♦♦♦♦♦♦♦♦♦
James's POV
Mahirap man at masakit pero kailangan at dapat lang gawin.
Bumukas ang pinto ng aking kwarto, si Oxford ang taong pumasok.
"Oh, anong nangyari? Parang nagusot yata damit mo?" Tanong ni Ursula kay Oxford.
Nang banggitin n'ya 'yon, tinitigan ko ring maigi ang damit n'ya at ito nga ay gusot na gusot.
"Sarado mo 'yung pinto baka may sumusunod sa'yong plantsa! Itsura mo pa naman gan'yan ngayon, hindi malabong hahabulin ka ng plantsa!" Biro ko kay Oxford.
Nang maisara na n'ya ang pinto sa aking kwarto, muli s'yang tinanong ni Ursula.
"Okay ka lang ba? Ano ba naman kasing nangyari?"
Umupo ito sa tabi ng kama ko at sinagot ang aming tanong ni Ursula, "ano pa nga ba, edi 'yung kaibigan n'yont si Kevin. Hinamon ba naman ako, akala n'ya hindi ko s'ya uurungan? Hindi n'ya alam na teritoryo ko 'tong kinatatayuan n'ya! Baka hindi ko s'ya masanto at hindi ko s'ya matantsa, sa morge ang bagsak n'ya! Ako pa mismo ang maglalagay sa kan'ya sa freezer at ako pa mismo maghahanda sa katawan n'ya!"
"Bakit ka naman itsa-challenge nung lalaking 'yon?" Followup question ni Ursula.
"Parang tanga nga lang eh! Imagine, he's asking me kung anong ginawa ko para makalimutan s'ya ni James!" Sagot ni Oxford.
"Wow, how stupid!" Sabi ni Ursula.
"Hayaan n'yo na. Hayaan n'yo na si Kevin."
Pansamantalang natahimik ang kwarto dahil sa aking sinabi.
"Oo, nagpanggap lang ako. I pretended na nakalimutan ko s'ya." Sabi ko.
"Sayang!" Hiyaw ni Oxford. "Akala ko totoo na!"
"What do you mean sayang?" Tanong ni Ursula kay Oxford, "don't you have a partner already? Bakit popormahan mo pa si James?"
"Oxford, please. Ilang beses ko bang uulitin na hindi nga pwede 'yung gusto mo?" Pilit kong pagpapaunawa kay Oxford, "hindi tayo pwede."
Tiningnan ko ang kan'yang mukha, para bang isang batang inagawan ng candy ng kan'yang kalaro.
"Maging loyal ka nalang kay Dexter, please. Hay nako." Pabugtong-hininga kong sinabi, "magkaibigan kami ni Dexter at alam mo 'yan. Mahal ka non, so please don't hurt him! Kun'di, kaming lahat makakalaban mo!"
"Fine, I'll try." Padabog na naglakad palabas ng kwarto si Oxford.
Nagulat kaming dalawa ni Ursula sa lakas ng pagkakasara n'ya ng pintuan ng kwarto.
Umupo si Ursula sa upuan nasa tabi ng aking hinihigaan.
"Bwisit ka, next time bigyan mo naman ako ng briefing or orientation sa eksenang gagawin mo! Para naman hindi mukhang impromptu ang dialogue ko! Pero in fairness, pati ako napapaniwala no, James! Winner ka don!"
Ipinasa sa akin ni Ursula ang invisible korona, "ikaw na talaga, James!" Pati invisible sash, "pwede ka na maging artists sa teleserye! 'Yung konting untog lang, nagka-amnesia na! Bet mo 'yon? I'll contact the producers na!"
"Sira ka talaga Ursula!"
♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Nang ako'y makalabas ng ospital, ilang araw akong namahinga sa bahay, wala naman akong masyadong na-miss na mga lessons dahil mayroon na kaming Google Classroom. Doon na rin kami nagpapasa ng mga assignments at iba pang requirements, doon na rin namin kinukuha ang references at iba pang kailangan namin tulad ng lectures, inuupload nalang ng mga instructors.
Nakatanaw ako sa malayo, mula sa bintana ng aking kwarto, tanaw na tanaw ang Mt. Samat at 'yung Shrine of Valor.
Kinuhanan ko ito ng litrato.
At ito ang in-upload ko sa Instagram na agad na may pumuso.
Si Kevin.
Nagcomment rin agad s'ya, "kumusta ka na, James? Naaalala mo na ba ako?"
Grabe, lakas makaeksena nitong lalaking 'to! Kailangan ko na 'tong i-delete bago pa may makakita!
Nang ito'y akin nang buburahin, biglang may nag-doorbell! Grabe kagulat naman!
Lumipat ako sa kabilang kwarto upang tingnan kung sino ang nasa gate.
8-7000 Jollibee Delivery!
Dali-dali akong bumaba para kuhanin ang napakasarap, walang kakupas-kupas, at walang-kamatayang chikenjoy meal.
Nang ako'y nasa dining area na ng bahay, binuksan ko muli ang aking smartphone. Nakasara na ang Instagram, siguro na close ko sya kanina nung bumababa ako sa hagdan para kuhanin ang pagkain.
Nanood nalang ako sa Facebook ng mga memes compilation habang kumain.
Nagulat ako sa susunod na nangyari.
Biglang tumawag mga magulang ko, through Amazon Echo Show na nasa kitchen, "James!"
"Grabe naman kayo, pwede naman kayo mag-message! Natapon tuloy sa akin 'yung gravy!"
"Sorry naman anak, mas masarap ka n'yan dahil may sauce! Alam mo naman lahi natin, masarap kahit walang sauce!" Biro ng aking ama.
"Kahit na Jollibee po binili ko at hindi Chooks-To-Go?"
Hays.
"Ano po ba 'yon? Mamaya nalang kayo tumawag pagkatapos ko kumain. Ako nalang kaya tatawag, basta mamaya! Alexa, drop the call!"
Natapos ang tawag.
♦♦♦♦♦♦♦♦♦