10 Sapat Na Sa Akin Ang Mga Sinabi Mo

Aillen POV...

Sa wakas, kasama ko na rin Bespren ko..Un nga lang hindi na siya totally ung bespren ko..Nagbago na siya...Naawa ako sa isa kung bespren.. Sa nakikita ko,hindi na talaga siya ung Yelena na kilala namin..

Grabe niya kasi pag sabihan ng kung anong masasakit na salita si Lance..Di na siya naawa sa bespren niya...Kahit na okay lang kay Lance na ikahiya siya ni Yelena alam ko naman na nasasaktan siya sa mga sinabi ni Yel e..

Grabe siya...Bespren niya si Lance..Di ba niya alam na may ego ung tao..

FLASH BACK..

Naglalakad ako kahapon sa hallway ng school ng may marinig akong boses..Boses ng babae at alam kong si Yelena un..At isang lalaki na alam ko kung kanino ang boses na un...Si Lance..

Kaya ang ginawa ko, nakinig ako at sumilip na rin...

"Pwede ba Lance, wag kang lumapit sa akin....Nakakahiya ka...!nandidiri na sabi ni Yelena..

" Bakit?? Bakit mo ako kinakahiya??? Bakit ka nandidiri?? Bespren mo ako...BESPREN...!!malungkot na wika ni Lance kay Yelena..

"Noon...Oo, bespren kita...Hindi na ngaun..WALA AKONG BESPREN NA KATULAD MO O KILALANG BASURANG GAYA MO..!!" galit at nagsisigaw na si Yelena...

Dahil hindi ko na kinaya, lumabas na ako sa pinag taguan ko...

"BASURA???Really???.. Hahaha..!! Anong palagay mo ang pinapakita mong ugali..Sa inyong dalawa ikaw ang BASURA... Alam mo Yelena, hindi kami ang nagbago kundi ikaw...Kinakahiya mo siya e kung wala siya sa nakaraan mo hindi mabubuo ang pagkatao mo...Anong akala mo kay Lance...??Aso?? Yelena si Lance kahit BASURA yan sa paningin mo siya parin ang Lance na kilala mo at BESPREN MO.."disappointed kung sabi..

" Aillen...Pasensya ka na.." Yelena..

"Pasensya??? Really??.. Alam mo Yelena, kahit Anong layo mo sa kanya,hindi mo maalis sa kanya na bespren ka niya ay mali, hindi ka lang pala niya bespren kundi mahal ka niya..." galit kong paliwanag dito...sobra na siya e...

"At ikaw Lance...Tara na...Hindi natin kailangan ng isa dyan na akala mo kung sino umasta..." parinig ko kay Yelena bago hatakin si Lance sa braso..

Sobra na siya...Sobra na ang panlalait niya..Masaya pa naman ako dahil makukumpleto na ulit kaming tatlo pero parang nagkamali yata ako...Nagbago na siya...Sobrang laki ng pinagbago niya...

"Bakit mo ginawa yon??" tanong ni Lance ng makalayo na kami kay Yelena..

"Bakit??Aba nagtanong ka pa..!!Lance... narinig mo naman lahat ng sinabi niya sayo diba...?? inis kong tanong dito kay Lance..

" Kahit na...Dapat di mo na sinabi un sa kanya..Nasaktan mo siya..." sabi ni Lance..

"Aw..!! Sa inyong dalawa ikaw ang sinaktan niya..." galit kong sabi dito..manhid na yata tong bespren ko e...

Kahit na...Dapat-"... si Lance..pinutol ko ang sasabihin niya..

"Lance..." malungkot kong wika sa pangalan niya...

"Aillen, alam kong pinagtanggol mo lang ako...At salamat... Bespren natin siya dapat di ka nalang nag salita..." Lance..

"Bespren?? Tama ka Bespren natin siya...At sa bibig mo na mismo ng galing na bespren natin siya...Ang tanong ko sayo may bespren bang BASURA ang tingin sa bespren niya...??" malungkot kong tanong kay Lance...

"Pag pasensyahan muna sana...Alam kong nasaktan parin siya sa nangyari noon..At inaamin kong pinagsisihin ko na un..." tumingin sa malayo pagkatapos niyang sabihin ang nangyari noon..

"Hanggang Kailan Lance..?? Nagpapaka Martir ka sa kanya kahit na puro sakit lang ang binibigay niya sayo...Naka ganti na siya sayo, sa mga binitawan niyang salita... Kinakahiya ka..at higit sa lahat kinalimutan ka niya bilang bespren niya..BASURA KA NA LANG SA PANINGIN NIYA..." pag kasabi ko sa kanya ng mga salitang un umalis na ako...

Ako ang nahihirapan para sa kanya...Sinaktan na nga siya lahat lahat, wala parin kadala dala...

END OF FLASH BACK...

Di ko na kilala ang Yelena Yu'er Ann Dwight... Ibang iba na siya...

"Aillen, can we talk??" tanong ni Yelena..

"For What??Para ako naman laitin mo??" sarcastic kong sagot..

"Sorry...Sorry for what I did..For what I've done..I know na ako ang mali..." hingi niyang paumanhin sa akin...

"Sapat na sa akin lahat ng mga narinig ko galing sayo...Kung paano mo laitin ang bespren mo...Ay mali...Di na pala bespren mo, kundi BASURA NALANG ANG TINGIN MO SA KANYA...KUMBAGA KULANG NALANG SABIHIN MONG ITAPON SIYA..." sarcastically kong sagot..sabay talikod..

Sobra na siya...Di niya alam nakaka sakit na siya..

"Bespren Please..."naman...ang Kulit niya..sinundan pa talaga ako...Humarap ako..

" What do you Feel Yelena...?" tanong ko sa kanya..

"Huh??What do you mean??" taka niyang tanong...

"Masakit ba??Masakit ba sayo ang ginawa ko na baliwalain ka...??Masakit bang hindi ka pakinggan kahit na gustong gusto mong mag paliwanag?? Kung ano man ang nararamdaman mo, wala pa yan sa nararamdaman ni Lance..Triple ang kay Lance dahil sa pag papahiya mo sa kanya...Ano?? Masakit??".. galit kong tanong sa kanya...

Hindi siya naka imik...

" Oh...Yelena.. Tahimik ka yata.." tanong ko sa nanahimik na babaeng to..

"I'm sorry.. Let me explain" paki usap niya parin..

"Manhid ka na ba?? Ngaun alam mo na ang nararamdaman ni Lance..??" tanong ko dito..

"I'm sorry..." sorry parin ang sagot niya..

"Kung anong sakit ang nararamdaman mo, doble sa kanya dahil tinuring at tinawag mo siyang basura..." na iiyak kong sabi...

Naglakad na ako dahil hindi ko na kaya...Ayokong makita niya na naaapektuhan ako sa sinabi ko sa kanya...Pero, sadyang napaka Kulit niya...sumunod parin siya...

"Bes...Please... I'm sorry..." Si Yelena..

"Sa kanya ka mag sorry ..Dahil si Lance ang nasaktan mo hindi naman ako..." paliwanag ko...

"Bakit sa akin???" na gulat kami pareho ni Yelena dahil ung taong pinag usapan namin nasa harapan na namin...

"Sorry...Sorry Lance... Alam kong na saktan ka sa sinabi ko kaya please..."paki usap ni Yelena kay Lance...

" Okay lang, kung un ang tingin mo sa akin...Kung masaya kang tawagin ako sa harap ng marami na ang isang gaya ko ay BASURA okay lang...Kung kinakahiya mo ako sa harap ng maraming tao, okay lang din...Kung itrato mo ako sa harap ng maraming tao na ang isang katulad ko ay walang kwenta, okay pa rin...Kung doon ka masaya, Sige ipagpatuloy mo...okay parin sa akin....At kung para sayo doon ka lang masaya sa mga panlalait mo sa akin, tatanggapin ko..."makungkot na sagot ni Lance kay Yelena...

"I'm sorry.." pang sampung beses na yata ang pag hingi niya ng sorry...

"Yelena... Oo madaling magpatawad at madali rin humingi ng tawad...sa palagay mo sapat na ang salitang PATAWAD...??sabi ko naman sayo, okay lang sa akin ang laitin mo, kung doon lang kita mapapasaya okay lang....SAPAT NA SA AKIN ANG MGA SINABI MO..." galit at malungkot na pahayag ni Lance bago umalis at iwan kami ni Yelena..

Iniwan ko na din si Yelena na umiiyak...

Hayss...!! Pambihira... Naiipit ako sa dalawang ito...

Mag sisimula pa nga lang ang Love Story, may umipal na...

TO BE CONTINUED...

PLEASE MAG COMMENTS PO KAU KUNG GUSTO NIYO PO BA ANG STORY KO PARA NAMAN PO GANAHAN AKO...

PLEASE PO..BAKA PO KASI DI NYO GUSTO..

THANK YOU..

THANK YOU PO SA PAG SUPPORT NYO AT PAG BABASA SA NOVEL KONG ITO..

MAY BAGO NA NAMAN PO AKONG IPUPUBLISH SOON...

ANG TITLE... "BAKIT??"

PLEASE PO MAG COMMENTS PO KAYO...PLEASE PO...