His Burial

Kinabukasan ay nagtipon tipon ang lahat para sa pagdadaos ng libing ni Sean.

Tulad ng isang magiting na hari, ay inilagay ang bangkay ni Sean sa isang balsang punong puno ng mga ibat ibang klase ng magaganda at mababangong bulaklak.

Suot namin lahat ang mga tradisyunal na kasuotan ng isang Korean's nuong panahon ng mga royalty's.

Nang idaos nila ang panalangin kay Sean ay hindi na matapos tapos ang luha ko. Humahaguhol ako ng iyak. Hindi parin tuluyang matanggap na patay na ang lalaking pinakamamahal ko.

Inabutan ako ng pana ng isa sa nagbigay ng panalangin sa kaluluwa ni Sean. Sinindihan nila ito ng apoy, saka ko itinutok sa papalayong balsa ng bangkay ni Sean, saka ko pinakawalan ang arrow na agad na tumama sa balsang lumulutang sa may sapa.

"I love you Sean,

and goodbye forever....

my love." umiiyak kong turan saka hinawakan ang tatlong bitones na nakatali sa aking leeg.

Ang butones ni Kurt, Sean at sakin...

***FLASH BACK***

Nandito ako ngayon sa may selda nila Sean, bumalik ako rito dahil hindi ko na makayanan ang ingay sa kabilang kwarto ng mga assassins.

Mayat maya ay may kumakatok sa aking mga lalaking alipin na nagnanais na galawin ko kapalit ng isang pirasong tinapay.

Hindi ko naman yun ginagawa, kaya naman basta ko na lang sila binibigyan wag lang nila istorbuhin yung pagtulog ko, kase masakit pa yung katawan ko.

Pero wengya talaga! Ang dami nilang nakaabang sa labas, yung iba ay pag nabigyan ko na ay ok na, pero yung karamihan talaga sa kanila e nagpupumilit na galawin ko sila. Parang mga tanga lang.

Tapos yung mga ungol pa sa kabilang kwarto kelalakas, nakakadiri! Kamuntik ko na nga pasabugan ng bomba yung mga tao dun na napakalalaswa.

Nung nainis ako, ay tumakas na lang ako sa kwarto ko at heto ngat andito na ako ngayon sa selda nila Sean.

Bandang alas dyis ng gabi ng dambahin ko silang tatlo sa may selda, na nagpagising sa kanila.

At syempre, nakatikim na naman ako ng malakas na batok mula kay Josh kase napagtawanan ko sya ng sobra, dahil sa itsura nya na sobrang gulat ng dambahin ko sila habang natutulog.

"the hell Rin! Didn't you see were already  sleeping soundly?" inis na turan ni Josh na sinagot ko lang ng dila.

Babatukan nya sana akong muli nang harangan sya ni Sean.

"what bought you here Rin? Don't you have room there?" takang tanong ni Sean saka pinisil ng sobra yung pisngi ko, habang hinihila ito.

"shtop itsh! Itsh fweaking hurtsh!" sabi kong pinisil din ang pisngi nya.

"thshen why are chu heresh?" sagot naman nya saka binitawan na ang pisngi ko.

Kaya pareho kaming hinihimas ang magkabilang pisngi.

"i dont want in that freaking room! Slaves are asking so much to get laid by me!" reklamo kong nakanguso.

"So you dont want to get them laid? Want to do it with me then?" maharot na nakangisi sakin si Kurt!

Kolokoy talaga. Kaya nginisian ko din sya.

"sure! Wanna do it here now?" ngisi kong turan saka tinulak ang nakaupong si Kurt sa may dayami, saka sumampa sa may bandang tyan nya.

Nakita ko naman ang sabay sabay na paglunok nung tatlo, lalo na si Kurt na nasa ilalim ko ng, simulan kong tanggalin ang tshirt ko sa harapan nila.

Pero gayon na lang pagkadismaya ni Kurt ng makitang may suot akong sando sa loob nito.

"kidding! Bleh!" pang aasar ko sa kanila, na nakapagpainis lalo sa kanilang tatlo.

"you got us for a second there, kiddo!" asar na wika ni Josh na hinawakan ang kaliwang kamay ko.

Ganon din naman ang ginawa ni Sean sa may kanan ko, habang si Kurt naman ay syang pumaibabaw sakin. What the freaking hell!

"BOYS! ATTACK!" sabay sabay na turan ng tatlo, saka ako sinimulang kilitiin.

Napuno ng tawanan naming tatlo ang kabuuan ng selda.Panay naman ang piglas at palag ko, sa kanila. Para makaiwas sa mga kiliti nila. Pakiramdam ko ay tatakas ang kululuwa ko sa klase ng pangingiliti nila. Nakalimutan ata nilang marami pa akong sugat! Mga wengya talaga!

Nang matapos sila sa pangingiliti, ay isa isa ko silang pinagsasapok sa muka.

"had you guys forgotten that I'm not yet fully healed?" reklamo ko sa kanila.

Agad naman na nagsilaki ang kanilang mga mata, na tila ngayon lang naalala yung nangyare kahapon. Kaya naman agad akong nag inarte na kunwari ay talagang napuruhan ng kanilang pangingiliti.

"ah- ouch! I think my stiches is open! Ouch!" arte kong may pangiwi effect pa.

Agad namang nagpanic yung tatlo, at di malaman kung saan ako hahawakan.

"does it really hurt?" alalang tanong ni Kurt.

"im sorry, I forgot you haven't  healed!" alalang paumanhin naman ni Sean.

"where are you hurt? Tell me?" nag aalala ding tanong ni Josh.

Nang makita kong nakafocus na silang tatlo sa mga sugat ko, ay kinuha ko ang pagkakataong yun para halikan silang tatlo sa pisngi.

Dalawang araw palang ako namamalagi sa kuta ng mga assassins ay sobrang namimiss ko na agad ang tatlong kolokoy na ito.

Agad naman silang nag iwas ng tingin sakin habang namumula ang buong muka at tenga.

"I want to sleep here again like before! And im not asking for your permission!" masayang turan ko saka nahiga na sa gitna ni Josh at Sean sa may dayami.

Hindi naman na kumibo ang tatlo, saka tahimik na lamang na nahiga sa tabi ko. Ipinaunan pa nga sakin ni Josh at Sean ang braso nila, kaya mas lalo akong napangiti.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap nilang dalawa sakin, maya maya pa ay napansin ko na din ang kamay ni Kurt na yumayakap rin sakin sa kabilang parte ni Josh.

"we miss you Rin! So much." masuyong bulong ni Sean sa tenga ko.

Na mas nagpalawak ng ngiti ko.

"once we get through this hell together, promise me that the four of us will go to a Park and spend time together! Deal?" nakangiti kong turan na agad naman nilang sinang ayunan.

"DEAL!" sabay sabay nilang turan.

***FLASH BACK END***

Mas lalo akong naiyak ng maalala ko yung mga panahon na magkakasama kaming apat.

Nangako kayo hindi ba? Nangako kayong magpupunta pa tayo sa Park! Pero asan na kayo ngayon?

Iniwan nyo na ako! Iniwan nyo na ako mag isa! Bakit kase ang dadaya nyo?

Pinahid ko ang aking sariling luha, habang matamang nakatitig sa balsang tuluyan nang tinutupok ng apoy.

"pangako, pagbabayarin ko ang taong gumawa sa inyo nito." matigas na saad ko, saka tumalikod na, at naglakad papalayo.