Fujiwara Family

CHAPTER 16 (Fujiwara Family)

Makalipas ang tatlong araw, na paghahanda, ay nakarating kami ng matiwasay sa Osaka. Oo! Inabot kami ng tatlong araw sa paghahanda, kase nag iinarte pa ako, gusto ko kase sa may Puerto Prinsesa magpunta, kaya inabot ng tatlong araw sa pangungulit ng dalawa sakin. Yes ulet, dalawa lang! Si Sean lang saka si Kurt dahil si Josh ay mas gugustuhin na lang daw nya matulog sa loob ng isang linggong bakasyon kesa magpunta sa kung saan saan, na mabilis kong sinang ayunan dahil hindi nga din naman talaga masamang ideya ang magbakasyon nalang sa loob ng sariling bansa, sa loob ng sariling Unit at makipag date sa kama.

Pero mukang hindi ganon ang klase ng pag iisip ng dalawang kolokoy kaya napilitan pa kami ni Josh na makigulo sa kalokohan ng dalawa. Hindi rin kase pedeng umalis yung dalawa ng sila lang. Dahil bukod sa maarte sila, at gusto pa ay kumpleto kaming apat. Ang isa pang rason ay dahil naka specific sa memo na natanggap namin na para sakin ang bakasyon at sabit lang talaga ang tatlo, dahil parati kong kasama. Pakiramdam ko nga ay konting push pa, at magkakapalit palit na kami ng mga muka.

Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin, at makarating sa airport. Ay agad kaming sinalubong ng isang gwapong hapon, na may dalang 1 yr old na baby. Sobrang cute nung batang lalaking buhat buhat nya, na mukang pinagcombine na version ni Ms Kaz, at nung lalaking hapon na may dala rito. Hindi ko naiwasang hindi mapangiti sa sweetness na pinakita ng mag asawa, pagkakitang pagkakita pa lamang sa isat isa. Sinalubong agad nila ang isat isa ng yakap at halik.

Agad kong inalis ang ngiti sa aking labi ng mapansing lilingon sa gawi ko si Ms Kaz.

" the four of you! Come over and meet my husband and my son" tawag pansin samin ni Ms kaz.

Na tinalima naman naming apat. Si Iris ay busy pa din sa pagkuha ng mga gamit namin.

Napaka wawalangya talaga nitong tatlong to! Abay hinayaan na si Iris ang kumuha ng mga dala naming maleta mag isa!

"Oi! You three! Dont you have any plan on helping Iris on getting our baggage? " inis na tanong ko dun sa tatlo na tatawa tawa naman nilang sinunod.

Nang makarating ako sa dereksyon nila Ms Kaz ay agad inilahad ng batang lalaki sa akin ang kanyang kamay. Simbulo na gusto nyang magpabuhat sakin.

"Hiro! Kakikita kita mo palang kay Rinleigh nagpapabuhat ka na agad? Dyusko kang bata ka" natatawang turan ni Ms Kaz sa batang lalaki na sinagot lamang nito ng dila, na nagpatawa sa aming tatlo.

" nako baby Hiro! Matinik ka rin talaga sa chix e no? Manang mana ka talaga sa daddy mong pogi!" pagbubuhat ng sariling bangko ng lalaking may hawak sa bata, saka ibinigay saakin si Hiro na nakangiti ko naman kinuha.

Ginulo gulo nito ang buhok ng bata saka pinanggigilan ng halik sa pisngi na kinatawa ng batang lalaki.

"Hello baby Hiro! Mabaet ba ang baby namin? Ilang taon ka na baby?" sabi ko kay Hiro sa maliit na boses, waring ginagaya ang klase ng boses na meron ang bata.

Hindi ako nito sinagot bagkus ay magiliw lamang nitong pinaglaruan ang buhok ko, saka nilaro laro ang butones sa damet na suot ko.

Nang makarating ang apat sa pwesto namin, ay agad kaming pinakilala ni Ms Kaz kay Akihiro Fujiwara na syang asawa nya. Magiliw nya naman kaming tinanggap at nagpasalamat sa amin sa pag aalaga daw namin sa asawa nya sa loob ng impyerno ng Dark Claws. Nang makitang ayos na ay giniya na kami Mr Akihiro kung saan nakapark ang van na dala nya saka kami pinasakay rito.

Hanggang sa loob ng sasakyan ay talagang hindi umalis sa pagpapadala sakin si Hiro na syang kinatuwa ko ng husto dahil mahilig rin talaga ako sa bata.

Nilalaro laro siya ni Sean at Kurt na syang nasa magkabilang tabi ko sa may bandang likuran ng van. Sa harapan naman namin ay tahimik na magkatabi si Iris na nakikinig sa music sa sariling phone, at si Josh na may kinakalikot na naman sa may laptop nya.

"Hey baby hiro look! Theres a bird!" turo ni Sean sa labas habang kinukuha ang atensyon ni baby Hiro na nakaupo sa may kandungan ko, at busyng kalikutin at larularuin ang mga daliri ko.

" awww, dont you think its unfair? Dude! Weve been asking for baby Hiros attention since the time we met him, and yet he couldnt give us, even a single glance!" maktol na reklamo ni Kurt sa may gilid ko.

"Maybe he doesnt like talking to annoying and loud gays like you Kurt" asar ni Josh sa may unahan na busy paden sa pagkalikot sa laptop nya.

"FUCK YOU DUDE! IM NOT GAY!" asar na turan ni Kurt na mas lalong nagpatawa sa aming lahat.

Hanggang sa makatulog si baby Hiro ay hindi talaga nito pinansin ang tatlo, kahit pa ilang beses na sila nagpapansin. Hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala ako. Pag gising ko, ay nasa tapat na kami ng isang malaking Japanese mansion na madalas ko lamang makita sa mga animes nung bata pa ako.

Ginarahe ni Mr Aki ang sasakyan sa malawak nilang garahihan , saka kami giniya papasok sa loob ng mansion.

"Welcome to our humble abode" magiliw na turan ni Ms Kaz, habang nakalahad ang isang kamay at pinapakita ang kabuuan ng bahay.