Chances

     "We're on the target. MB-154, do you copy?"

     Sumulyap ako kay Lander pagkasabi niya no'n bago muling ibinalik ang tingin sa paparating na pila ng mga armadong sasakyan.

     "Roger that," sagot sa suot naming earpiece.

     "10-4. Standby," he instructed. "I've got your six, bro."

     Napalingon uli ako sa kaniya. Wala akong nababakasang takot o kahit pangamba sa mga mata niya sa likod ng M50 oxygen mask na bumabalot sa pareho naming mukha. I'm not sure what I'm feeling right now.

     Tahimik na tumango na lang ako bago pinagmasdan ang paglampas ng truck sa kalsada habang binabantayan ng mga tanks ang unahan at likuran nito.

     Nang tumingala ako, napakaitim ng ulap sa kalangitan at walang katapusang kapatagan ang matatanaw sa kahit saang direksyon tumingin. Nakakapaso ang ihip ng hangin. Nakakamatay ang hangin.