WebNovelThe Pain23.08%

2 Ang Kulit Niya...

Charm POV...

Hi..I'm Charm Galviz..

23 years old...

Ulila na ako..Kaya ako nalang ang nag iisang nagtaguyod sa aking sarili...

May nagmahal??

Sagot ko syempre, meron...

Syempre ang sarili ko lang naman ang nagmahal sa akin..

Mayaman???

Sagot ko..

"Hindi.."

Mahirap lang...

Mas mahirap pa sa daga...

May kaibigan...??

Sagot ko...

"Wala..."

Walang gustong lumapit sa akin...

Keso daw madumi ako..

Pulubi...

Mapang husga lang talaga sila...

Oo nag iisa lang ako sa buhay pero hindi ako Pulubi..

Nagtrabaho ako, at pinag aral mag isa ang sarili...

Pero hindi ako Pulubi..

Oo, wala akong mga magulang pero hindi naman ako namamalimos sa maraming tao..

Lahat ng sinabi nila, nilulunok ko dahil hindi naman totoo....

Pulubi daw ako...

Higad daw ako..

Makati daw ako...

Haliparot..

Lahat na yata ng masasakit na salita narinig ko na sa kanila..Okay lang di naman totoo e..

Mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kanila....

Maganda...??

Big Check..

Maputi...??

Oo naman..

Biniyayaan naman ako ng kagandahan, kaya lahat ng babae sa school, galit sa akin...

Di ko nga alam ang dahilan e..

Basta naririnig ko nalang sa kanila na, kaya raw ako maganda at maputi dahil kumakabit daw ako sa asawa ng may asawa..

Hayss..

Mundo nga naman..

Ang daming mapanghusga...

Bahala sila...

Basta ako hindi ko Gawain un..

Kaya kong magtrabaho para sa sarili ko hindi ko kailangan ng pera ng iba para umasenso ako at gumanda...

Nandito ako ngaun sa school garden.. Nag rereview...

Ayoko kasing bumaba grades ko dahil sa isa akong scholarship..

Laking tulong din sa akin ang pagiging scholar e..

Bawas din sa bayarin, alam nyo na, mahirap lang ako...

"Hi.." bati sa akin ng isang gwapo.. Wait, gwapo..??

'namamalikmata yata ako..talaga bang kinausap ako ng isang to..Hay naku Charm, wag ka ngang gaga..baka isa din yan sa pag tripan ka...Wag kang malandi..Isipin mong tulad din siya ng iba na pa iiyakin ka...'

"Hey..are you okay..??" bigla niyang tanong na nag pa balik sa akin sa pag iisip ng kung ano ano...

"Uhm.." tipid ko lang sagot..

"Ayaw mo bang may kasama??" tanong na naman niya..naku naman..napaka Kulit niya talaga..ano naman kaya trip ng isang to..pinag titinginan na kami dito ng iba students e..

"Hindi naman sa ganun..Kaya lang....ah wala..sige.. alis na ako may gagawin pa pala ako..." dahilan ko nalang dahil naku po...grabe yong mga tingin ng ibang estudyante e, baka wala sa oras darating ang kamatayan dahil sa lalaking to...Hingang malalim Charm..Kaya mo yan..pagpapalakas ko ng loob..

"Wait..Why..??Ayaw mo bang may kasabay..". naman..please po..help..ang Kulit niya promise...

"May gagawin nga po kasi ako...Kaya po sana kung pwede wag na po muna kayo magtanong... Sige po..Bye...😀😀" pilit kung ngiti..kasi naman..bakit kasi ang pogi niya...

Naglakad na ako dahil naku po baka magtanong na naman siya...

Mahirap na baka mamatay na ako...

Habang naglalakad ako, lahat parin ng Mata ng mga estudyante nasa akin...

"Bakit??"takang tanong ko sa aking sarili...

Oo nga pala...

Araw araw nga pala nilang Gawain yan sa akin..

Kahit wala naman akong ginawa...

Hinuhusgahan na naman nila ako...

Araw araw nalang...

"Yah...Can you please stop...please..." rinig kong paki usap ng...wait...boses nong makulit na lalaki...??

'Kaya ba ako pinag titinginan dahil naka sunod sa akin ang lalaking ito...

"I'm sorry..Pero busy po ako e...😼" sabi ko...dahil naku po...ayoko na pong mabully..

"Ayaw mo ba akong kausap...Dahil ako gusto kita..."sabi niya..

'huh??ako gusto niya..ghad I need katwiran... bakit niya ako gusto...' kausap ko ang sarili ko..

"I mean..gusto.. kita...gusto kitang kausap... So please...can you please stop...I mean wag ka na maglakad..." utal utal niyang paliwanag sa akin...

'Sabi ko na nga ba e...Asyumera ka kasi Charm... Sa gwapo niya na yan,mag kakagusto sayo...??Ing ing ka talaga...' kausap ko ang isip ko...

"I'm Arlex Dave Sebastian..." pagpapakilala niya..

'Teka..Isip.. isip.. isip..tama..wala naman akong naalala na nagtanong ako about sa name niya...' ung isip ko na naman na kontrabida...

"Okay po...Pwede na po ba akong umalis..?? Kasi po, tingnan nyo po ang paligid nyo...(sabay turo ko sa paligid)..

Ako na naman po kasi ang paiiyakin nila e...Kaya sana po, wag na kaung sumunod..." paki usap ko dito kay Arlex daw kuno...

"Bakit??? Bakit ka natatakot sa kanila...?? Hayaan mo sila..." ang Kulit niya talaga...

"Bakit po ba, lapit kayo ng lapit sa akin??" inis ko ng tanong...

"Lagi kasi kitang nakikita e..Lagi kang nasa school garden natin para mag review... At..at ang lungkot ng mga mata mo..." palusot niya...

'Sa totoo lang ang gaan ng loob ko sa lalaking to...Nakatitig ako ngaun sa kanya...Wait...May hawig siya kay...Waaaaaaaaahhhhh.....!!! Hawig niya ang crush kong si Hwang In-Yeop... Gosh....Kilig ako... Ung Medyo singkit niyang mga mata, matangos na ilong, maliit na labi na mapupula,ung height niya at ung katawan niya na katawan din ni In-Yeop...' ung isip ko na namang napaka harot...

'Pinag papantasyahan ko siya...Erase..Erase..Erase...'

"Hey...Enjoying the view...Miss Galviz..." salita niya na nagpabalik sa akin sa ulirat...

"Nope...Iniisip ko lang kasi bakit ang Kulit mo...??" kunyaring naiinis ako para makatakas sa kahihiyan ng isip ko...

"Can I Join You...?? Miss Charm Galviz..??" pangungulit na naman niya...

"Yah...Kilala mo ako..??" turo ko sa sarili ko...

"You're popular... Ikaw ang Queen Campus dito...Di mo alam...??" taka niyang tanong...

"Ne...Ga...Uhm...Di ko alam e...Wala naman kasing kapansin pansin sa akin e.." walang gana kung sabi dito...

"Pwede bang doon nalang tau sa bench Umupo...Nakakapagod kasing tumayo..At natatakot ako baka magkaroon na ako ng ugat...He he.." reklamo niya...

"Uhm..." tipid kong sagot...

'Nakalimutan kong nasa gitna pala kami ng campus kung saan ang sama ng tingin sa akin ng mga babaeng estudyante... Sa sobrang Kulit niya panandalian kung nakalimutan ang takot sa dibdib ko...' isip ko na naman..

Naka upo na kami sa my bench dito sa school namin...Ng magsalita ulit siya...

"Nobody ka talaga ano??" tanong niya..

'Napa isip ako sa tanong niya...Kaya ayon naman ang isip ko na karating na sa Korea hinahanap si In-Yeop ko...'

"Ehem..." tikhim niya...

"Uhm.." sagot ko sa tikhim niya...

"Siguro ung isip mo nakarating na sa Korea para dyaan sa lalaking nasa likod na cellphone mo..." turo niya sa picture na nasa ilalim ng case ng cp ko...

'Huh??May lahi ba siyang manghuhula?? Paano niya nalaman na ung isip ko na kay In-Yeop ko...Ash..Grabe siya...Katakot...'

"Ito ba...Uhm...Crush ko siya...Hinahangaan ko ang tulad niya..." sabi ko..

"Sino ba siya..." tanong niya...

"Ah...Siya si In-Yeop Hwang... O mas kilala sa Hwang In-Yeop..." paliwanag ko...

"Bakit mo siya hinahangaan??" bigla niyang tanong...

"Kailan ko pa bang sagutin yan..??" nguso kong tanong sa lalaking katabi ko sa bench...

"Oo..Please.." pagmakaawa niya...

'Big deal ba sa lalaking to kung hindi ko sagutin...Pero sige pag bigyan..'

"Sige..Ganito kasi yon...May Korean Drama siya na napa nuod ko...Ung una kong napanuod ang title " 18 again.." doon sa teleserye na 18 again, may gusto siyang babae pero hindi siya ang gusto...Gets mo ba??" tanong ko dito sa kausap ko..

"um.." tipid niyang sagot..

"Gusto niya ung babae na si Hong Si-a.. Pero hindi nga siya ang gusto...Kahit alam niyang di siya gusto ng babaeng gusto niya di siya sumuko...At ng araw ng school festival nila, nag effort siya...Kumanta siya para sa babaeng gusto niya...Binigyan niya ng bulaklak ung babae..Tinanggap naman, pero pagkatapos, binigay ulit ng babae sa kanya ung bulaklak... Pero hindi sa maraming estudyante, siguro nakokonsensya din ung babae kaya ayaw niya rin mapahiya si Go Ja-Sung..Go Ja-Sung kasi ang pangalan don ni In-Yeop e..." mahaba kung paliwanag...

"Ahh..Kaya ba hinangaan mo siya dahil, katulad ka niya...May gusto ka pero di ka gusto...Tama ba ako..??" tanong na naman niya...

"Siguro... Di ko sure e.." sabi ko nalang sa kanya...

"At bakit sobra mo naman siyang hinangaan??" curious niyang tingin sa akin..

"Dahil may teleserye ulit siya..." True Beauty" naman ang title... Ganun din...Di din siya gusto ng babaeng gusto niya...Dahil ang gusto ni Lim Ju Kyung ay si Lee Soo Hoo...Di ba Nakakaawa siya...Lagi nalang siyang pangalawa... 2nd choice ba kung baga..." malungkot kung wika dito...

"Alam mo, teleserye lang un...Acting lang nila..." sabi naman niya...

"Sa bagay tama ka...Pero kasi, naapektuhan ako...Na relate ako sa story niya..." hikbi kong sagot...

"You Cry??Don't Cry...!..sige ka, pag nalaman yan ni In-Yeop ba un baka magalit yun sayo dahil ang isang magandang tulad mo dapat hindi umiiyak..." sabi naman niya...

"Okay...Alis na ako...May gagawin pa pala ako...Aja..." paalam ko kay Arlex...

Nagalakad na ako papunta sa Library para manghiram ng libro...

'In-Yeop ko...waaaaaaaaahhhhh..!!! mababaliw na ako...Bakit may hawig ka??' sigaw ng isip ko...