Uno

(Source from google.)

"Preskong hangin mula sa ikalabing-siyam na siglo." "fresh air from the nineteenth century." As I inhaled deeply and exhaled slowly, my lips curled into a smile. Carvings on the doors and walls, old-fashioned in appearance but never forgotten. I turned left and right, and every house and store was made of stone and wood. Designed to resemble the structures that existed during the colonization of the Philippines by foreign countries. The structures on the right, as well as the structures on the left, were in a straight line facing the lane. As the vehicle I was riding went forward on the stone-brick style lane, each structure became further away from me.

Sa pagsinghap ko ng malalim at pagbuga ng dahan-dahan, kumurba ang aking  sa isang ngiti. Mga inukit sa mga pintuan at dingding, makaluma ang hitsura ngunit hindi nakakalimutan. Lumingon ako sa kaliwa at kanan, at ang bawat bahay at tindahan ay gawa sa bato at kahoy. Dinisenyo upang matulad sa mga istrukturang umiiral noong panahon ng kolonisasyon ng Pilipinas ng mga dayuhang bansa. Ang mga istraktura sa kanan, pati na rin ang mga istraktura sa kaliwa, ay nasa isang tuwid na linya na nakaharap sa daanan. Habang ang sasakyang sinasakyan ko ay pasulong sa daanang istilo ay stone-brick, ang bawat istraktura ay naging mas malayo sa akin.

People were walking along the roadside where I saw the old structures. Some were fanning their de-tiklop na pamaypay, others were conversing with their companions, and still others were simply walking to their destinations in this old-looking place. My brows furrowed as I looked at them more, and the smile on my lips vanished. Barong Tagalog and Kamisa de Tsinos were worn by the men, while Maria Claras and Baro't Saya were worn by the women.

Ang mga tao ay naglalakad sa tabi ng kalsada kung saan nakita ko ang mga lumang istraktura. Ang ilan ay pinaypay ang kanilang de-tiklop na pamaypay, ang iba ay nakikipag-usap sa kanilang mga kasama, at ang iba pa ay simpleng naglalakad patungo sa kanilang mga patutunguhan sa makalumang lugar na ito. Kumunot ang aking mga kilay habang tiningnan sila, at nawala ang ngiti sa aking labi. Ang Barong Tagalog at Kamisa de Tsino ay isinusuot ng mga kalalakihan, habang ang Maria Clara at Baro't Saya naman ay isinusuot ng mga kababaihan.

I found that no one was dressed in modern clothing while I watched the public. We're no longer in the nineteenth century, but instead the twenty-first. So, why isn't anybody wearing them? The trees swayed in the wind, making me feel as if I'm in that book I finished three months ago. The furrowing of my eyebrows disappeared, and a grin stretched over my lips once more. But the last three months felt like yesterday.

Nalaman ko na walang nakasuot ng modernong damit habang pinapanood ko ang publiko. Wala na tayo sa ikalabinsiyam na siglo, ngunit sa halip ang ikadalawampu't una. Kaya, bakit walang sinumang nagsusuot sa kanila? Ang mga puno ay sumayaw sa hangin, pinaparamdam sa akin na para akong nasa librong iyon na natapos ko tatlong buwan na ang nakalilipas. Nawala ang pagkunot ng aking mga kilay, at isang ngiti ang umunat sa labi ko. Ngunit ang huling tatlong buwan ay parang kahapon.

Looking back to the bitter-sweet tale though still in awe and at the same time puzzled. I looked at the structures and people, saying the title of that book made me smile. "Recuerdo de Amor." "Memory of love."

Sa pagbabalik tanaw sa mapait na matamis na kwento kahit parehong namamangha at naguguluhan. Tumingin ako sa  mga istraktura at mga tao, ang pagsabi sa pamagat ng librong iyon ay nakapagpangiti sa akin. "Recuerdo de Amor." "Memorya ng pag-ibig."

Did they notice that I'm wearing modern clothing when all of them are wearing past-era ones? I looked down to see what I wore and both of my eyebrows raised up. I was wearing a long cream-colored saya and a clean white baro as a top. My lips curved into a smile, I never thought that I will be able to wear these. I know that I am only seeing these old-looking clothes on the shows and from the book that I just read.

Napansin kaya nilang nakasuot ako ng modernong damit nang lahat sila ay nakasuot ng pang nakarang panahon? Tumingin ako sa baba para makita kung ano ang suot ko at napataas ang pareho kong kilay. Nakasuot ako ng mahabang kulay-krema na saya at isang malinis na puting baro bilang pantaas. Ang mga labi ko ay kumurba ng isang ngiti, hindi ko inakalang makakapagsuot ako ng mga ganito. Alam ko nakikita ko lang yung ganitong makalumang damit sa mga palabas at sa librong kababasa ko lamang.

But I'm not complaining though, it's more like a dream come true where it feels like I am really in Recuerdos de Amor. It's just confusing that there's no one wearing modern clothes when we're in the twenty-first century. And these clothes aren't really that used anymore.

Pero hindi naman ako nagrereklamo, tila parang panaginip pa nga ito na natupad  kung saan talaga ako'y nasa Recuerdos de Amor. Medyo nakakalito lang na walang nakasuot ng modernong damit kung kailan nasa ikadawampu't-isang siglo na tayo. At ang mga damit na ito ay hindi na gaanong gamit ngayon.

From the long loose sleeves and the long skirts of the past, it looks elegant, conservative, and simple at the same time. But because it became hot in the Philippines and there's a change in our culture, they became modern. Also in that book, I appreciated the old culture of our country more because reading that, I felt like I'm also in the story. It's like I experienced how they lived, what they wore, and how loving someone was like in the past where many wars happened.

As I was looking at the structures, one caught my attention.

Mula sa mahahabang manggas at sa mahahabang palda ng nakaraan, pareho itong mukhang elegante, konserbatibo at simple. Ngunit dahil nga uminit sa Pilipinas at may pagbabago sa kultura natin, naging moderno ang mga ito. Sa librong din iyon, mas napahalagahan ko ang lumang kultura ng bansa natin dahil sa pagbabasa niyon, pakiramdam ko ay tila nasa storya din ako. Tila naranasan ko kung paano sila namuhay, ano ang sinuot nila, at kung paano magmahal ng isang tao sa nakaraan kung saan maraming digmaan ang naganap. Habang tinitignan ko ang mga imprastraktura, may isang pumukaw ng atensyon ko.

"Diner's Bulalo - Since 1984."

Furrowing my eyebrows, I tried to remember the last time where I saw that restaurant name before. Oh, maybe they have a branch in this town. The last time I remembered, I saw that in Tagaytay.

Nakakunot ang mga kilay ko, sinubukan kong tandaan ang huling beses na nakita ko ang pangalan ng kainan na iyan noon. Ah, baka mayroon silang pwesto sa bayan na ito. Ang huling tanda ko, nakita ko iyan sa Tagaytay.

But wait, what is the name of this town anyway?

Pero sandali, ano nga ba ang pangalan ng bayan na ito?

I tried to look at what's on the streets, but I saw that my sight was blocked. A person is in front of it, facing its back from me. Since this person is taller, I couldn't see where we were going. I noticed that its hair is shaved underneath the hat made of buri, and the body is quite muscular, so this person could be a boy.

Sinubukan kong tingnan kung ano ang nasa kalsada, ngunit nakita kong naharang ang aking paningin. May taong nasa harapan, nakatalikod ito sa akin. Dahil ang taong ito ay mas matangkad, hindi ko makita kung saan kami papunta. Napansin ko na ang buhok nito ay ahit sa ilalim ng sumbrero na gawa sa buri, at ang katawan ay matipuno, kaya't ang taong ito ay maaaring isang lalaki.

I patted his left shoulder and heard a deep-clear voice without him looking at me, "kumusta ka, binibini? Ika'y ayos lamang ba? Kumapit ka sa aking baywang upang hindi ka mahulog sa aking kagwapuhan." "How are you, miss? Are you okay? Just hold onto my waist so that you won't fall for my handsomeness." He laughed and my eyebrows furrowed.

Tinapik ko ang kaliwang balikat niya at narinig ko ang malalim na klarong boses nang hindi siya tumitingin sa akin, "How are you, binibini? Are you okay? Just hold onto my waist so that you won't fall for my handsomeness." Tumawa siya at ang kilay ko ay kumunot.

Bakit tila ang hangin ng makatang ito? Why does this poet seem so blowhard?

Hindi ako umimik at sandali siyang sumulyap sa akin, at muli ring tumalikod. Bumagal ang kabayo hanggang sa huminto ito. Lumingon siyang muli, taas-baba akong tinignan habang nanlalaki ang mga mata. Napasigaw siya at ganoon rin ako. Nararamdaman ko ang pagtigil at pagmamasid ng mga tao dahil ang malalim niyang sigaw at matilis kong tili ay nangingibabaw sa kaninang tahimik na bayan. Nagmadali siyang bumaba sa sinasakyan naming kabayo at napatakip ako ng bibig.

I didn't speak and he took a glimpse on me, and turned from me again. The horse slowed until it stopped. He faced me again, looking at me up and down with widened eyes. He suddenly screamed and so am I. I felt the stopping and the looking from people because his deep scream and my high-pitched squeal is prevailing in the before-quiet-town. He rushed to get down from the horse we are riding and I covered my mouth.

Sa pag-abot ng kanyang kanang paa sa sahig ay nasabit ang kanyang kaliwang paa dahil sa taas ng kabayo, dahilan upang mabagsak siya at tumama sa sahig ang kanyang balakang. Ngayon ay nakaupo na siya sa daanan. Tumingin siya sa taas at pumikit. Hindi naman ako makababa dahil baka biglang magwala ang kabayo kung hindi nakasakay ang kutsero nito.

When his right foot reached the floor, his left foot got tangled because of the height of the horse, reason for him to fall down and to get his hips hit on the floor. Now he is sitting on the road. He looked above and close his eyes. I can't even get down because the horse might get wild when its rig driver is not seated.

"S-sorry-" Banggit ko pero bigla siyang nagsalita, "Nasaan si-" Napatakip siya ng bibig. Gulat niya akong pinagmasdan at napakunot ang noo ko. Tinanggal niya na din ang pagkatakip ng kanyang kamay sa bibig at pilit itong itinukod sa sahig upang makatayo nang mabilis. Napahawak siya sa balakang at palukso-luksong tumayo ng maayos. Nakasuot siya ng itim na kamisa de tsino na ipinareha din sa itim na pantalon. Tumingin siya sa paligid at muling inilapat ang kanyang mapupungay na mga mata sa akin, "Sino ka?" Kunot-noo niyang tanong habang taas-baba akong tinitignan.

"S-sorry—" I said but he suddenly spoke, "Where is-" He covered his mouth. He looked at me in shock and my brows furrowed. He also removed his hand that covered his mouth and forced it to support on the floor for him to stand up quickly. He held his hip and limpingly stood properly. He was wearing a black kamisa de tsino that is partnered also with black pants. He looked around and placed his long-lashed eyes to me again, "Who are you?" He asked with furrow-eyebrows as he looks at me up and down.

"A-ako si Atiya." taas-noo kong sinabi, "ikaw, sino ka?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Inalis na niya ang tingin sa akin at lumapit sa kabayo. Inilagay niya ang kanyang kanang paa sa tapakan na nakasabit sa saddle, at isinampa ang kaliwa sa kabilang gilid. Bumuntong hinga siya, "Ito'y hindi mo na kailangang malaman." Saad niya na hindi man lang tumitingin sa akin kaya't napaigting ang panga ko.

"I-I'm Atiya." I said high-chinned, "you, who are you?" Returning the question to him. He took his eyes off me and came near the horse. He placed his right foot on the footboard hanging on the saddle, and climbed the left on the other side. He sighed, "You don't have to know." He stated with not even looking at me, so my jaw tightened.

"Ikaw ba'y saan papunta?" Walang emosyon niyang sinabi at lumingon sa akin nang nakakunot pa rin ang noo, "bakit, ihahatid mo ba ako?" Tanong kong pabalik at napairap naman siya bago tumalikod sa akin. Tsk, hindi man lang ba niya akong tatawaging binibini?

"Where are you heading to?" He said  and turned to me with his forehead still furrowed, "why, will you take me there?" I asked back and he rolled his eyes before turning around from me. Tsk, won't he even call me binibini?

Sabagay, hindi na naman uso ang salita na 'yun sa panahon natin ngayon. After all, that word is no longer used in this time anymore.

"Hindi ko batid na ibang tao pala ang nasa likuran ko." Walang emosyon niyang sinabi at sumulyap nang saglit sa akin, "ngunit dahil ang itsura mo'y ganyan, maaaring ika'y mahihirapang sumakay sa ibang mga nagdadaanang kalesa." Napanganga ako sa sinabi niya at muli siyang nagsalita, "kaya't kung ang destinasayon mo ay malapit lamang, ika'y ihahatid ko na."

"I didn't know that someone else was behind me." He said without emotion and glanced at me for a moment, "but since you look like that, you might have a hard time riding in the other passing carriages." My jaw-dropped at what he said and he spoke again, "so if your destination is near, I'll take you there."

"Hoy!" Napatalon siya nang sumigaw ako, "pwede akong maglakad. May dalawang paa ako, at kung wala man, gagapang na lang ako!" Nagmadali akong bumaba sa kabayo. Inabot ng kanang paa ko ang sahig ngunit nang pagkatapak ko pa lang sa lupa ay napaling ito, dahilan upang mawalan ako ng balanse at sumabit ang kabila kong paa sa saddle ng kabayo. Unti-unting dumulas ang kaliwa kong paa na pilit na kumakapit sa saddle. Ngunit napasigaw ako dahil tuluyan na akong nahulog. Buti na lang ay naitukod ko ang dalawa kong braso, kundi natamaan na ang mukha ko sa daanang ito na gawa sa bato.

"Hey!" He jumped when I shouted, "I can walk. I have two legs, and if I don't, I'll just crawl!" I hurried off the horse. My right foot reached the floor but as soon as I stepped on the ground it veered, causing me to lose my balance and get my other foot caught in the horse's saddle. My left foot slowly slipped clinging to the saddle. But I screamed because I had completely fallen off. Fortunately, I was able to support both my arms, because if not, my face had been already hit on this street made of stone.

Nakarinig ako ng dismayadong buntong-hinga, "Ikaw ay aking ihahatid na lamang." Narinig kong muli ang kanyang malalim at klarong boses kaya't tumingin ako sa kanya. Nasa harapan ang kanyang palad na iniaabot sa akin ngunit hindi siya nakatingin na tila ako'y kahiya-hiya. Pero kung plano niya akong bitawan at ibuwal ulit, pwes! Hihigpitan ko ang kapit sa kamay niya para mahulog rin siya mula sa mataas na kabayong iyan! Tinanggap ko ang kanyang kamay at buong pwersang nagpapabigat sa kanya hanggang sa makatindig ako nang maayos.

I heard a disappointed sigh, "I'll just take you there." I heard his deep and clear voice again so I looked at him. His palm was in front, reaching out to me but he didn't look as if I was embarrassing. But if he plans to let go of me and make me fall down again, pwes! I will tighten the grip on his hand so that he too will fall off that tall horse! I accepted his hand and with full force weighed him down until I could stand up properly.

Tinignan ko ang kanyang reaksyon habang inaalalayan ako at tila hindi man lang kumunot ang kanyang noo o ngumiwi ang kanyang mukha. Ngunit nabigo ako nang tuluyan niya akong naitayo na parang hindi naman pala planong ibuwal muli. Binitawan na niya ang aking kamay. Bumuntong-hinga siya at umiling-iling bago tumingin sa akin, "Ika'y isang mabigat na binibini."

I watched his reaction as he supported me and didn't seem to even furrow his eyebrows or frown. But I was disappointed when he finally stood me up as if he had no plans to make me fall down again. He let go of my hand. He sighed and shook his head before looking at me, "You're a heavy binibini."

"Bakit? Nagpatulong ba akong tumayo?" Depensa ko at kunot-noo niyang pinagmasdan ang mukha ko. Hindi ako nagpatinag kaya't ganoon rin ang ginawa ko. Matangos ang kanyang ilong at may pagkapula ang labi. Hindi pangkaraniwan ang pagkaputi ng kanyang balat kaya't napakunot ang noo ko,

"Mukha ka palang espasol—este espanyol." Napatakip ako ng bibig nang hindi sadyang lumabas iyon.

"Why? Did I ask for help in standing?" I defended and he furrow-eyebrow looked at my face. I didn't want to get shaken so I did the same. His nose was narrow and lips were redish. His skin was unusually white so I furrowed my eyebrows,

"You actually look like an espasol(white powdered rice cake)— I mean espanyol(spanish)" I covered my mouth when that unpurposely came out of my mouth.

"Ito'y halata naman." Sinabi niya at kinagat ko ang aking labi upang huwag tumawa. Umaamin ba siya ngayon na mukha siyang espasol? "Ako ba'y iyong tititigan na lamang at hindi ka na pupunta sa iyong paroroonan?" Natauhan ko nang taasan niya ako ng isang kilay pagkasabi niyon bago tumalikod muli. "Tsk, parang siya hindi rin ako tinitigan. Kainis." Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan siya—

""It's obvious." He said and I bit my lip to not laugh. Is he admitting that he looks like an espasol? "Will you just stare at me and not go where you are going anymore?" I got back in my conscience when he raised an eyebrow at me after saying that before facing his back again. "Tsk, it's like he didn't stare at me when he did it too. Annoying." I whispered to myself as I watched him—

Lumingon siya sa akin, "Ikaw ba ay naghihintay ng pasko?" Napabuntong-hinga ako sa sinabi niya.

He faced me, "Are you waiting for Christmas?" I sighed at what he said

"New year ang hinihintay ko." Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay nang sabihin ko iyon. "Ano ang iyong ibig sabihin?" Tanong niya ngunit hindi ko iyon pinansin. Sumampa ako sa kabayo habang sinusundan niya ng tingin, tila ako ay paaalisin anytime. "Saan nga pala ang iyong destinasyon?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin. "sa tunay na simbahan ng mga naniniwala kay Hesu-Cristo at sa tunay na Diyos."

"I'm waiting for new year." His eyebrows furrowed even more when I said that. "What do you mean?" He asked but I ignored that. I got on the horse as his eyes followed me as if I would be said to anytime. "Where is your destination?" He asked while still looking at me. "in the true church of those who believe in Jesus Christ and in the true God."

Parehong tumaas ang kilay ko nang lumabas ang sagot na 'yon sa bibig ko. Naramdaman ko rin ang kakaibang pagkagalak sa aking puso ng mapagtantong ginagabayan ako ng Espiritu Santo nang sagutin siya. Dahil ang sagot na iyon ay hindi naman iyon planado. At sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ako papunta, ni hindi rin alam ang dahilan kung bakit ako nasa kabayong ito kasama ang kutserong ito. Tumango siya at tumalikod na.

Both of my eyebrows were raised when that answer came out of my mouth. I felt the unusual joy in my heart when realizing that I am guided by the Holy Spirit when answering him. Because that answer wasn't even planned. And to be honest, I really don't know where am I going, nor I know the reason why I am on this horse with this rig driver. He nodded and turned from me.

Mas nakakapagtaka pa na tila hindi rin ako kilala ng kutsero ng kabayong sinasakyan ko.

Even more surprising was that the driver of the horse I was riding didn't seem to know me either.

Nawala na ang kaninang pagkainis ko sa kanya na tila namumuo sa aking dibdib kaya't napangiti ako. Napabuntong hinga siya na tila pagod na sa kakadada ko nang magsalita akong muli, "Bakit nga pala parang tagalog na tagalog ka kung magsalita? Poet ka ba?"

Sa ngayong pagkakataon ay lumingon na siya sa akin nang nakakunot muli ang noo. "Ang iyong sinasabi mo ba ay mukha akong puwet?" Iwinasiwas ko ang aking kamay sa kanya at umiling. "H-hindi, ang ibig sabihin ko ay makata! Ang poet sa english ay makata-ay mali. Ang ibig sabihin ko ay ang makata sa ingles ay poet." Unti-unting nawala ang pagkakunot ng noo niya at tinignan akong mabuti. Tumalikod na siyang muli at tumango-tango pa. Siguro ay sumang-ayon na siya sa sinabi ko dahil totoo naman iyon.

I lost the annoyance I was feeling towards him earlier that seemed to build up in my chest so I smiled. He sighed as if he was tired of my statements when I spoke again, "Why does it seem like your speaking is pure tagalog? Are you a poet?"

This time he turned to me with his forehead furrowed again. "Are you saying I look like a puwet(butt)?" I waved my hand at him and shook my head. "N-no, I mean poet! The poet in english is makata(tagalog of poet)—oh wrong. I mean the makata in english is poet." The frown on his forehead slowly disappeared and he looked at me carefully. He turned around again and also nodded. Maybe he already agreed with what I said because it was true.

Nagsimulang maglakad ang kabayo pagkatapos niyang hilahin ang lubid nito, kaso biglang tumama ang noo ko sa kanyang likuran. Lumingon siya sa akin, "Maaari kang kumapit sa aking baywang." Saad niya at kumunot ang noo ko, pero unti-unti ring nawala nang mapagtanto kong wala rin namang mapapala ang mainit na ulo kung andyan naman ang Diyos para gabayan ako sa bawat sagot at galaw na binibitawan ko. At kung nagkamali man ako, alm kong andyan Siya upang ibalik ako sa kung ano ang tama. "Bakit ka po kasi nagmamadali, ginoo?" Sinubukan kong huminahon ng salita at linagyan ng paggalang ito kahit na mukhang magkasing-tanda lang kami. Baka sa ganoong paraan ay mabawasan ang init ng ulo ko.

The horse started walking after he pulled its rope, but my forehead suddenly hit his back. He turned to me, "You can cling to my waist." He stated and I furrowed my brows, but it also slowly disappeared when I realized that there is nothing to be blessed with a hot head if God is there to guide me with every answer and move I make. And if I make a mistake, I know He is there to bring me back to what is right. "Why are you in a hurry, ginoo?" I tried to calm my speaking and put a respect in it even though we seemed to be at the same age. Maybe that way my temper will be reduced.

"Ako'y nagmamadali kung sakali mang mayroong mangyari sa iyong masama at ako pa ang sisihin mo hanggang sa isumbong mo na ako sa barangay." Umiwas siya ng tingin pagkasabi noon at kumapit na ako sa kanyang baywang. Mukhang hindi naman siya nagulat o nailang. Baka dahil rin 'yun sa nakasanayan niyang maging kutsero.

"I am in a hurry in case something bad happens to you and you might blame me until you report me to the barangay." He avoided eye-contact after saying that and I clung to his waist. He didn't seem surprised or uncomfortable. Maybe it's also because he's used to being a rig driver.

"Ikaw siguro ay mayaman, ngunit nagkukunwaring hindi." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ang pagkakaalam ko ay mayayaman lamang ang nagkakaroon ng tsansang mag-aral ng ibang wika, lalo na at mahigpit ngayon para sa mga kababaihan na huwag mag-aral." Napatango ako nang sabihin niya iyon, "Mayaman naman talaga ako, ngunit hindi sa mundong ito." Saad ko at lumingon siyang saglit sa akin. "Ano ang iyong ibig sabihin?" Muli na niyang ibinalik ang tingin sa daan dahil bumibilis na ang takbo ng kabayo.

"Maybe you are rich, but pretend not to." My forehead wrinkled at what he said. "What I do know is that the rich people only have the chance to learn other language, especially and it's strict now for women not to study." I nodded when he said that, "I'm really rich, but not of this world." I stated and he turned to me for a moment. "What do you mean?" He looked back at the road again as the horse was speeding up.

"Sa kaharian ng Diyos, doon ako mayaman. At sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo ako yumayaman, sa pagsampalataya sa Kanya. Hindi sa mundo." Napatahimik siya nang saglit habang nalalagpasan na namin ang ilang mga imprastraktura. "Si Hesus, Siya ay nababanggit rin ng babaeng aking sinisinta. Naririnig ko rin iyon sa mga mataong simbahan rito. Ngunit, bakit kayo nagiging mayaman ng dahil sa Kanya? Binibigyan Niya ba kayo ng salapi?"

"In the kingdom of God, there I am rich. And through the Lord Jesus Christ I am rich, by having faith in Him. Not in the world." He was quiet for a moment as we passed some infrastructures. "Jesus, He is also mentioned by the woman I love. I also hear that in the crowded churches here. But, why do you become rich because of Him? Does He give you money?"

"Kung kinakailangan namin, magbibigay Siya. Ngunit mas higit pa roon ang ibinibigay Niya. At hindi naman sa bawat pagkakataon ay maituturing na kayamanan ang salapi. Kasi maraming taong mayayaman, ngunit sila pa ang mga taong pinakamalungkot. " Sinabi ko.

"If we need it, He will give. But He gives more than that. And not every time money can be considered as wealth. Because there are many rich people, but they are also the people who are the saddest." I said.

"Eh bakit ako, masaya kapag mayroong salapi?" Saad niya na tila nagdedepensa ngunit hindi na ako naapektuhan roon. "Bakit ka masaya kapag mayroon ka niyon kung ito'y nauubos lang naman rin?" Tanong ko at sumagot siya, "Maubos man iyon, ang tingin naman ng mga tao sa akin ay mataas na tila ako'y isang napakagiting na tao at ang mga ito'y madali kong napapasunod. Nagagawa ko at naaangkin ang mga nais ko sa pamamagitan ng salapi." Lumingon siya sa akin na tila tinitignan kung may masasabi pa ba ako o wala na.

"Eh why am I, happy when there's money?" He said, seemed to be defensive but I was no longer affected by it. "Why are you happy when you have that when it's just running out as well?" I asked and he replied, "Even if it's running out, people look up to me as if I'm a very brave person and I can easily make them obey. I can do and get what I want through of money. " He turned to me as if looking to see if I had anything more to say or not.

Tumango ako sa sinabi niya, "Totoo nga ang mga iyon. Ngunit masaya ka ba na nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo?" Naramdaman kong unti-unting bumagal ang kabayo habang nakatingin pa rin siya sa akin. "oo." Tipid niyang sagot at tumalikod na ulit. "Masaya ka ba kung ang buhay ay para lamang sa iyong kagustuhan o para lamang sa tingin sa iyo ng sangkatauhan?" Tanong ko ngunit hindi siya na umimik. Pabagal ng pabagal ang lakad ng kabayo.

I nodded at what he said, "Those are true. But are you happy that you can do the things you like?" I felt the horse gradually slowed down while he was still staring at me. "yes." He answered sparingly and turned from me again. "Are you happy if life is just for your own liking or just about what will humanity think of you?" I asked but he didn't say a word. The horse walked slower and slower.

"Sa tingin mo ba ay pagiging tao na tila nasayo na ang mundo ay makakapagdala sayo ng kagalakan?" Dagdag ko at ngayon ay nagsalita na siya, "sa tingin ko ay oo, dahil sa paraang iyon, magagawa ko ang aking kagustuhan. Syempre ako ay magiging masaya." Sagot niya at tumikhim, hinila ang lubid upang pabilisin ang kabayo. Nagsalita ulit ako, "kapag nakuha mo na ang lahat ng mga kagustuhan mo, ang kayamanan, ang tingin sa iyo ng tao at kung anuman ang gusto mong gawin nila, ano na ang kasunod nito?"

"Do you think being a person who seems like the world is your own, will bring you joy?" I added and now he spoke, "I think yes, because by that, I can do what I like. Of course I am going to be happy." He answered and cleared his throat, pulling the rope to speed up the horse. I spoke again, "when you've got all you want, money, what the people think of you, and what you want them to do, what's next?"

"Ang kagustuhan na ng mga taong mahal ko at ng mga taong nasa bayan na ito, pati na rin ng mga nangangailangan sa iba pang mga lugar." Napangiti ako sa sinabi niya dahil mukahang sincere naman siya sa sinabi. May malasakit naman pala siya, kahit sa salita man lang.

"What the people I love and the people in this town wanted, as well as those in need in other places." I smiled at what he said because he seemed sincere in what he said. He cared, at least in words.

Ang mga naglalakihang puno hanggang sa maliliit na halaman ay sumayaw dahil sa preskong hanging tumatama rin sa amin. Nagulo nito ang sumbrerong buri ni sungit kaya't inayos niya ito. "Ang sagot ko ba'y pumasa na?" Natauhan ako nang magsalita siya at tumingin ako sa kanya. Tumaas ang pareho kong kilay nang makitang nakatitig na pala siya sa akin. Tumingin ako sa taas at nag-isip, "Kaunti pa." Sagot ko at tumango-tango siya. Tumalikod siyang muli habang pabilis ng pabilis ang takbo ng kabayo.

The huge trees to small plants danced due to the fresh air that also hits us. It messed up arrogant's buri hat so he fixed it. "Did my answer pass?" I realized when he spoke and I looked at him. Both of my eyebrows rose when I saw that he was staring at me. I looked up and thought, "A little more." I answered and he nodded. He turned again as the horse galloped faster and faster.

"Ngunit, pag naibigay mo na ang mga kagustuhan ng mga tao, ano na ang sunod? Oo, alam kong masaya ka. Pero kumpleto ka ba?" Saglit siyang sumilip sa akin at agad na ibinalik ang tingin niya sa daanan, "Siguro'y kamatayan na ang sunod pagkatapos niyon." Nagsalita siyang muli at tinignan ako, "Tama ba?"

"But, once you've given people's wants, what's next?" He glanced at me for a moment and immediately turned his gaze back to the street, "Maybe it's death is next after that." He spoke again and looked at me, "Is that right?"

"Maaari. " Sagot ko at tumalikod siya. Buti ay hindi siya nahihilo sa pabalik-balik niyang tingin sa akin at sa daanan.

"Maybe." I answered and he turned from me. It's good he's not dizzy as he looks back and forth at me and the street.

"Kaso, madadala ba natin ang mga salapi at ang mga ari-arian natin kapag namatay na tayo?"

"But, can we take our money and our belongings when we die?"

"Hindi." Sagot niya nang hindi lumilingon sa akin.

"No." He answered without facing me.

"Ayos lang naman na magbigay, mag-ipon at gumamit ng salapi, ngunit huwag tayong manangan dito at huwag nating ibigin ito na tila ito'y makakapagligtas sa atin mula sa walang hanggan parusa. Hindi rin naman ito magpasawalang hanggan kaya't pag nawala ito at inibig natin ito, paano na tayo? Oo, masaya ka, Pero kumpleto ba?" Tumango-tango siya kaya't ngumiti ako.

"It's okay to give, save and use money, but let's not cling to it and let's not love it as if it could save us from eternal punishment. Nor will it last forever so when we lose it this and we love it, how can we? Yes, you are happy, but are you complete?" He nodded so I smiled.

Siguro'y pinupukaw na ng Panginoon ang kanyang puso kaya't madali na siyang sumasang-ayon. "Sinabi nga ni Hesus sa Marcos 8:36, 'Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?"

Maybe the Lord was stirring his heart so he could easily agree. "Jesus said in Mark 8:36, 'For what shall it profit a man, if he shall gain the whole world, and lose his own soul? What shall a man give in exchange for his soul?"

"Sinabi niya iyon dahil ayaw Niyang maiutuon ang ating mga mata sa mga makamundong bagay at sa mga bagay na panandalian lamang." Lumingon siya sa akin nang saglit, "wala naman atang magpasawalang hanggan. Pati nga tayo ganoon rin, panandalian lamang." Tumango ako. "Totoo nga na ang mga bagay rito ay panandalian lamang, pati rin tayo. Ngunit ang gumawa sa mundo at sa lahat nito, kasama na tayo ay magpasawalang hanggan kung tayo'y sasampalataya sa Kanyang kaisa-isang Anak."

"He said that because He does not want our eyes to be focused on worldly things and on things that are only temporary." He turned to me for a moment, "there's probably no forever anyway. Neither do we, only last for a short time." I nodded. "It is true that the things here are only temporary, so are we. But the one who made the world and all that is in it, including us will be forever if we believe in His one and only Son."

"Paano mo nasabi?" Tumalikod siya pagkatapos iyon sabihin. "Dahil ipinakita Niya sa akin na mayroon pa palang dahilan kung bakit ako naririto sa mundong ito, at ito ay para sa Kanya na mamuhay. Isa pa, mayroon pa palang dahilan kung bakit mo ako nakakausap ngayon, pati na rin ang sinisinta mo tungkol kay Hesus." Napalingon siya sa akin at napakunot ang noo. "dahil gusto Niyang malaman mo na mabuti Siya at mahal ka Niya, kahit ano pa ang nagawa mo." Unti-unting lumaho ang kunot ng noo niya at napangiti naman ako. Tumalikod siya at napatalon ng kaunti ang kabayo dahil may malaking bato na muntik na nitong ikadapa.

"How can you tell?" He turned away after saying that. "Because He showed me that there is still a reason why I am here in this world, and it is for Him to live. One more thing, there is still a reason why you are talking to me right now, as well as the girl you love about Jesus. " He turned to me and furrowed his eyebrows. "because He wants you to know that He is good and that He loves you, no matter what you have done." Slowly, the wrinkle on his forehead disappeared and I smiled. He turned around and the horse jumped a little because there was a big rock that was about to make it stumble.

"Ayaw ng Diyos na masayang ang buhay natin na nagpapagal tayo sa mga bagay na panandalian lamang, ngunit sa buhay na walang hanggan pagkatapos nating mamatay sa mundong ito. At si Hesus ang daan sa buhay na walang hanggan."

"God does not want our lives to be wasted as we labor in things that are only temporary, but in eternal life after we die in this world. And Jesus is the way to eternal life."

Lumingon siya sa akin, "Totoo bang mabuti Siya?" Napangiti ako sa tanong niya, "oo naman. Siya ang pinakamabuti, sapagkat ang walang hanggang kabutihan ay nanggagaling sa Kanya." Tumango siya at muling ibinaling ang tingin sa daanan. Mahina akong natawa sa sarili nang matantong nagiging puro na rin ang pagtatagalog ko habang pinag-uusapan Siya.

He turned to me, "Is He really good?" I smiled at his question, "Of course. He is the best, because eternal goodness comes from Him." He nodded and turned his gaze back to the street. I laughed silently to myself when I realized that my Tagalog was becoming more pure while talking about Him.

"Paano mo nasabing Siya'y mabuti?" Tanong niya. "Dahil binigay Niya sa akin ang pinakamahalagang bagay na kailangan ko." Sumulyap siya, "Ano naman iyon?"

"How do you say He's good?" He asked. "Because He gave me the most important thing I needed." He glanced, "What's that?"

"Ang pagmamahal ng Diyos sa makasalanang tulad ko."

"God's love for a sinner like me."

"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Nakasulat sa John 3:16."

"For God so loved the world that he gave His one and only Son that whosoever believes in Him shall not perish, but have eternal life. It is written in John 3:16."

To be continued...

Itutuloy...

Verses of the Day:

Joshua 1:9, "Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go."

"Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta."

John 3:16, "For God so loved the world that He gave His one and only Son, that whoever believes in Him shall not perish, but have eternal life."

"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

Marcos 8:36, 'Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?"

"For what shall it profit a man, if he shall gain the whole world, and lose his own soul? What shall a man give in exchange for his soul?"