Out of Hell

RINLEIGH'S POV

Makalipas ang dalawang taon, ay saka ko pa lamang napagdesisyunang muling bumalik sa Pilipinas. Bagamat sinabihan na ako nila Mr Kang na manatili na lamang sa North ay nagdesisyon parin akong bumalik.

Ito ay dahil gusto ko ng muling makita si Nanay. At dahil may isa pa akong misyong hindi naisasakatuparan.

Pagbalik na pagbalik ko sa Pilipinas, ay halos malula ako sa laki ng pinagbago nito.

Agad kong pinuntahan ang aming dating bahay, ngunit ang nadatnan ko roon ay isang malaking subdivision. Ang sabi sa akin ng mga dati naming kapit bahay ay namatay na daw si Nanay tatlong taon na ang nakakalipas dahil sa depression ng pagkawala ko.

Ang nakakatawa pa sa nalaman kong balita, ay nahalal daw na Congressman si Tatay.

Tadhana nga naman! Ang kapal rin naman ng muka nya na magmalinis at umaktong hindi demonyo para tumakbong congressman sa kabila ng mga pinaggagawa nya, at sa pagsira nya sa buhay ko.

Halos umusok ang ilong ko sa galit ng mabasa ang ilan sa mga old news paper na napulot kong nakatambak sa isang bangketa.

Mukang gagamitin ata nila itong pangbalot ng tinapa at kung ano ano pa.

Nakalagay sa dyaryo na kaya sya nanalo ay dahil ipinangalandakan nya na nawawala daw ako, at kung ano ano pang kasinungalingan. Nagawa nya pa talagang magsinungaling at isama ang pagkamatay ni Nanay! Napaka kapal talaga ng muka nya! At napaka sinungaling pa!

Umakyat talaga ang dugo sa ulo ko, ng pumasok ako sa isang computer shop para isearch ang pangalang "Pepito Marquez" na pangalan ng tatay ko.

Ang dami nyang inisponsoran na Orphanages, mga school at scholars. San kaya nakakuha ng pera ang demonyong to?

Ah! Baka naman sa mga bata at dalagang binebenta nya? Pati narin yung mga shabu nya!

Nakakapanggigil talaga!

Nalaman ko rin na may bago na syang pamilya. At may dalawang anak.

Isang 5 yrs old na batang lalake, at isang 3 yrs old na batang babae. Maganda rin ang naging bagong asawa nya, mukang gold digger, tas sya naman ay mukang adik na demonyo! PERFECT MATCH DIBA?

Agad na napaikot ang aking mga mata sa mga kung ano anong kagaguhang kasinungalingang pinagsasabi sa kanya! Ulol! Wag kayo magpapaniwala sa demonyong yan! Isa syang hunyangong mahilig magbalat kayo!

Pero kung sa bagay, hindi ko rin naman masisi ang mga taong sumusuporta kay Tatay, kung sabagay nga naman! Kahit ako ay napaniwala nyang isa syang mabuting tao, not until ibenta nya ako na sarili nyang anak para sa shabu.

Kaya ng kinagabihan, ay agad akong nagbihis ng purong itim, at tinahak ang address ng bahay ng sariling ama.

Halos mamangha pa nga ako ng makita kung gaano ito kagara, pati na rin ang dami ng mga bantay sa paligid.

Walang tunog kong naakyat ang isang bakod, saka tumalon sa malapit na puno.

Gamit ang dalang binoculars ay nagawa kong mag masid masid, hinahanap ang lokasyon ng mga CCTV.

Nagawa kong makadaan sa mga blind spots ng bawat CCTV sa buong lugar saka muling sumampa, papasok sa bintana ng kwarto ni tatay.

Gamit ang dagger ay ibinato ko ito sa CCTV na nakainstall sa kwarto ng sariling ama, saka tuluyang pumasok sa kanyang kwarto.

Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa isang pinto na sa wari ko ay kanyang banyo. Mukang tama nga ang nakalap kong balita, na mahilig magsugal ang bago nyang asawa. Kaya wala pa ito hanggang ngayon dahil madaling araw na ito umuuwi.

Pagkalabas ni Tatay sa banyo ay nakasuot lamang ito ng robang itim. Naupo ako sa gilid ng kama nya, hindi kumikilos roon at nag aantay na mapansin nya.

Pagkakitang pagkakita nya pa lamang sakin ay agad binalot ng takot ang kanyang muka.

"A-Ayesha." gulat at punong puno ng takot na kanyang turan.

"ako nga Tay! Hindi nyo man lamang ba ako namiss?" nakangising tanong ko, habang ang mga mata ay punong puno ng galit at pagkamuhi.

Dahil sa kanya! Naging miserable ang buhay ko! Nang dahil sa kanya, naging demonyo rin ako katulad nya!

At ngayon na ang oras para pababain sa trono si Satanas.

"A-Ayesha, a-anak! P-patawarin mo s-si T-Tatay! H-hindi ko s-sinasadya!" takot na takot nyang saad sakin habang nakatutok sa kanya ang baril ko.

"Tay! Bat naman kayo takot na takot dyan? Hindi pa naman po ako patay! Or you'd rather want me dead?" sarkastika kong turan saka lumapit sa kanya, dala ang ballpen at papel na nakuha ko sa may study table nya.

"if you really want me to forgive you, write on this paper lahat ng kasalanan mo sakin at kay Nanay. Isulat mo rito ang pagbebenta mo sakin sa impyernong yun! Pati na lahat ng mga kasinungalungan mo! Isulat mo sa papel na ito kung bakit kita dapat patawarin. Kapag nagawa mo na yun lahat. Saka ko pag iisipan kung ibibigay ko ba sayo ang kapatawarang hinihingi mo." mahabang saad ko na ibinigay sa kanya ang ballpen at papel na tinalima naman nya, sa takot na takot na itsura.

Kanina pa ako nangangating gilitan sya, pero dahil kailangan ko ang papel na pinapagawa ko sa kanya ay nagawa ko pa den mag intay.

Makalipas ang ilang minuto ay inabot nya sakin ang limang piraso ng bondpaper na naglalaman ng lahat ng kanyang kasalanan.

Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na basahin ang lahat ng ito dahil alam ko naman na. Member sya ng black market, na nagbebenta ng mga body parts, bukod rito ay kasama rin sya sa utak ng human trafficking kung saan nagbebenta sila ng mga batang tulad ko noon. Bukod dun ay drug pusher, drug dealer at drug user din sya, at napakarami pa ng mga pinagagawa nya na hindi mo maiisip na nagagawa nya talaga.

"p-pinapatawad m-mo na ba a-ako a-anak?" utal utal nyang turan na parang tutang hindi mangangagat.

Kung hindi ko pa kilala kademonyohan nya ay baka maniwala pa ako.

"hmmm, pag iisipan ko." saad kong nagawa pang ilagay hintuturo sa may baba ko, na para talagang nag iisip.

"KUNG AYAW MO EDI HUWAG MO!" galit na saad ni tatay saka ako inatake gamit ang balisong.

See? Sinabi ko naman na diba? Halang ang kaluluwa ni Satanas! And unfortunately, tatay ko sya.

Agad akong nakaiwas at gamit ang sariling kamay ay nagawa kong hulihin ang kamay nyang may hawak na balisong na syang ipinanggilit ko sa kanyang leeg.

Kinabukasan, ay nabalita ang pagsusuicide ni Cong. Pepito Marquez sa loob ng kanyang silid. At iniwan ang mga karumal dumal na krimeng ginawa nya para makarating sa rurok. Nawindang ang lahat ng tumitingala sa kanya dahil rito, hanggang sa naging matunog ang kanyang pagkamatay dahil sa dami ng kanyang kaso na wala niisa man ang nakaisip na magagawa nya.

***THE END***

Xien xien:

Hi Frenies! Anyways I am really glad to see na nakaabot ka po hanggang dulo ng story ko na to you see, meron po akong english version ng story na ito.I highly recommend you guys to read my english book po, kase super daming parts dun na wala dito. like Rinleigh's training inside the hell before she became an official assassin, first mission nya nandon din, plus yung kasunod neto.like did Sean really died? Binenta ba talaga sya ng papa nya sa impyerno?what happened to her, after she got out from hell?and marami pang iba, so if you want to know them, edi mas maganda po kung basahin nyo po yung english version! HAPPY READING...

pasensya na, ang ingay ko dito e may authors note naman, kase naman ang onti lang ng pede ilagay dun, di kinakaya yung mga chika ko sayo! hihi 😸 so sana po suportahan nyo pa den po yung ibang mga works ko! salamat po!