CHAPTER FOUR : TROJAN ORGANIZATION

—↠⨪._- Classroom of the Gifted ↞৲–—¬»

CHAPTER THREE

–MARINE'S POV–

——Huminga ako ng malalim at nagpunas ng pawis. Kanina pa ako panay punas sa bawat sulok ng mga cabinet at pader pero parang hindi naman nauuubusan ng alikabok. Seriously, ilang taon nila ito huling nalinisan?

Ibinaling ko ang atensyon sa isang babaeng padabog na nagwawalis. Kung ano-ano din ang ibinubuong nito, hindi ko masyadong marinig kung ano pero meron siyang sinasabi tungkol sa 'stupid', 'losers' o 'Class R-1'.

"Hey Carbitch, ayusin mo nga ang pagwawalis mo para matapos na tayo" Iritadong sambit ko.

Unfortunately, naparusahan kami 'but I still don't know kung bakit nasama ako' dahil sa walang permisyong paggamit ng Battle Ground. Ang mga naparusahan ng paglilinis ng buong school ay ang Team ni Mint at Team ni Verif, plus one lang ako, at sa pagkamalas-malas ay magkasama pa kaming na-assign ni Terra ni Carsy sa paglilinis ng Storage Room.

Medyo nagpasalamat din ako dahil nang mapagalitan kami ay halos nakalimutan na nila ang ginawa ko sa Battle Ground.

"It's Carsy! And sino baa ng may kasalanan nito? It's none other than your loser classmates!" Maarteng sagot nito

"Well, sino ba ang may kasalanan na meron kayong dumb team!"

"Are you aware na kasama ang kapatid mo sa nilalait mo?"

"Yes, don't worry kasama si Mint sa panlalait ko"

"You little...UGH!" Padabog nito akong tinalikuran habang nagpipigil ako ng tawa.

Habang nagpupunas ng ilang mga drawers, hindi ko napigilan ang pagbubukas ng mga ito. Wala naman akong nanakawin, baka may Makita lang akong something interesting na pwedeng maipang-blackmail sa mga teachers.

Sa pagbukas ko ng pang itaas na drawer, may nahablot akong isang folder, maalikabok na ito kaya pinagpagan ko muna bago isinantabi ang basahang hawak-hawak ko.

Isang lumang class picture ang bumungad saakin. Hindi panama gaanong ka-luma ang tekstura ng litrato pero alam kong ito ang lumang building ng Lancaster Prime. Sa tingin ko ay mga nasa kasing edad lang namin ang naririto

Inilapit ko ang mukha ko at napatingin sa isang babae sa dulo ng first row. Maayos na naka pusod ang itim nitong buhok, at napaka elegante ng pagkakaupo niya, matamis ang kaniyang pagkakangiti. Nang marealize ko na parang familiar ang itsura nito ay sumulpot sa isipan ko si Terra, ganitong ganito din ang pagkakatali niya ng buhok sa tuwing makikita ko siya, pansin ko din ang elegante at pormal na tindig nito. I think this is Terra and her high school classmates.

Sa katabi ni Terra ay isang babae na may malawak na ngiti, na para bang ang class picture day na ito ang pinaka-hinihintay niyang araw sa school year.

Actually anim silang nasa first row ng class picture. Ang namukhaan ko ay si Terra, ang Special Physical Education teacher namin na isa ding chosen na si Sir Kalem at ang aming Ability Trainer na si Ms. Miranda. Ang tatlo namang natira ay pare-parehong nakasimangot pero kita ang saya sa kanilang mga mata, It's like the three of them aren't good at expressing their feelings, but you can easily read them.

"Pinapatawag daw tayo ni Terra"

Napatalon ako nang biglaang sumulpot sa pinto si Thayne kasama si Mint na na-assign sa paglinis ng gym. Agad kong ibinalik sa folder ang picture at nilagay sa loob ng drawer na pinagkuhanan. Humarap ako sakanila na para bang walang pinakealaman.

"Hindi pa kami tapos" Maarteng sagot ni Carbitch at huminto ang mata nito sa kapatid ko.

"Don't look at me like that" Malamig na sambit ni Mint. Mahinang napahagikhik ako

"Bakit daw?" Tanong ko

"Don't know. Pinatawag din daw yung iba, siguro nauna na doon"

Hindi ko na hinintay pa ang babaeng blonde at sumunod na sa dalawa

"H-hey Margarine! Wag mo 'kong iwanan dito! Bitch"

Nagsimula akong maglakad ng patalikod habang mapang-asar na tiningnan si Carsy

"I'm not the one who has bitch in their name, right Carbitch?" I smirked

"UGH!"

Tumawa ako at naglakad na ng maayos

"Why is she calling you margarine? You're not a margarine tho, you're my munchy" Mint said while pouting. Ngumiwi ako dito at pabirong sinuntok ang kanang balikat

"Cringe"

"Naiirita ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ni Mint pero kinikilig ako kapag ikaw ang nakikita ko. Ang ganda mo kasi at ang panget ni Mint" Thayne said out of the blue at inakbayan ako. Hindi ko alam kung ma-f-flatter ba ako o maiinis sa sinabi nito. We literally look like each other!

"Hands off flirt" Iritadong sambit ni Mint at pilit na inaalis ang braso ni Thayne sa balikat ko

"Why? Oh, nagseselos ka ba baby Mint? Don't worry magkamukha naman kayo kaya susubukan kong mahalin ka din" Nakangising pang-aasar ni Thayne

"Disgusting blue headed flirt" Bulong ng kapatid ko

"Color blue is cool though, that's why I am cool"

Ugh. Someone stop them

***

Bale sampu kaming lahat na nakaupo magkaharapan dito sa conference room, plus si Terra, Sir Kalem at Ms. Miranda. May projector na nakaready sa gitna ng table namin.

"Good, you're all here"

Why am I here again? Pansin ko na ang grupo ni Mint at Verif ang nandito and heck I'm not even one of them

"What is this sudden meeting for Terra? And with....this scumbags" Tanong ni Felix ng may halong pandidiri sa huling sinabi. I rolled my eyes at him.

"Why you little piece of poop"

"Enough with that already" Seryoso at kalmadong saad ni Terra na ikinatigil nila.

Tumikhim muna si Sir Kalem bago i-flash ang isang litratong may pitong mukha na para bang kinuhanan ng I.D picture.

"Who are they Sir?" Panimulang tanong ni Yuhen

"Before Kalem go any further, Wala kayong pagsasabihang ibang estudyante tungkol rito maliwanag ba?" Ms. Miranda sternly said. Nagtataka man kung bakit, tumango ang lahat kaya sinenyasan ni Terra si Sir Kalem na magpatuloy nang muli.

"So you already know about the 4 levels right? The Rookies, your current level. The Elites, Masters and the Legendaries. Para itong grade level ng mga ordinaryong eskwalahan like freshmens, sophomores, juniors and seniors

These three people right here are part of the Legendary Level" Sambit ni Sir at itinuro ang tatlong chosen na sa tingin ko ay kasing-edad lamang nila Terra.

"I will go straight to the point, these seven faces right here are part of the group named Trojan Organization na pinamumunuan ng tatlong former legendaries." Dagdag pa ni Sir Kalem atsaka nilipat ang picture sa isang lalaking kalahting ahas.

"Ew, he looks gross" Maarteng pagpuna ni Carsy

"Tingnan mo nga 'yang mukha mo sa salamin" Mahinang bulong ko, pero sapat na sa pandinig ng katabi kong si Marlow. Mahinang tumawa ito at nakipag-apir saakin sa ibaba ng table.

"Ano yung Trojan Organization Sir?" Tanong ni Milen at inayos ang kaniyang salamin

"Isa itong organisasyong pinamumunuan ng pitong taong narito. You can say that they're our enemy dahil magkaiba ang goal at pinaglalaban namin. Us teachers and principal here in Lancaster Prime gathers chosen ones to enhance their gifts, while Trojan Org. Wants to take all special abilities na meron ang bawat-isa saatin"

"What do you mean Sir?" Tanong ni Thayne

"Their goal is to open the Black Hole. At alam niyo ba ang kayang gawin ng Black Hole na iyon? It can grant any wishes from the person who opened the hole. But that's not all, once you wish something in that hole, ay may kapalit. Give and take kung baga" Paliwanag ni Sir Kalem.

Kung ganoon, Their goal is to open that hole and wish something. Nangilabot naman ako sa sinabi ni Sir Kalem na bawat hiling ay may kapalit, who knows kung anong kapalit ang hihingiin ng black na iyon right?

"Paano nila mabubuksan ang Black Hole? I mean, they're not yet moving right? So ibig sabihin ay may hinahantay pa sila para tuluyan mabuksan iyon?" Tanong ko

"Maybe and No. Kahit kami ay walang alam tungkol sa pagbukas ng Black hole na iyon kaya nakapagtataka't alam nila ang tungkol doon, so Maybe meron pa nga silang hinihintay. Ang tanging alam namin na isang sangkap sa pagbukas ng black hole ay ang pagiipon ng mga abilities ninyo to feed the hole. And No. You're wrong about them not moving. That's why we're here to tell you about their organization.

I'll introduce to you first sa bawat leader ng Trojan, to have knowledge about them, in case.

This is the 7th member of Trojan Organization. His name is Leron Rouge . 26 years old. Ability, Snake Hybrid" Pagpapakilala ni Sir sa pinakitang kalahiting tao at kalahating ahas.

"Yun na iyon? Ang useless naman ng ability niyan" Mint scoffed

"He can turn you to stone once you look at his eyes" Seryosong dagdag pa ni Sir

"Leron's strength is his eyes, but it can also be his weak point since without his eyes, there's no strength in him" Sambit ni Ms. Miranda na ikinatango ng lahat, though I still don't know why are they telling this to us?

"The 6th member of Trojan Org. Vosco Miran. 18 years old. Ability, he has metal body, other than that, like Leron, he can turn you to metal once he touches you. Strength, body. Weakness, his hands."

Hindi din biro ang mga myembro ng Trojan. Nasa 6th member palang kami ay hindi na nagawang laitin pa ng mga kasama ko ang kakayahan nila.

"The 5th member. Misa Takaya, 12 years old. She's the youngest member of Trojan. Ability, Smoke Poison."

Sa tingin ko, ang babagay sakanya ay si Milen since some of her needles contains poison too. Ang kaibahan lang, ay si Misa, isang singhap mo lang ng smoke niya, nalason ka na.

"4th member. Vera Linster. 22 years old. Mind reader and Taro Hartiller as the 3rd member, he's actually around your age, 15 years old. Plant manipulator."

Pinakita sa harap ang mukha ni Vera. I think I saw her somewhere....

Right! Sa class picture! Isa siya sa mga nakita ko na kasamahan nina Terra. Habang ang nasa isang litrato naman ay si Taro, tama ngang nasa edad lang naming ito. Hindi ko mapagkakailang maitsura din ang lalaking ito. Black na black ang buhok niya and he's wearing a cold face. Nakasimangot lang siya pero ang gwapo nang tignan. Sayang, pwede na sana kung hindi lang siya isang Villain.

"Makatingin ka sa Tarong 'yan wagas. Nagwapuhan ka?" Pang-aasar ni Mint

"I'm not denying that" Tanging sagot ko.

"But red hairs are more appealing right?" Sabat ng kaharap ko sabay kindat.

"Yeah, you look like women's period" Mahinang sagot ko ngunit nadinig padin niya ito at mahina akong tinawanan.

"The Second member, Luciem Rigal. His gift is really powerful. Hypnotism, His strength is his mind and his weakness is his mind. Siguro naman ay alam niyo na ang nagagawa ng mga hypnotisms right?" Sabi ni Sir Kalem at tumango kami.

It really is powerful, but not that dangerous though.

"And the First member of Trojan ang nagsisilbing pinaka boss. Riva Santiago. Her gift is unknown, Strength is unknown, as well as her weakness"

"Ha? Paano yan?" Takang tanong ni Tarron

"Anong paano yan? You mean, what does it have to do with us?" Segunda naman ni Verif

"Kayanga, with this ewie trashes pa" Nakangiwing sabi ni Carbitch

"Sinimulan mo iyan ha! Atleast wala kaming malanding kagrupo" Tsk, Thayne

"Are you calling me malandi!?"

"Alangan namang si Milen eh kahit dwarf size yan atleast mahinhin, eh ikaw? Dikit pa ng dikit kay Mint"

"You little piece of-"

"Stop!" Natigil ang lahat sa pagbabayangan nang dumagundong sa loob ang boses ni Terra

"All of you will have a secret task about the Trojan Organization"

Including me!?...