalang muna sa magiging kwarto mo para makapag ayos ka na hihintayin ka nalang namin dito para maipakilala na kita sa kaniya"
Mahabang sabi niya kaya tumayo na ang para pumasok sa kwarto ko.
Ang dorm na ito ay merong tatlong bed room at tig-iisa kaming tatlo doon yung kwarto ko ay doon sa pinaka dulo.
Pero nag taka ako dahil pag pihit ko doon sa door knob ay naging kulay apoy ang pinto pero take note hindi po siya nasunog huh!
Naging kulay apoy lang means kulay red.
Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok nalang sa loob.
"Nathalia's Point of View"
Tumayo na si Hydra para pumasok sa kwarto niya. Nasa tapat na siya ng pinto sa kwarto niya at pag pihit niya ng door knob ay naging kulay pula ang pinto. Nagulat siya dahil sa nakita niya kahit ako ay nagulat dahil kapag pinipihit naman namin ang door knob ng pinto namin ay hindi naman nag iibang kulay yun.
Nakakapag taka lang. Haist! bahala na si batman! ayaw ko nang mag isip pa ng kung ano-ano dahil ayaw kong mai-stress noh! baka pumangit pa ang magandang si ako.
Baka hindi na ako lapitan ni James kapag pumangit na ako. Love na~~~ haist wala yun.
Lumabas na ng kwarto si Silver at nakaligo at nakabihis na siya. Nakaluto na rin ako ng lunch namin.
"Bat ganun ang pinto?"
Curious na tanong ni Silver. Ang tinutukoy niya ay yung pinto ni Hydra pero nag kibit balikat lang ako at sinabi ko sa kaniya na nandoon na ang new dormate namin.
Maya maya pa ay lumabas na rin si Hydra para kumain.
"Hi! ako nga pala si Silver haine! isa ako sa mga prinsesa sinabi na rin ni nathalia ang tungkol sayo! nice to meet you Hydra!"
Masayang sabi ng kaibigan kong si Silver.
Bata pa lang kami ay mag kaibigan na kami at lagi kaming mag kasama. Hindi kami mapag hiwalay dahil napamahal na kami sa isa't isa kahit nag aaway kami minsa.
"Nice to meet you too, Silver!!!"
Sabi rin ni Hydra. Nag shake hand naman silang dalawa. Mukhang mabait naman si Hydra at madali naming makakasundo.
Nag umpisa na kaming kumain ng may kumatok sa pinto at dahil tinatamad akong tumayo ay si Silver na ang nag bukas nun.
"Silver's Point Of View"
May kumatok sa pintuan at alam kong tinatamad si Nathalia na tumayo kaya ako na ang nag bukas. Isang lalaki iyon at mas bata saakin ang pag kakatantya ko.
Matangkad siya pero dahil mas bata siya saakin ay mas matangkad ako sa kaniya.
"Hi! Ano ang kailangan mo? diba bawal kayo dito sa Girls Dorm Building?"
Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya
"Ah oo bawal po ako dito. Pero dito po ba ang dorm ni ate Hydra?"
Tanong niya saakin at tumango naman ako. sino kaya siya at bakit niya kilala si Hydra? eh transferee pa lang naman si Hydra eh.
"Pwedeng pumasok?"
Tanong niya kaya tumango naman ako. Pinapasok ko siya at dinala kay hydra.
"What are you doing here? diba bawal pumunta ang lalaki sa dorm ng mga babae?"
Sabi ni Hydra sa batang lalaki. so, mag kakilala pala sila. ngumiti lang ang lalaki at umupo sa tabi ni Hydra.
"Anyways! kumain ka na ba?"
Tanong ni Hydra at umiling naman ang lalaki. Ako naman ay umupo na sa upuan ko para kumain. binigyan naman ni Hydra ng plato ang lalaki. Sinandukan niya rin ang lalaki ng kanin at ulam.
Wow naman! ang alaga naman niya at sweet.
"Wala ka bang dormate?"
Tanong niya sa lalaki. Ang lalaki naman ay sunod sunod na sumubo ng ulam at kanin kaya hindi siya agad nakasagot.
"Uhm. Meron kaso di ko sila ka close at sa cafeteria sila kakain. Ayaw ko kasing kumain sa cafeteria kaya hinanap kita para sainyo nalang makikain"
Paliwanag ng lalaki.
"Nga pala. Sino pala siya, Hydra?"
Curious na tanong ni Nathalia. Kahit ako ay ganun rin ang tanong ko.
Baka naman mag-pinsan sila o ano pero imposible naman ata iyon, hehehe.
"Uhm, he's my little brother"
Simpleng sabi ni Hydra.
Ahh so mag kapatid pala sila kaya ang sweet niya kanina. Haist sana may kapatid rin ako pero wala eh. Nakakaingit naman siya.
"Ako nga po pala si Felix Taylor, i'm 15 years old"
Pag papakilala ni Felix. Gwapo siya parang si Hydra maganda. hindi sila mag kamukha pero baka magkaiba lang sila ng pinag manahan.
Nang matapos kaming kumain ay umalis na rin si Felix dahil babalik na raw siya sa dorm kaya hinayaan na namin siya. Si Hydra na ang nag hugas ng mga plato. Pag katapos ay napag desisyonan naming ilibot si Hydra sa buong school para hindi siya maligaw kung umalis siyang mag isa.
iIuro namin sa kaniya kung saan matatagpuan ang field kung saan nag lalaro o nag eensayo, ang garden na walang katao-tao, ang library na puno ng mga nerd, classroom na wala pang students, cr na mabaho hahaha joke lang malinis yung cr dito sa school dahil laging nililinisan ng janitor.
Pinakita rin namin sa kaniya ang iba't ibang rooms dito sa buong school. Pumunta naman kami sa likod para ipakita sa kaniya ang syudad. Nandoon ang mga tao. may mall, arcade, at marami pang iba.
Pero kapang mondays to saturdays ay hindi pwedeng pumunta sa city at tuwing sunday lang ang pwede.
Pagod kami dahil malawak ang buong school kaya nag meryenda muna kami sa cafeteria.
"Haist kapagod naman!"
Pagod na sabi ko.
"Nga pala! dapat lagi kang sumama saamin para walang mangbully sayo, may bully kasi dito at mga trasferee ang laging napagti-tripan"
Tumango lang si Hydra at kumain. maging siya ay napagod rin kasi nga malaki ang school at nilakad lang namin iyon.
"Bukas na ang leveling Kaya dapat mag handa ka dahil kailangan mong labanan ang student na naka assign saiyo"
Sabi ni Nathalia sa kaniya tumango lang naman siyang at patuloy pa rin sa pag kain. matipid siyang mag salita pero alam kong mabait naman siya dahil nakita ko kung paano niya alagaan ang kapatid niya.
I want... No... We want here to be our friend.
"Ano bang meron sa Mortal world na wala ito sa Immortal world? ano ba ang maganda doon?"
Napahinto naman siya sa pag kain dahil sa sinabi ko. Umiling-iling lang siya kaya hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin niya kung bakit siya umiling.
"Uhm. I guess, maraming pag kakaiba ang mortal world sa immortal word. Una sa lahat mortal ang nakatira doon samantalang dito ay mga immortal. Maraming magagandang buildings doon pero wala kang matatawag na fresh air doon kasi hindi nila pinangangalagaan ang kalikasan. Konti nalang ang malalawak na kagubatan at mapunong bundok doon. Kung magic ang tawag dito sa mahika ang mga kakaibang bagay doon naman sa mortal world ay Science. Kung dito ay nabubuhay kayo sa magic doon naman ay nabubuhay ang mga tao doon sa science. sa tingin ko yun ang pag kakaiba"
Mahabang paliwanag niya. Parang ngayon lang ata siya nag salita ng marami huh, buti nalang at naitanong ko sakaniya.
Pero saan nga ba mas magandang tumira? doon or dito?
Hindi ko alam kasi hindi pa naman ako naka punta doon kasi hindi pa naman kami nabigyan ng Mission doon sa Mortal world eh. At kung may kailangan namang gawin doon ay sa mga senior students binibigay ang mission.
Sabi kasi ni HM ay masyadong delikado daw saakin yun kaya mga senior ang gumagawa ng mission. Mas magagaling kasi sila saamin at sanay na sila doon kasi may ilan sa mga senior ay doon na lumaki.
"Ahh ganun pala? Mahirap bang tumira doon o madali lang?"
Tanong naman ni Thalia.
"Mahirap kasi ang ibang tao doon ay mapanghusga at mapagmataas. Yung iba namang mayaman doon ay ginagamit nila ang yaman o connection nila para makasakit at mas mahigitan pa ang iba. Madali namang tumira doon dahil sa technology"
Muli niyang paliwanag.
Ganun pala ang mga tao doon. dito kasi konti lang ang mga ganun. marami ang mababait dito pero hindi lahat ay mabait.
Buti at nakayanan niyang tumira sa ganun lugar. Pero sigurado akong may mga magagandang lugar pa doon na pwedeng puntahan.
"Anyways. bat niyo nga pala natanong ang mga pamumuhay sa mortal world? hindi pa ba kayo naka punta doon?"
Tanong naman niya saamin
"Uhm, Acutually hindi pa kami nakapunta doon. Pag kasi bibigyan kami ng mission ay dito lang sa Immortal world dahil sa mga senior students binibigay ang mission kung sa mortal world iyon. sabi kasi ni HM delikado yun para saamin"
Tumango lang siya at nag patuloy na kami sa pag kain. Nang matapos ay bumalik na kami sa dorm para makapag pahinga na. Nakakapagod kasi ang araw na ito. dumiretsyo na ako sa kwarto ko at natulog na kahit hindi pa gabi.
Hehehe
~~~To be continued