Black Death's Lover

CHAPTER 8:( Black Deaths Lover)

Kinaumagahan ay muli kaming kumain apat ng nilagang kamote. Bago umalis ang tatlo, para muling magbungkal ng lupa.

Wala akong balak umalis ng hideout ngayon dahil madami pa naman kaming maaaring makain pa. Wala din akong balak gawin na kahit ano bukod sa pagbabasa ng aklat sa medisina. Marami kase akong nakitang mga halamang gamot sa may tabi ng ilog, ng naisipan kong linisin ang sako ko.

Kinuha ko ang mga ito, at itinanim sa mga napulot kong mga delatang walang laman. Saka tinignan ang librong hawak, upang malaman kung anong klaseng mga halaman yun. Isa isa ko ding nilagyan ng label ang bawat isang halamang aking tinanim gamit ang pinilas na parte ng libro, na walang sulat. At ang uling na ginagamit naming pangluto.

Nilagyan ko ng tape ang parte ng lamesang pinagdikitan ko ng label ng mga halaman saka ipinatong sa tapat ng mga label ang mga halamang tumutumbas sa bawat isa.

Sumubok din akong gumawa ng mga syrup galing sa mga pinaghalohalong halaman, mga gamot sa sugat, pasa, lagnat, ubo, sipon, etc. Na inilagay ko sa mga garapong iniipon nila Sean sa may baba ng tunnel, na malay kung para saan.

Katatapos ko pa lamang aralin ang mga halamang gamot at mga function nito ng maramdaman kong mayroon muling pumasok sa loob ng hideout. Alisto akong humawak ng dalawang punyal saka itinago sa aking bandang likuran.

Mataman kong tinitigan ang lalaki sa aking harapan. Maitim ang kulay ng balat nito, at may tattoo din ni kamatayan sa may bandang dibdib. Nakasuot ito ng itim na sando, at itim na pants. Wala na makikita sa kanya pag gabi.

Parang gusto ko matawa dahil sa kalokohang naisip ko. Matangkad ang lalaki at may malaki ring pangangatawan. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sakin.

"nasisiguro kong ikaw ang pumatay sa pinakamamahal kong si Black Death! At sisiguraduhin ko ding maipaghihiganti ko sya sayo!!! Hindi ako makakapayag na isang kutong lupa lamang na katulad mo ang makakapatay sa kanya! Sisiguraduhin kong dun ka mabubulok sa impyernong bata ka!!!" galit na sigaw nito sa akin saka naglabas ng dagger.

Sinugod ako nito habang inaamba ang kampit sa akin na agad kong naiwasan. Tumama ang pag atake nya sa lamesang kanina ko pa pinaghirapang ayusin na nakapagpangiwi sakin. Nagawa kong ibato sa noo nya ng walang kahirap hirap ang dagger ko ng subukan nya akong lingunin. Sobrang bilis, na hindi nya nagawang iwasan. Bumagsak sa lupa ang katawan ng baklang jowa ata ni kambing.

Nilingon ko ang kanina ko pa pinaghirapang ayusin. At inis na sinipa ang muka ng lalaking may dahilan ng pagkasira nito.

"mali ka. Hindi ikaw ang nagdala sa akin sa impyerno, kundi ang aking ama! At sisiguraduhin kong hindi ako ang mabubulok dito sa impyernong ito, kundi kayong mga Dark Claws, kasama ang aking demonyong ama!" inis na turan ko saka muli syang sinipa.

Binuksan ko ang lagusan papunta sa tunnel. Saka basta na lamang inihulog ang bangkay ng lalaki.

Lingid kase sa kaalaman nila Sean ay gumawa din ako ng sariling lagusan papunta sa may storage house, at sa likod bakod ng Dark Claws.

Tumalon ako papuntang tunnel, at pabalang na hinila ang bangkay ng lalaki. Pumasok ako sa lagusan papunta sa may likod bakod para isama na ang baklang jowa ni kambing. Pagkarating ko duon ay wala pa din akong nakitang bantay. Luminga linga ako sa paligid at nakitang inalis na nila ang ibang parte ng katawan ni kambing at itinirang nakatusok sa tuktok ang ulo ni kambing. Nilalangaw na ito, at nangangamoy pero mukang wala silang balak alisin yun.

Pinutol ko din ang ulo ng lalaking aking hila hila, saka iniwan ang katawan nito, at itinusok sa tabi ng ulo ni kambing.

"ayan! Bagay na bagay talaga kayong dalawa! Ang ganda nyo dyan! Para kayong mga pigurin. " nakangisi kong saad saka muling nagpunta sa malapit na ilog, at naglinis ng sarili.

Nanguha din ako ng ilan pang mga halamang gamot, saka dinala ito sa sikretong lagusang ginawa ko papuntang hideout.

Nilinis ko ang lahat ng bakas ng kaguluhan kanina, pati na rin ang sa tunnel. Saka muling inayos ang mga nasirang pananim na ginawa ko, at pinalitan ng bago.