Uniting

Mula sa malayo ay kita niya ang kaniyang apat na kapatid na mga babae, at ang kaniyang ina. Sila ay nasa hapag na at nagtatawanan habang nakain.

Si Leros ay ulila na sa Ama, at ipinangako niya sa kaniyang sarili na siya'y magsisikap upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kaniyang pamilya. 

Pagka-pasok niya sa kanilang tahanan ay sinalubong siya ng kaniyang mga kapatid.

"Nakauwi na ang ating manunulat!" hiyaw ng kaniyang Ina, dahilan para mapangiti siya.

Nagsimulang mag palakpakan ang kaniyang mga kapatid, ang iba ay sumipol pa. Sa kanilang lima, si Leros ay ang pangatlong anak. 

Leros then gave his family a bow and spoke, "yes I am home."

"Ayon oh! May pa Ingles pa kuya niyo," saad ni Julia, ang panganay sa limang magkakapatid.

"Anak ko yan!" hiyaw muli ng Ina ni Leros. Nagpatuloy ang katuwaan ng pamilya bago nila tinuloy ang kanilang hapunan.